Nag uumpisa na siyang multuhin ng sarili niyang multo.
Parang ala-alang nagbabalik.
"What happened?"
Tanong sa kanya ng kasintahan.
"Naalala na niya."
Bigla itong natigilan.
"Huwag kang mag alala hanggang doon lang."
"Paano ka nakakasiguro?Hanggang kailan?"
"Huwag kang mag alala.Uunahan ko na siya bago pa mangyari iyon."
Sabi niyang may pag aalangan.
"At hindi naman ako papayag na makuha ka niya sa akin."
"M-May asawa na siya."
Napatingin iyo sa kanya ng sinabi niya iyon."
"Hindi sila mag asawa.Bago mo pa malaman sa iba ay napagdesisyunan ko ng sabihin sa iyo."
Nagulat man sa sinabi nito'y hindi na niya ipinahalata pa.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"
Sa halip ay sinabi niya.
"Masisisi mo ba ako?"
Malungkot nitong sabi.
Nakaramdam naman siya ng awa rito at upang maibsan ang nakikita niyang kalungkutan nito'y binigyan niya ito ng isang mahigpit na yakap.
...
Magkasama na naman sila.As usual.
At kasama din nito ang babae na lagi nalang masama ang tingin sa kanya.
Narito ngayon sila kung saan ipinapakita niya ang production.
Nagpaalam siya saglit sa mga ito dahil tumatawag ang kasintahan.
Nagsabing hindi na muna siya masusundo nito.
"O kumain kanaba?Mag ingat ka."
Isinauli niya sa bulsa ang cellphone at umikot pabalik.Upang mabangga lang sa malapad na dibdib.
"A-Ayyy sorry."
Sabi niya at upang magulat din sa nakabunguan niya.
Agad agad siyang lumayo rito at inayos ang hindi naman nalukot na damit.
"P-Pabalik na ako."
Hindi naman ito kumibo at nanatili lang nakatingin sa kanya.
Sumenyas siya na aalis na siya at humakbang na.Humakbang rin ito sa hahakbangan niya.Humabang naman siya pakabila at humakbang din ito roon.Kung iba ang titingin ay para silang nagpapatintero sa ginagawa nila.
"Mauna kana."Sabi niya.
Nagtaka siya dahil hindi ito kumikilos at nananatili lang nakatingin sa kanya.
Nakaramdam na siya ng pagkailang sa gingawa nito.
"B-Bakit?"
Takang takang tanong niya rito at pinameywangan ang lalaki.
"Narito ka lang pala.Ano ang-"
Ang sekretarya nitong tila natigilan sa kanilang dalawa at makikita ang nagbabagang tingin sa kanya.
At saka naman parang wala lang na tumalikod na sa kanya si Rigor.
Naiwan naman siyang parang tanga sa kinatatayuan.
Ang lintek na mangingisdang iyon!Ano ang ibig sabihin niyon?
Naguguluhang umiling iling nalang siya.
Habang lumalakad ang oras ay sinusulyap sulyapan niya ang lalaki.Nakapagtatakang halos hindi naman siya tinitingnan nito.Para ngang ang pakiramdam niya'y wala siya roon.Weird!
BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomanceSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...
