Kailangan niyang bumangon.
Magsimulang muli.Alam ni Arabella,na this time ay mahihirapan siya.
Tinanggap na niyang naisahan siya ng lalaki.Siguro'y bilang ganti nalang nito sa ginawa niya.Mainam narin siguro ang ganoon.Atleast bayad na siya.Wala na siyang pagkakautang.Bagamat masakit ay kailangan niyang tanggapin.
Sa tulong ng nag iisang lalaking handa siyang tanggapin no matter what.
Ayaw sana niya ngunit mapilit ito.At sa puntong iyon,nilinaw niya ritong ayaw niyang magpa asa at tinanggap naman iyon ng maluwag sa kalooban nito.Ang masakit lang ay ang hindi nila maiwasang hindi magkita ng lalaki.
Ang ipinagpapasalamat nalang niya ay parang hindi na siya pansin nito.Mag usap man sila'y ang asawa nito ang laging nakikipag ugnayan sa kanya.
Ewan ba niya.Sadya yata siyang masokista.Dahil sapat na sa kanya ang malamang naroon lang ang lalaki at abot lang ng kanyang tanaw.Paano siya makaka move on?.Ang mahalaga'y nag sisikap siyang makalimutan ito.Hindi naman nagkuķulang ang si Cort sa kanya.Pinasasaya siya nito araw araw.Siyempre pa'y iba parin kung ang taong nag papasaya sa iyo'y ang iyong minamahal.
Pasasaan ba at matututo ring lumimot ang kanyang puso.
Isa pa'y nakatulong rin ang pag he hearing nila ng dati niyang asawa upang maibaba na ang resulta ng kanilang annulment.Napakabilis ng mga araw.Ang pasakit niya'y unti -unting napaparam.Naturuan naba niya ang puso o nautusan?Ewan,hindi niya alam.Basta iyon ang kanyang development.
Sa pilit niyang pakikipaglaban sa araw araw niyang buhay ay dinalaw din siya ng sakit.Alam na niya kung bakit.Kung ito man ang isa sa proseso ng kanyang pag mo move on ay tatanggapin niya.
Ngunit ang nararamdamang sama ng katawan ay hindi na niya kinaya.Nagpasya na siyang magpadoctor."Doc,ano po?hanggang kailan na lang ako?"
Natatawang tanong ni Arabella."Alam kong nagbibiro ka sa tanong mo na iyan.Pero hindi mo gugustuhing magkasakit at hindi dapat lalo na ngayon."
"Ano pong ibig niyong sabihin doc?
Naguguluhan niyang tanong rito."Dahil natupad na ang matagal mo ng pangarap."
Natigilan siya bigla.Namanhid ang kanyang katawan.Lalo na ng makita ang ngiti sa mata ng doctor.
"W-Wala napong bawian ano ho?"
Kabadong tanong niya."Ofcourse!Sa lahat naman ng expecting mom, sa iyo ako natatawa iha."
"Bakit ho?I mean are you sure doc?"
"Bakit?Ayaw mo ba?"
"H-Hindi naman po,kaya lang ay-"
"Kaya lang ay ano?"
"Bakit?Kasi'y monthly naman po ako dinadatnan?Paano pong nangyaring?"
"That's not new,Arabella.May mga cases na ganyan.Iyan ang tinatawag na paglalayag.Nangyayari talaga iyan.Well,the same as your case."
Hindi siya nakakibo.
Nang lumabas siya ng ospital ay wala parin siya sa sarili.
Habang hinihimas ang tiyan ay nakaramdam siya ng kakaibang sipa ng excitement.Ang layo na kaagad ng mga plano niya.Maligayang maligaya siya.Ito! Ito ang kapalit ng mga kabiguan niya.
Dumating na ang biyaya na matagal na niyang hinihintay.
Maligayang maligaya siya.May maiiwang ala ala sa kanya ang lalaking minahal.Nagkaroon siya ng kakaibang sigla,kahit papaanoy malaki ang naitulong nito sa pang araw araw niya.Bago palang nagsisimula ang meeting ay panay ang nguya niya.Hindi na niya pinagbawalan ang sarili katwiran niya'y wala namang mga foreign partners na kasabay.
Ang hindi niya alam ay ang kanina pa nakamasid sa kanyang lalaki.
Nang matapos na ang kanilang meeting ay nagulat pa siya ng sa paglalakad niya pabalik sa kanyang opisina'y may boses na nagsalita sa kanyang likuran.

BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomanceSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...