45.

310 9 1
                                        

Habang pinipirmahan ni Arabella ang papeles ay mabigat ang kanyang kalooban.
Sinadya ba ng lalaki ang pag aalis at sinabayan siya upang pasakitan?Nagsisimula na naman bang paglaruan nito ang kanyang kalooban?

Bakit ang puso'y sadyang tanga?Ilang beses na siyang niloko'y paulit ulit parin itong nagmamahal?
Napasubsob siya sa kanyang mga kamay.

"Kung ano man iyang iniisip mo'y hindi iyan totoo,nasisiguro ko."

Nagulantang siya sa boses ng tiyahin na ngayon ay kapapasok lang sa liblary niya ng hindi niya naramdaman.

"Kayo pala tiya."

"Alam kong may malaking dahilan si Rigor na hindi gaya ng iniisip mo."

"At ano naman iyon?Mukhang napakasarap ng ipinakain sa inyo ng lalaking iyon na sukat ipagtanggol niyo pa?"
Nagdaramdam at nagtatakang sabi niya sa tiya."

Hinawakan siya sa kamay ng tiyahin.

"Magtiwala kalang sa kanya.Tiyak kong pagkatapos ng lahat ay magiging malinaw din sa iyo ang lahat."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Napabuntunghinga ang tiya niya bago nagsalita.

"Siya na ang bahalang magpaliwanag sa iyo kapag nasa ayos na ang lahat."

Hindi mapakali si Arabella dahil bukod sa huling text ng lalaki na huwag muna silang umuwi mag ina'y wala ng kasunod iyon.
Natanggal na ang kahihiyan niya sa katawan at tinawagan na niya ang lalaki subalit nag riring lang ng nagriring ang cellphone nito.
Kung hindi dahil sa babae'y ano pa ang magiging dahilan?
Naguhuluhan na ang kanyang utak sa kakaisip ngunit maliwanag ang mensahe nito sa text na tatawagan siya sa oras na maisipan nito at huwag na huwag daw muna siyang uuwi sa bahay.

Hindi na siya makatitiis pa.Magkakaalaman na kung ano ang itinatago nito sa kanya o ginagawang pagtataksil sa likod niya!Dinala lang niya ang shoulder bag at dali daling sumakay ng kotse papunta sa bahay nito.
Maiging hanggang maàga pa'y ipagtapat na sa kanya nito ang lahat upang matapos na.Kung sa akala nito'y magiging hadlang pa siya ay nagkakamali ito.Marahil ito na ang magiging tuldok ng lahat.Huhulihin niya ito sa akto!

Pagpasok niya palang ay nagtaka siya at bakit nakabukas ang pintuan.May kalat sa sala.
Nanakbo siya ng makarinig ng ingay sa itaas,dali dali siyang nanakbo papunta sa kung saan niya naririnig ang ingay.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng nakita niyang nakahandusay ang nurse nito sa lapag at tila nawalan ng malay at lalo siyang nabigla ng makitang may sumasakal kay Rigor na naka kulay itim na kasuotan at nakatakip din ng itim ang mukha habang nakaupo naman sa silyang de gulong si Rigor.

Napasigaw siya ng malakas ng nakita niya ang isang bagay na kuminang na hinugot ng lalaking nakatakip at iniamba na kay Rigor.
Lumapit siya upang tulungan ang lalaki dahil alam niyang wala ng kakayanang maipagtanggol pa ng lalaki ang sarili.

Ngunit may biglang sumakal sa kanya sa likuran.Nagulat siya at napahawak bigla sa bagay na iyon na pinangsasakal sa kanya,upang mahindik nang masino ang gumawa niyon sa kanya.

"Mamatay ka walanghiya kang mang aagaw ka ng may asawa!Die!Die!Die!"

Habang pigil pigil ni Arabella ang tali na ginagamit na panakal ng dating asawa ni Rigor ay nahihirapan na siyang huminga.Kinakapos na siya.Naisipan niya bigla na sikuhin ang babae sa kanyang likuran ngunit agad nitong natunugan iyon.Hanggang sa nawalan na siya ng pag asa dahil unti unti ng lumalabo ang kanyang mga mata.
Bago pa siya tuluyang mawalan ng ulirat ay naramdaman niyang may dumalo sa kanya.
Pagkatapos ay nawalan na siya ng malay.

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon