Huli na para magsisi...
Nakagawa na siya ng isang bagay na hindi niya kayang ibalik pa.
Walang kibo ang lalaki ng dahan dahan itong umupo sa tabi niya.
Tahimik din siya.Hindi niya alam ang sasabihin rito."Why did you come here?"
Tanong nitong hindi parin siya tinitingnan."Nag aalala ako sa iyo."
Ang tanging nasabi niya."Sa sarili mo hindi ka nag aalala?"
Nahiya siya bigla sa sinabi ng lalaki.
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
Tanong niya rito."Bakit ba?"
Iritadong tanong nito."Galing ako ng hospital kahapon at aksidenteng nakita kita at sinundan."
"Sino naman ang may sabing sundan mo ako?"
Hindi parin niya inintindi ang iritadong tanong nito.
Hindi na siya nakatiis at
Siya na ang naglakas loob na humarap dito.Inabot ang mga kamay nito.Mailap ang mga mata ng lalaki halos ayaw siyang tignan.Pakiramdam niya'y may bumabagabag nga rito."M-May sakit ka ba?Bakit hindi mo sinabi sa akin?Kaya mo ba ako nakalimutan?"
Bigla itong napatayo sa sinabi niya.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
Malakas na boses na tanong nito sa kanya."Kasi'y,kasi'y hindi mo na ako naalala."
"Anong pinagsasabi mo?"
Galit paring tanong nito."M-May ipagtatapat ako sa iyo.M-Magkasintahan tayo dati.Matagal na.Bigla kang nawala,hinanap kita ngunit nagulat na lang ako,ganyan kana."
Mahina na ang boses ng huli niyang salita."What?Ibig mong sabihi'y niloko mo ako?"
Namutla siya sa tanong nito sa kanya.
"Hindi ko sinasadya.""Hindi ba't tinanong kita kung kilala mo ako?Ilang beses?Kung talagang nagkarelasyon tayo'y kilala mo akong galit sa sinungaling!"
"Kasalanan ko ba ng sa pagbabalik mo'y hindi mo na ako kilala?Dapat mo akong maintindihan dahil mas nanaisin ko pang magsinungaling sa iyo kaysa ipagduldulan ko ang relasyon natin sa naguguluhan mong isip!Nandito ako upang malaman ang sagot mo sa tanong ko!"
"Wala akong sakit pwede ba?Ang uncle ko ang may sakit hindi ako."
Natigilan siya sa sinabi nito.
"Ano pang kasinungalingan ang hindi ko pa alam?At bakit kailangan mo pa akong lokohin?Hindi kaba nahihiya?"
Nanlata siya sa tanong nito.Ito na ang tamang pagkakataon na pinakahihintay niya.Ang sabihin rito ang totoo upang makalaya siya sa sumbat ng kanyang budhi.
"G-Ginayuma kita noon.Hindi ko alam kung maniniwala ka.G-Gustong gusto kasi kita noon at wala na akong alam na paraan."
Katahimikan ang namayani sandali at pagkatapos ay nagpalatak ito.
"Sinasabi ko na nga ba.Iniisip ko kasi kung paanong ang isang katulad ko'y pumatol sa iyo."
Nang iinsulto na nitong tanong sa kanya ngayon.Nasaktan siya sa narinig mula rito.Masakit ang katotohanan.
"Kaya pala hindi ako makakalas kalas sa iyo.Kaya pala nagtataka ako kapag nakikita kita.Iyon pala ay bunga iyon ng pandaraya mo babae ka!Ilang lalaki na ang ginawan mo ng ganito?Ilan na kami?!"
Nagulat siya sa malakas nitong pagsigaw.
"I-Ikaw lang."
Narinig niya ang nakakainsultong tawa nito.
"Kung ganoon,wala na akong anomang magagawa sa iyo.Nakuha mo na ang inaasam-asam mo.Magmula sa araw na ito'y huwag ka ng lalapit lapit sa akin ng hindi kita tinatawag upang malayo ako sa mga pangkukulam mo.At maari ba,kalimutan mo ng lahat ng nakaraan.Mas makabubuti iyon para sa ating dalawa.
Nanatili siyang nakayuko.
"Umalis kana.Dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo.Umalis kana!"
Nagtatakbo siyang lumabas sa pinto.Narinig niya pa ang pagbalibag ng mga gamit nito sa loob.
Pakiramdam niya'y isa siyang basahan na inihagis nito sa labas.Napakasakit.Hindi niya alam na ganito pala kasakit.Kaya nga ba ito ang kinatatakutan niyang mangyari.
Para siyang nauupos na kandila.Nanginginig ang kanyang mga kamay na nakahawak sa manibela.Hindi niya magawang mag drive.Iyak lang siya ng iyak.Ito ang napala niya sa nagawa niyang kasalanan.At marapat lamang na tanggapin niyang lahat iyon.Hindi lang siya rito ngayon may kasalanan.Kundi sa isang taong espesyal din sa kanya.Nagtaksil siya.Ano na ngayon ang gagawin niya.
Sana'y hinayaan niya nalang ang mga pangyayari.Sana'y hindi siya nagpadalos dalos.Ngunit darating at darating ito.Ang katotohanan.Pilit man niyang iwasan ay hindi maari.
Ang konsolasyon lang ay tapos na.Tapos na ang pag aalala niya.At tapos narin dapat ang nararamdaman niya.Subalit hindi.Hindi at malayo sa kanyang inaasahan.Para siyang pinatay.Ganoon kasakit.Ang naipon niyang kumpiyansa sa sarili'y unti unting lumabo hanggang sa mawala.Nang makauwi siya'y wala siya sa sarili.Hindi siya nakakain.
At ngayon.Hindi rin siya makatulog.
Buhay pa sa kanyang gunita ang galit nitong boses.
Hindi niya man lang nakita ito dahil takot siyang makita ang pagkasuklam nito sa kanya.
Tulad ng tula ng ama nito.Ang pagsisinungaling ay isang malaking kasalanan para sa mga ito.Sana'y nagnanakaw nalang siya.Nagmakaawa nalang dapat siya upang ibigin nito.Iba ang nangyari.Sapilitan.Pinilit niya ang lalaking gustuhin siya ng walang kalaban laban.
Sino nga ba ang makatatanggap ng ganoon?Sobrang panlilinlang ang ginawa niya.Nakadagdag pa roon na ngayon niya lang inamin ito.Dapat noon pa.Dapat noon pang hindi na siya matandaan nito dahil baka tawanan lang siya ng lalaki hindi gaya ngayon na halos isumpa siya.Kumuha si Arabella ng maiinom.Kinuha niya ang pinakamamahalin niyang alak na matagal ng nakadisplay.Dali dali niya iyong binuksan at walang pakundangang tinungga.Mapait.Mapait gaya ng nararamdaman niya.Mabuti pa ang alak,sinasabayan siya sa kung ano man ang nararamdaman niya ngayon.
Nahihilo na siya.Dahil hindi siya sanay uminom.Hindi na niya alam kung paano pa siya nakarating sa kama.
...
Pag gising niya'y masakit na masakit ang kanyang ulo.Hindi siya papasok at wala siyang pakielam roon.Ang gusto niya'y alak.Muli.kumuha siya ng panibago.Muli siyang tumungga.Gusto niyang makalimot.Tutulungan siya ng alak...
Kanina pa patingin tingin sa relos niya si Cort at kanina pa tawag ng tawag sa telepono.Paano'y may meeting pala ngayon ang kasintahan ay wala pa ito.
Nakailang tanong na sa kanya ang makulit niyang pinsan kung nasaan na si Arabella.Sinisiko niya lang ito.Si Rigs naman ay pasulyap sulyap pa kanina sa ginagawa niyang pagtawag.
Nagdesisyon na siya.Pupuntahan niya ang babae.
Nag uumpisa na siyang mag alala.Kagabi pa niya ito tinatawagan ngunit hindi man lang ito sumasagot.Ano na ang nangyari sa babae.Sana'y wala namang masamang nangayari rito.
Kung sino man ang umaalog sa kanya'y hindi nagugustuhan nj Arabella.Lalo lang siyang nahihilo sa gumagawa niyon.Hanggat maaari'y ayaw na muna niyang magising.Ang gusto niy'y maging isang panaginip iyon na babalik muli sa umpisa.
Sa umpisang nag iisa pa siya.Wala pa ang isang Rigor.Ang lalaking minamahal....
Nakatingin si Rigor sa malaking painting na nakasabit sa kanyang bahay.Isa iyon sa pinaka iniingat ingatan niya sa buong bahay sa ibaba ng painting ay may patungan na ipinasadya at naroon ang nag iisang larawan na nakapatong.
Ayaw niya na sanang mangyari ang nangyari noong nakaraang araw ngunit mas maganda narin na nangyari iyon upang hindi na rin siya mahirapang idispatsa ang babae.Nakukulitan narin kasi siya rito.
Tinapat na niya ang babae at ginamit niya ang pagkakataon upang makakalas rito.
Ayaw na sana niyang umabot sa puntong maging bastos siya.
Ayaw naman niyang mag paasa ng tao.Malungkot siyang nakatunghay sa larawan.

BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomanceSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...