Saving Boracay
Belle
"Save the Philippines, save Boracay!"
"Hindi namin kailangan ng pera niyo!"
Pangatlong araw na naming sinisigaw ang karapatan ng islang pagmamay-ari natin. Nasa Mendiola kami ngayon kasama ang iba pang miyembro ng greeny lovely org. At dahil maganda ako at makakalikasan, nagwewelga kami upang ipalandakan sa buong pilipinas the universe rather na kailangan ng ipasara panandalian ang Boracay dahil masyado na itong nagamit bilang business profit at nakalimutang kailangan din nito ng maintenance.
"We want protection, we're aiming for rehabilitation!" Sigaw ko. Syempre kailangang english ang delivery ko. Ako ang bida e.
Mahigit 300 katao ang dumalo sa nasabing rally at ang iba doon ay hindi miyembro ng org. May kanya-kanya kaming hawak na placard at nakasulat d'on ang mga hinaing at gusto naming mangyari sa isla ng Boracay.
"Sis. Ang init naman. Siksikan pa o." Pagtuturo ng baklang 'to sa mga tao.
"Ito naman. Magtiis ka na lang muna diyan."
"Alam mo, kung hindi dahil sa'yo hindi naman ako sasama e. Bakit ba kasi may best friend akong environmentalist at nadadamay pa ako." Pagmamaktol niya. Ganda ka?
"Ako nga Anthony tigil-tigilan mo a? Para sa bayan 'tong ginagawa mo at hindi sa akin. Palibhasa puro pagpapaganda lang alam mo e." E sa totoo naman.
"Antoinette (an-twa-net)! Antoinette ang pangalan ko!" Sigaw nito na hindi ko masyadong maintindihan dahil sinisigaw na ng ibang raliyista ang gusto nilang mangyari.
"Ayan ba nakalagay sa birth certificate mo? Pagtatanong ko.
"Oo."
"Mamatay? Hindi magkakajowa?" Pagbabanta ko.
"Ito naman 'di mabiro. Anthony talaga yun Belle. Save the Boracay whuu" pag-iiba niya ng usapan.
As usual kapag may rally, traffic. Pero little sacrifice na lang naman siguro yun for baby Boracay diba? We're all in this together sabi sa highschool musical.
Pero may isa atang hindi naiintindihan ang lyrics ng kanta o baka 'di niya lang napanood. Umaangal kasi e. Binubusinahan kami.
"Excuse me." Binuksan niya ang bintana ng sasakyan dahil hindi namin pinansin ang busina niya. "Hey, excuse me pips. Hindi niyo ba alam na nakakaistorbo kayo?" Sabi niya.
In all fairness a? Gwapo siya. Pero hindi yun ang point e, ang point is sana nilawakan niya yung pasensya niya dahil para rin naman sa pilipino 'to.
"Sis ang gwapo niya." Baklang 'to. Humarot pa.
"Alam ko, hambog nga lang din." Sabi ko sa kanya.
Bumusina pa siya ng bumusina. Kaloka 'to a?
"Hoy! Naririnig ka namin. Nakakarindi a?" Pag-angal ko. Siya kaya businahan ko diyan. Pasalamat siya wala akong kotse.
"Naririnig niyo naman pala e. Why don't you just do that when there are no people around. Nakakaistorbo e."
"Hello? Kaya nga rally e. Para iparinig sa sangkatauhan yung mga gusto naming pagbabago. So basically, dapat maraming tao. Gwapo nga shunga naman." Mahaba kong depensa.
"Sis ang galing mo diyan." Bulong niya sa akin at siniko pa ako. Kinindatan ko lang siya.
"Whatever. Why am I arguing with gays? You are naturally lousy." Ay tignan mo siya. Judgemental na.
"Ay o, narinig niyo ba yun mga kababayan? hindi lang pala 'to inconsiderate, judgemental din pala. Mga mamsh anong gagawin dito?" Pagtatawag ko ng ibang raliyista na ka-federasyon ko. Kantiin mo na lahat kuya wag lang kami sinasabi ko sa'yo.
Napansin nila ang pagtawag ko kaya naman tinignan nila 'tong lalaki na 'to ng masama.
"I'm not judgemental a? Hindi promise. I'm open-minded. Diverse ako mag-isip hehe." Nagpalusot pa. Tinignan naman niya ako sabay nginisian. What was that for?
Hindi na siya nakipagtalo pa at umalis na kasama ng kotse niya.
Bakit ba kasi dadaan pa siya dito? Nakita naman na niya na may nagra-rally e. Siya lang yung kotse dun sa pinagpwestuhan namin. Papansin lang ata yung lalaking yun e. Nakabukas pa dalawang butones ng polo niya, akala naman niya... well hot naman tignan kaso baka mapaso ka rin sa ugali, pang impyerno e.
