2.

276 7 4
                                    

"Ayaw nyo ba talagang sumama tita?"

"Ikaw nalang.Alam mo namang mas higit na kailangan ako rito eh.At alam mo iyon"

"Isang buwan lang naman po?"

"Kahit na! Ikaw nalang,para hindi naman ako istorbo sa mga nais mong gawin.Malaya ka."

Bago umalis ay pinilit niyang ngumiti rito.Kahit na anong pilit niyang sumama ito ay hindi niya napahinuhod.Masyado kasi itong dedikado sa trabaho.Naisip niya rin namang may katwiran ito.Hindi maaaring ipagkatiwala ang hasiyenda sa iba.
Hahanapin niya muna ang kanyang pag-ibig sa lugar na napili niya.
Inihanda niya ang lahat ng gagamitin.Pati na ang isang bagay na pinakaimportante sa lahat.
Muli niyang inilabas iyon sa buslutan na yari sa katad.Ang kabilin bilinan ng pinanggalingan niyon ay ingatan niyang huwag itong matapon dahil kung baga sa dosage ng gamot ay hindi maaaring magkulang ang bawat patak.Dahan dahan at ingat na ingat niya iyong binuksan at inamoy at kaagad inilayo iyon sa kanyang ilong dahil sa sangsang ng amoy.

Kaya pala mabisa.Dahil mabaho!

Nakakalito ang lugar at pasikotsikot iyon bago pa siya makarating sa lugar na iyon.Sa tulong ng mga artikulo at mga balibalita tungkol sa mga mangkukulam,mambabarang,manlalason,gumagawa ng gayuma at iba pa ay ang pinakahuli ang kanyang sadya. Sa bayan ng San Sebastian lugar ng Dingras Ilocos Norte.Pakiramdam niya'y isang taon siyang bumyahe.Sumakit ang katawan niya at ulo.Hindi rin biro ang biyahe mula maynila hanggang rito.

Mabuti nalang at naayos na niya ang lahat lahat pati na ang kanyang tutuluyan dito.May kakilala kasi siyang nagbenta ng isang malaking bahay at binili niya narin iyon kung sakaling naisin niyang muling magbalik sa bayang ito.Ang dahilan niya kung bakit nagustuhan ang lugar ay dahil sa malapit ito dagat at mga isla.
Kahit ngayon lamang siya nakarating sa lugar na iyon ay alam na niyang magugustuhan niya ang bayan.Bakit hindi?Sariwa ang ihip ng hangin.Malamyos at animo'y nangungusap ang bawat ihip.
Humahaplos iyon sa kanyang pisngi bagaman hindi maikakailang may kaunting lansa na natural sa malapit sa karagatan.

Magagalang ang mga taong kahit na baguhan siya ay panay ngiti ang bawat masasalubong.
Isa ang kanyang bahay sa pinakamalaki.Kahit hindi mismo iyon sa tapat ng dagat ay para bang isang matayog na tore iyon na pinakatangi sa lugar.

Alam niya ring ang pangunahing pinagkukuhanan ng ikabubuhay ng mga tao rito'y sa mismong dagat din nanggagaling.
Gaya ng mga natatanaw niya ngayon.

Matapos libutin ang kaya niyang libutin ay nagpasya na siyang umuwi.
Tama ang hinala niya.Na napakaganda ng lugar na iyon at tamang tama sa kanyang panlasa.

Mula sa loob ng kanyang tahanan mula sa itaas ng kanyang balkonahe ay tanaw ang lawak ng dagat at ang mga nakapalibot roon pati na ang mga tao.

Nang si di kalayua'y may namataan siyang isang makisig na lalaki.Malayo palang ay kita mo na ang katawan nitong maskulado na kulay kahoy,nangingintab din ang katawan nito dahil narin sa pinaghalong sinag ng araw at pawis.Hindi man niya lubos na matanaw ang mukha nito'y, sa katawan at tindig palang ay mabibighani kana.Iba rin ang mga tinginan ng kababaihang pawang mga  may nakakabit na delentar sa mga baywang.

Bumaba siya mula sa balkonahe at unti unti siyang nagkubli sa mga puno ng nasa kalagitnaan na ang lalaki.Ayaw niya pa kasing malaman nito na pagmamasdan niya ang lalaki.
    Nanlaki ang kanyang mga mata ng hindi nga magkabula ang sapantaha niya.Kay kisig nito at napakagwapo.Ano ang ginagawa ng Adonis na ito dito sa lupa?

"Ineng baka gusto mong bumili ng aking mga hipon.Masarap itong pamrito at tiyak mong sariwa."

Naantala bigla ang tingin niya at nakita niyang nakalagpas na ang lalaki sa kanyang lugar.

"Magkano ho ang isang kilo Inang?"

Napangiti ang matandang babae sa kanya at sinabi nito ang presyo ng dalang paninda.

"Mukhang bago ka rito Ineng?"

"O-Oho,mga ilang linggo narin po."Nakangiting sabi niya rito at habol parin ang tingin ang lalaking likod na lamang ng hubad barong katawan ang kanyang nakikita.

"Binata pa si Rigor at maraming nahuhumaling na kadalagahan sa kanya ngunit masyado siyang pihikan."
May halong tikhim ang tinuran ng matanda at napatingin siya rito.

"Ganoon ho ba?"

" Ilang taon lang buhat ng dumating rito ang binatang iyan.Bagong mukha at walang nakakakilala.Sa kabila noo'y masipag ang binata at isa siya sa masisipag na lalaki rito.Di tulad ng iba diyan na mga binata.Katatamad."

"Siya nga pala Ineng sa Isang linggo'y Pista sa Nayon.Kung gusto mong sumama sa pasayaw ay maari ka ng magpalista bukas doon."
Pahabol nito at itinuro ang binubuong set ng lamesa at upuan sa hindi kalayuan.Kaya pala maraming nakapilang dalaga kanina pa roon.

Nginitian niya ang matanda at nagpasalamat.
Tuwang tuwa rin ito dahil doble ng ibinayad niyang halaga rito.

Sino kaya ang lalaking iyon?May kakaiba siyang naramdaman ng masulyapan niya ang lalaki kanina.Kailangang mapansin siya nito.Ito na yata ang sagot sa mga plano niya.May nanalaytay na ngiti sa kanyang labi ng maisip iyon.
Sabay kapa sa loob ng kanyang sling bag.
Lagi niya kasing dala iyon para laging handa,ikanga!
Buhat noon ay palagi na niya itong inaabangan at hinahabol ng tanaw...

Dumating ang araw na pinakahihintay niya.Ang araw kung saan ang Pista.Gabi na at pawang mga nakabakod na ang mga dahon ng saging na nilala upang magsilbing takip sa malawak na espasyo malapit sa dagat.Dinig na ang maingay na musika at boses na nang gagaling sa taga pagsalita.
Kanina pa siya pasulyap sulyap sa mga taong naroroon.At katulad ng inaasahan ay kanya kanyang pormahan ang mga kadalagahan sa mga ratan na upuan.Napatingin siya sa suot na bestidang kulay peach,angat na angat ang umiilaw sa liwanag niyang kutis sa ilalim ng mabining buwan na tumutulong sa pagtanglaw sa mga sulo sa ilang sulok ng sayawan.
Hindi na niya pinagkaabalahang ayusan pa ang mukha dahil alam na man niya na walang magbabago.
Pinabayaan na lamang niya ang kulay mais na buhok na bahagyang nilalaro ng hanging nanggagaling mismo sa ibabaw ng dagat.
Kanina'y halatang halata niya ang mga binatang napapasulyap sa kanya at gayon din ang ilang mga tao roon at natitigilan ang mga ito subalit panandalian lamang kung mapupuna sa liwanag ang mukha niyang hindi kagandahan.

Ilang sandali lang at dumating narin ang kanyang hinihintay.Napamaang siya sa lalaking paparating.Bagaman alam niyang simple at pang probinsiya lamang ang suot nito'y makatawag pansin parin ang lalaki dahil sa taglay nitong kakisigan.Ang mahabang buhok nitong itinali sa likod ay lalong nagbigay dating rito.Naka t-shirt lamang ito ng puti at nakamaong na butas butas na pantalon.
Narinig niya ang bulungan ng mga kababaihan ng dumating ito.

Bigla siyang nabatubalani sa hitsura nitong tila isang modelo ng karagatan na inanyuan sa liwanag ng buwan.
Nakita niyang dahan dahan itong lumapit sa harap niya at nakangiti itong lumapit sa kinaroroonan niya.
Saglit na huminto ang pag inog ng mundo para sa kanya.
Ano ang gagawin niya? Talaga bang papalapit ito sa kanya?Hindi niya naiwasang mangiti.

"Hi Elisa!''

Upang madismaya lamang sa huli...

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon