Napabalikwas siya ng bangon at maingat na ikinipit ang kumot sa sarili.
Samantalang balewala rito kung nakabuyangyang man ito sa harap niya ngayon."Umuwi na tayo."
Inulit niya ang sinabi niya kanina.Tinapunan lang siya nito ng hindi mabasang tingin at dahandahang tumayo upang isuot ang mga pinaghubaran nito.Nang makita niya itong papalabas na ng silid ay siya naman ang nagbihis.
Wala siya sa sarili at tila nakalutang sa narinig mula rito.Diyos ko anong gagawin ko?Kakaba kaba siyang lumabas sa silid.Nakita niyang nakapamintana ang lalaki at nakatukod kapwa ang mga kamay nito roon.
"Kumain muna tayo."
Salita nito habang nakatalikod parin sa kanya.
Naupo na siya sa kawayang bangko at tinanggal na ang mga takip ng pagkain na nakahain.Napalunok siya ng makita niya ang umuusok pang sinigang na salmon sa miso at mga bangus na pinaputok,sinamahan pa ng umuusok ring sinangag na may mga kamatis sa tabi.
"K-Kumain na tayo."
Siya naman ang nag aya rito.Alam niyang gutom siya pero sino ba ang makakakain ng may ganitong kaharap?Kanina pa kasi siya pinag aaralan nito.
Nahihirapan na siyang lumunok pero naduduwag naman siyang magtanong dahil natatakot siya sa bunga ng kanyang ginawa.
Alam niyang tila tumalab na ang gayuma ngunit anong saklap ng siya naman ang magising sa ginawa niyang kagagahan.Nasa bangka na sila ngunit wala parin silang imikan.Hindi niya alam ang susunod na gagawin niya.
Hanggang nasa bahay na niya sila.
"Maliligo lang muna ako."
Narinig niyang sabi nito at tumango lang siya.
Nasa silid na siya at nahiga ng nakatihaya saglit sa kama at nag isip isip.
Napabuntunghininga...
At napakislot ng maalala niyang nasa banyo nga pala niya ang lalaki at ngayon ay kalalabas lang.
Hindi siya nakakilos at nanatili sa ganoong posisiyon.
Naramdaman niyang lumapit ito sa harap niya at itinukod ang dalawang kamay sa kanyang bandang ulunan.Seryosong nakatunghay ang mga mata sa kanya at tumutulo pa ang mga basang hibla ng buhok nito sa ibang parte ng kanyang mukha.
Ang mga binti nitong mahahaba ay bahagyang nakadagan sa kanya.
Bumaba ang mga labi nito unti unti sa kanya at siniil siya ng halik.Hindi niya alam kung paano tutugunin iyon kaya pinabayaan niya nalang ito.Nalasahan niya pa ang mint sa bibig nito dahil sa bagong toothbrush.
Tumigil ito ng maramdamang hindi siya tumutugon.
Tinitigan siya uli nito at nahirapan siyang salubungin ang matiim na pagkakatitig nito sa kanya.
Lumayo na ito at nagsimulang magpunas ng katawan.Dali dali narin siyang umupo at nagsalita."Gusto ko ng tapusin ito."
Naramdaman niyang tila natigilan ang lalaki .
"I mean,ayoko na."
Wala parin siyang narinig mula rito.
"Wala kabang sasabihin?"
Hindi siya nakatiis at nilingon niya ito .Naka boxer lang ang lalaki at iniwas niya doon ang kanyang paningin."Hindi kana pwedeng umurong."
Makapal at buo ang tonong sabi nito sa kanya."Ako ang may pakana nito kaya wala kang dapat alalahanin."
Tugon niya sa sinabi nito."Hindi mo na maaaring bawiin ang pera."
"Yung tungkol doon ay kalimutan mo na.Tutal ako naman ang nag alok sa iyo."
"Ganoon lang talaga kadali sa iyong magtapon ng pera?"
"Wala kang karapatang manghimasok sa desisyon ko."
Narinig niyang nagpapalatak ito.
"Mayroon."Sabi nito."Paano ka nagkaroon ng karapatan?"
"Dahil ginamit mo ako at nagpagamit ako at hindi porke nagbigay ka ng pera'y para ka ng Diyos na ikaw lang ang magdedesisyon."
Matigas na ang boses nito."Pwes! ibalik mo ang pera ko ngayon din."
"Bakit ko naman ibabalik lahat?Bayad ako,sa halos tatlong araw ay nirentahan mo ako."
"Hindi ba't napaka kapal naman ng pagmumukha mo sa lagay mong iyan?Hindi kaba nahihiya?"Sabay lingon niya rito.
"Babayaran kita pagbalik ko,kasama ang tubo.At sa pagbabalik ko'y ako naman ang magpapautang sa iyo at titiyakin kong hindi ka makakabayad."Seryoso ang mukha nito na pinagtawanan lang niya.
"Kitamo?Tatakas kana! Hindi na ako umaasang makakabayad kapa.Barya lang sa akin yan kaya ibinibigay ko na sa iyo yan.Huwag mo ng bayaran."
"Huwag mo akong insultuhin dahil sanay ako diyan.Siguro'y kaya walang nagtangka sa iyo dahil sa ugali mo."
"Wala akong pakielam."
Tinawanan lang siya nito sa sinabi niya.
"Aalis na ako ngunit tandaan mong babalik ako."
Hindi na siya kumibo sa sinabi nito.
...
Habang lumalakad ang araw at ang oras na inaasikaso niya ang lahat sa kanyang pag alis ay walang Rigor na nagpakita.
Inaasahan na niya iyon at hindi nga siya nagkamali. Ang isang katulad nito na mukhang pera ay ganoon nga ang gagawin. Sinisi niya ang sarili kung bakit nakagawa pa siya ng ganito. Ewan ba niya, para siyang pinasok ng katangahan sa ulo upang makagawa siya ng isang bagay na walang kabuluhan. Ngayon nag aksaya na nga siya ng pera nakagawa pa siya ng isang bagay na habang buhay niyang pagsisisihan.
Masisisi niya ba ang sarili kung sa pagkatapos ng lahat ng mga plano niya ay magising siyang puno ng pag sisisi.
Nangyari na kaya sa iba itong kakaiba niyang plano? At ang gayuma? Ah, Ewan!Baka kung may iba pang nakaalam ng kagagahan niya ay pagtawanan pa siya. Daig niya pa ang may sira sa tuktok.
Ano nalang ang sasabihin niya sa tiya?...
Pagkatapos ng mag iisang taong pagsisikap na malaman ni Rigor ang totoo ay nagbunga na ang kanyang pagsisikap at pag iimbestiga.
Nagbago ang lahat sa kanya, mula sa estado ng pamumuhay, pananamit, pananalita at pagkilos. Sino ang makapagsasabing ang dating mangingisda noon ay isa palang heridero?
Kung dati'y ginagamit pa niya ang katawan at hitsura para lang magkaroon ng salapi, heto ngayon siya maaari ng humiga sa salapi. Bagaman ulila na pero nanalaytay sa dugo niya ang apelyidong Braganza, sa kanya nagtapos at magsisimula muli ang kanilang lahi.
Naalala pa niya ang sinabi ng kanyang Tiyo noong una silang magkita.Nasawi sa isang aksidente sa dagat ang iyong mga magulang at dalawang kapatid na lalaki at ikaw lang ang nakaligtas. Matagal kang ipinahanap ng iyong Lolo subalit kinamatayan niya na ang paghahanap sa iyo. Kami naman na mga kamag anak mo'y naging abala sa lahat ng naiwan nila at tulad ng pagkamatay ng iyong lolo ay nawalan narin kami ng pag asang muli ka pa naming makikita. Ang lahat ng nakikita mo ay pag aari mong lahat at ang iba'y mapapasa iyo sa pagdating ng mga araw. Handa kitang tulungan sa lahat ng bagay na wala kang kakayahan. Maaaring pag aralan ang lahat iho.
Napa ismid siya sa mga huling sinabi nito.Hindi niya lang maisatinig na bakit siya? Na isa lamang mangingisda'y nakagawa ng paraan noon at ngayon upang matuklasan ang kanyang pinanggalingan, bakit ang mga ito?!
Mula pa lamang ng malaman niya sa mga nakagisnang magulang na napulot lang siyang lumulutang ng mga ito sa dagat ay malaki na ang naging ideya niya na hindi siya taga roon talaga. Nagsaliksik siya sa paglipas ng maraming taon.Ginamit niya ang katawan at ang likas na katalinuhan upang matunton at malaman kung saan siya nagmula talaga.
Ang ibig bang sabihin ng mga ito 'y mas may higit siyang kakayahan?

BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomanceSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...