Natapos na ang dapat matapos so technically uwian na.
"Belle..." pagtawag nito sa akin. Tinanong ko siya kung bakit.
"Lagi mo bang ginagawa 'to..?" Tumango ako. "Grabe! Hindi ka ba napapagod? Ako nga first time dito, suko na hulas ganda ko dito." Reklamador 'to kahit kailan.
"Una, walang mahuhulas a? Pangalawa, never akong mapapagod pagdating sa kalikasan. Okay? So kung ayaw mong sumama sa mga future pakikibaka ko, that's fine.
"Hindi naman sa ganun..."
"Sa ganun yun!" Pag eksena ko.
"Linya ko diba? Dapat akin yung moment. Papansin 'to. Ayun na nga, nagtataka lang ako dahil sabay naman tayong lumaki pero hindi ganyan katindi ang pagmamahal ko sa kalikasan."
"Hindi ko rin alam kung saan nagsimula 'to e. Wag na nating isipin pa yun, ang mahalaga ay kahit papaano, may nagawa na naman tayong maganda." Proud kong sabi.
Well, dapat lang na maging proud ako. Kaproud-proud naman talaga yung ginawa namin. Kaunti lang ang kayang tumayo at ipaglaban kung ano ang sa tingin niya'y tama. Biggest misconception kasi ng karamihan sa raliyista ay akala nila reklamo lang ang alam, binayaran at kung ano-ano pa. But little did they know na yung mga ginagawa namin ay nagkakaroon ng impact sa kung ano nga ba ang natatamasa nila ngayon. Dahil may mga taong nanindigan at hindi pumayag sa sistemang nakasasakal at hindi tama.
"Para namang sinabi mong wala pa akong nagagawang tama. Nyeta 'to."
"Ay meron ba?" Pang-aasar ko.
"Meron kaya." At pina recite ko sa kanya kung ano-ano ang mga yun. "Tinutulungan magulang ko. Oh, maganda yun diba? Tapos ang ganda ko. Well yung magulang ko ang may nagawang tama nung pinanganak ako." Sabi nito. Napabuntong-hininga na lang ako. Kaloka 'to. Sakit niya sa bangs kong 12 pcs lang.
Binabagtas namin ang daan pauwi ng may bumusina na naman. Ano bang meron ngayon at puro busina ang naririnig ko?
"Diba kayo yung kanina. Makakapagsungit ka pa kaya kung kayo na lang dalawa?" Sabi nito matapos buksan ang bintana ng kotse niya.
Kinakalabit na ako ni Antoinette at kulang na lang ay magtago sa kaloob-looban ko. Laki-laking bakla takot.
"Inantay mo pa talaga kami 'no, bakit? Kailangan bang groupings kapag nagtataray?" Depensa ko. Palaban dapat tayo dito. Di na uso ang nagpapa-api.
"Hindi na kayo nagra-rally niyan a? Pero nasa gitna pa rin kayo ng kalsada naglalakad." Alam ba niya yung gitna ha? Gitna ba 'tong sidewalk? Hindi literally sa sidewalk pero hindi naman kami nakalagpas sa dilaw na linya. Tsaka paano kami makakadaan sa sidewalk, ginagawang bahay o di kaya tindahan? Hindi ako judgemental na tao dahil hindi naman ako pinalaki ng nanay ko ng ganun pero base sa pinagsasabi nitong lalaking 'to, feeling ko may sira sa utak 'to.
Instead of arguing, gumilid na lang kami lalo.
"Oh ayan na, baka hindi pa kasya yung kotse mo diyan a? Hiyang hiya kami e." Makikipag-talo pa ba ako? Ako na maga-adjust tutal ako naman yung matino sa amin.
Umalis na siya at pinaharurot ang sasakyan niya.
Pasalamat siya at productive ang araw namin at kung hindi inubos ko na yung pepper spray sa mukha niya.
Sana naman lord hindi na magkrus landas namin oh. Magdadasal ako ng 10 ama namin at 10 aba ginoong maria. Please lang lord.
Pero parang wala atang narinig si lord dahil habang naglalakad kaming dalawa ni Antoinette, nagulat kami sa nakita namin.
"Sis, diba ayan yung nakasagutan mo kanina?" Tumango ako. Siya nga 'yun, hindi kami pwedeng magkamali. Ang sakit lang sa bangs i-digest e.
Bakit siya nandoon? Anong ginagawa niya doon?
Bakit litrato niya ang nakalagay sa billboard?
Kinis niya a? Wala siyang pores in fairness.
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Teen FictionWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...