35.

163 6 1
                                        

Totoo ang sinabi ni Rigor.Marami ng nangyari.Mula ng umalis ito'y nagpasya narin siyang ipaubaya na sa tita ang negosyo.Pumupunta nalang siya kung gusto niya at kung kailan niya nais na subaybayan ang mga nangyayari sa ospisina.
Isa narin siya ngayon sa mga nag aalaga at umaani ng kape.Kasama ang anak lagi.

Awtomatiko silang napalingong mag ina sa lakas ng tunog ng kahihinto palang na sasakyan.Umibis mula roon ang lalaking nakasando at nakashort lamang.Parang slowmotion sa pelikula ang naging paglakad nito.
Pagkalapit palang ay kinarga na nito ang anak at tinangka siyang halikan ngunit agad siyang umiwas.
Hindi naman ito naapektuhan sa lanyang ginawa.
Sa halip ay umupo pa ito sa kanyang tabi habang bitbit ang anak.

"Noong umalis ako'y kahit na ilang saglit ay hindi kayo nawaglit namag ina sa isipan ko.Kahit isang saglit."

Napatingin siya rito dahil sa sinabi at sa tono ng pananalita nito.Nakita niyang hinahalikhalikan nito ang anak at tila ba lungkot na lungkot at malaki ang naging panghihinayang na nakapaloob sa tinig ng lalaki.


"What happened?"
Hindi na niya napigilang magtanong.

Doon na ito napasulyap sa kanya.

"Ang sabi ng doctor ay ilang buwan nalang ang itatagal ko.Nang malaman ko iyon ay gumuho ang aking mundo kasabay ng pagpapabaya ko sa ilang negosyo.Nawalan ako ng pag asang mabuhay.Nawala ang lahat sa akin.Pakiramdam ko'y pinarusahan ako.Nagsimula akong magpabaya.Ngunit noong nalaman ko na mag kaka anak ako.Muli akong nabuhayan ng pag asa."

Gulat na gulat siya sa rebelasyon nito.

At nagpatuloy ang lalaki.
"Yes.Nuong makita mo akong minsan sa hospital ay ilang linggo ko ng alam.Nang makita ko ang aking anak ay nagpasya akong lumabang muli.Ngunit sa aking muling pagtayo'y doon ko nalaman ang mga kapabayaang nagawa ko.Upang hindi kayo madamay ay lumayo ako at sa pagpapasya kong lumayo ay kakabit ang pag asang sumugal.Doon ako nagpagamot sa ibang bansa.
Nakakatawa dahil lahat pala ng multong kinatatakutan ko ay hindi pala totoo."
Tumingin ito saglit sa naguguluhan niyang mukha.

"Na hindi totoong may sakit ako. Malaki ang nasayang sa mga panahong akala ko'y wala na akong pag asa.Sa galit ko'y pagkatapos kong malaman iyon ay dali-dali akong nagbalik sa hayup na doctor ng pamilya.Ngunit sa aking pagbabalik ay nag imbestiga ako at marami akong nalaman.
Nag decide akong tiising makita kayo hanggat hindi pa ayos ang lahat.Ayokong madamay kayo sa mga kalabang hindi ko kilala at hindi nakikita.Natakot ako para sa inyo.

"At ano ang nalaman mo?"
Interesasong interesado niyang tanong rito.

"Sa ngayon ay magandang hindi mo na malaman.Mahirap na.Hindi pa sana ako uuwi ngunit araw araw pakiramdam ko'y malaki ang nawawala sa akin.Hindi ko nakikitang lumalaki ang aking anak at malaking kawalan iyon sakin na isang ama."

Ang galit na nasa dibdib para sa lalaki'y unti unting natutunaw dahil sa mga paliwanag nito.

"Kaya mapapatawad mo ba ako?"


Natigilan siya sa tanong nito.Hindi niya namalayang napatango siya sa tanong nito.

Bigla siyang niyakap ng mahigpit ni Rigor.

"Ouch!"

Napangiti sila pareho ng marinig ang boses ng anak na nagrereklamo dahil naiipit pala ito sa gitna nilang dalawa.

Sabay sabay silang sumama sa pamimitas ng kape.
Maligaya ang kanyang anak.
Mayroon pa siyang gustong itanong rito ngunit natatakot siya.Isa pa'y ayaw na niyang umasa dahil palagi siyang bigo.Mainam ng huwag nalang.
Ang matagal na ngiti na nawala sa mga mata ng lalaki ay muli niyang nasilayan.

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon