Hindi niya alam kung bakit nakadama siya ng kurot sa dibdib ng ipagtabuyan siya ng salita ng lalaki.
labag man sa kanyang kalooban ay mabibigat ang kanyang mga paa'ng humakbang.''Gusto mo ba talagang makatulong?''
Ang tangkang paghakbang ay hindi na natuloy sa halip ay muli niyang inangat ang ulong naiyuko kanikanina lang.
''P-Paano?''
tanong ni Arabella.''mag stay ka rito,ikaw ang mag alaga sa akin.''
Natigilan siya.
''O bakit?huwag mong sabihing natatakot ka?''
Napatingin si Arabella sa katabing nurse ng lalaki.
''Ikaw ang personal na mag aalaga sa akin,siya naman ang mag aasikaso sa mga ilang bagay''
Sabi ng lalaki sa kanya.''Kung hindi ka makakapagdesisyon ngayon palang ay umalis kana''
''H-Hindi naman sa ganoon,kaya lang ay-''
''Kaya lang ay ano?''
''P-Paano ang anak ko?Ang trabaho ko?''
''Marami ka yatang dahilan Arabella?Kung gusto may paraan.''
Nakataas ang mga kilay nitong sabi sa kanya.''Ano ang desisyon mo?''
''Kailangan ba ngayon na dapat?Wala na ba akong choice man lang?''
''Nagtataka naman ako sa iyo,gusto mong makatulong ngunit nag aalinlangan ka?Ang choice mo?Maaari kang tumanggi.Ngunit alam kong sinusumbatan ka ng konsensiya mo.Walang pumipilit sa iyo.''
Humugot muna siya ng malalim na hininga.
''Naiinip na ako.''
''Oo.''
Ang naibulalas ni Arabella.''''Kung gayon ay dalhin mo na rito ang mga gamit mo at ang anak ko.''
''Nanlaki ang mga mata ni Arabella.''
''Bakit?May problema ba Arabella?
''W-Wala.''
Walang magawang sagot niya.''Nagkakaintindihan na tayo.Maaari ka ng umalis ngayon at asikasuhin ang mga gamit mo at maaari ka ng bumalik maya maya lang.''
Napaaawang na naman ang kanyang bibig sa sinabi nito sa kanya.Na sinundan naman agad nito ng salitang...
''Marami na akong pera,kung anu man ang magiging kakulangan ay bibilhin ko.''
...
Habang nasa biyahe'y inis na inis si Arabella.
Bakit kasi nakapunta punta pa siya doon.Ang dami tuloy niyang isipin ngayon,imbes na wala sana siyang pinoproblema ngayon.Mag i stay pa tuloy siya roon,kanina'y wala naman siya dapat planong magpatangay sa gusto nitong mangyari ngunit tila hinamon at ginamit nito ang kanyang konsensiya.HIndi siya masamang tao upang hindi makonsensiya.Ngayon ay pano na?
Habang nag eempake siya ng damit ay hindi na nagtatanong ng maigi ang kanyang tita,simple lang kasi ang ginawa niyang paliwanag rito at tila tinanggap naman nito ang lahat ng maluwag sa dibdib na malayo sa hinagap niya.
''Maige narin at naruon ang bata,baka makatulong sa mabilis na pag galing ng kanyang ama.
''Paanong gagaling kayo narin ang may sabing hindi na siya muling makaklakad pa?''
Sagot niya sa sinabi ng tiyahin.''Malay mo naman.Walang imposible sa Diyos hindi ba?''
''Sana nga po,kung hind'y habang buhay akong matatali sa lalaking iyon.''
BINABASA MO ANG
Under My Spell
DragosteSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...