41.

163 4 2
                                    

Kay gandang pagmasdan ang pag silip ng umaga.
Magaan ang katawan ni Arabellang bumangon.Hinalikan ang anak pang natutulog at binuksan ang kumakatok na tyahin.

Maagang naligo at nagkape.Magaan ang kanyang ulo.Sa katunayan ay ngayon lang siya uli nagbalak na magyoga.

Pagkatapos ay nagbihis upang pumunta sa kapehan.
Pagbaba niya ng sasakyan ay ang mabangong amoy ng kape ang sumalubong sa kanya malayo pa lamang.
Sinalubong siya ng kanyang mga tauhan.

"Mam,magandang umaga po.Pasensiya napo at wala pa ang mga tao.Mangyaring napakaaga po yata ng inyong pagdating,pasasabihan ko po ba sila mam?"

"Ay huwag po ka Pedring.Sinadya ko po talagang mapaaga upang malibot ko hong uli ang buong kapehan."
Sagot niyang pinipigilan ang matandang lalaki upang hindi narin ito mag alala.

"Ganoon po ba?Patitimplahan ko po kayo ng kape ho?"

"Sige po at samahan niyo narin po sana ng mainit na pandesal."

Tumango tango ang matandang lalaki habang nangingiti.

Nag umpisa na siyang humakbang papunta sa kung saan nakatanim ang mga kape.Kung pagmamasdan mo sa malayo'y para itong mga hinog at maniba lang na mga aratiles.Berdeng berde at matataba ang mga dahon nito.
Ilang sandali pa'y nakasunod na ang matandang lalaki sa kanya dala ang isang baso ng kape at isang mangkok na pandesal para sa kanya na nakabalot pa sa supot.Halatang parehas na mainit.

"Paano ho ito?Magpapakuha po ako ng mesita at maliit na upuan sa inyo."

"Huwag dito na lamang ho ako."

Sumalampak siya sa lupa upang doon maupo.

Tumango tango uli ang matandang nakangiti at iniwan na siya.

Napakasarap ng pakiramdam.Bakit ba'y nasa gitna siya ng kapehan at nagsisimulang isawsaw ang pandesal na hawak sa mainit pang kape.
Ang sarap grabe!
Napapikit niyang usal.

Balewalang nakasalampak siya at kasehodang marumihan ang kanyang pantalon at sandalyas.
Napakabilis lumipas ang panahon.Noon buong akala niya'y hindi man lang siya magkakaroon ng anak,pero heto at nabiyayaan pa siya.
Salamat po!
Nilingon ni Arabella ang banda sa kakahuyan sa talunton ng bundok.

"Napakaaga mo namang narito?"

Natigil ang kanyang pag nguya sa narinig niyang tinig.

"Ikaw pala,ikaw ang bakit napaaga rin?"
Sagot niya sa kararating at nakakunot pang lalaki sa kanya dahil din siguro sa hitsura niya.

"Pahingi ako niyan."
Inginuso nito ang kinakain niya.

"Paubos na eh,humingi kanalang doon."
Balewalang sagot niya.

Nagulat pa siya ng agawin nito ang natitira pa niyang tinapay sa kamay at isubo ito.
Hindi niya nalang ito pinansin sa ginawa.

"Wala kang kasama?"

Narinig niyang sabi ng lalaki ng maglakad siya papalayo upang tahakin ang dulo ng kapehan.

"Nakita mo namang nag iisa lang ako."

"Kamusta ang anak natin."

"Bakit hindi mo dalawin?"

"Bukas sana."

Nagkibit balikat na lang siya sa sinabi nito.

"Saan ka pupunta?"

Nilingon niya lang ito at nagpatuloy sa paglakad.


Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon