Chapter 16

1.1K 63 2
                                    

Favor

"Sis, sigurado ka bang okay ka lang diyan sa bahay niyo? Gusto mo mag-hire pa ako ng gwapong caregiver?" Nag-aalalang tanong ni Antoinette sa akin through phone.

In fairness ha, medyo maganda yung offer.

"'Di na kailangan! Ang saya kaya ng walang ginagawa." Such a liar. "Sige na, baka nakaiistorbo pa ako sa pakikipagharutan mo kay Francis."

"Ay sa totoo lang, istorbo ka nga! Hindi tuloy makatawag ang bebe ko. Magpahinga ka na nga diyan. Need mo ng beauty rest dahil mukha ka ng zombie sa stress."

"Hoy ang kapal--" toot. toot. toot. Binaba na niya ang tawag. Siya nga rest lang walang beauty e. Pektusan ko kaya siya diyan.

Yes, I need rest. I told Antoinette everything. Sinabi ko sa kanya na hanggang ngayon hindi pa rin nagpaparamdam si Luke na nagiging cause ng stress ko lately.

Sobrang nami-miss ko na siya. Yung yakap niya, boses niya at mga halik niya, lahat yun gustong-gusto ko ng maramdaman ulit.

Ganoon na ba kadali para sa kanya na hindi ako pansinin? Magta-tatlong linggo na pero ni ha ni ho, wala. Sana kaya ko rin 'tong ginagawa niya.

Alam niyo, hindi ko na alam. Hindi ko alam kung kakalimutan ko na ba si Luke o mag-aantay pa rin sa kanya. Ito ang mahirap kapag malambot ang lupang pinagtamnan ng bahay, madaling bumagsak. Hindi matibay ang pundasyon naming dalawa kaya siguro ang dali lang para sa kanya na gawin 'tong mga 'to; ang bitawan ako at hayaang bumagsak.

But I already invested my feelings.

Hindi ko talaga alam kung anong gagawin at mararamdaman ko. Kung magagalit ba ako sa kanya dahil pinaparamdam niya sa akin ang kalituhang nararamdaman ko ngayon o Iiyak ba ako dahil mukhang nauulit na naman ang pagiging broken ko?

Pupuntahan ko ba siya sa kanila? Tatawagan ko ba siya ulit kahit ilang beses na niya akong pinapatayan?

Bakit kasi ang tigas niya? Bakit siya ganito?

Bakit bigla na lang siyang mawawala tapos biglang darating? Dahil ba alam naman niyang may babalikan siya kahit ilang beses niyang gawin yun?

"Hindi mo siya kailangan Belle, tumigil ka na." Pagkausap ko sa sarili habang paikot-ikot sa sala ng bahay. "Move on na. Panindigan mo yang pagiging independent mo. Kalimutan mo na siya kagaya ng paglimot niya sa'yo."

Oo tama. Gusto niyang magkalimutan? Sige, ibibigay ko.

Ito ang unang araw ng suspension ko. Isang linggo na talaga ang binigay sa akin, hindi na pwedeng tawaran pero okay na 'to kaysa naman kanila Alessia na pinaglinis ng campus. Hindi ko sure kung buo or what pero parang mas maganda ata kung buo. No charot.

Mukhang effective ang speech ni Matthew at tinablan si Ma'am ng mga salitang ipinukol sa kanya. Hindi ko talaga alam kung anong meron kay Matthew at lagi niyang nauuto ang mga guro, principal maging ang mga classmates namin.

May something sa kanya na mapapa-oo ka kapag inutusan kang gawin ang isang bagay. Maging si Antoinette nauuto niyan e. Budol-budol siguro 'to.

Nang malaman ni mama ang nangyari sandamakmak at tone-toneladang sermon ang natanggap ko. Ang pangangamote ko daw sa school ay matatanggap pa niya pero ang pakikipag-away? Ayun ang hinding hindi niya pahihintulutan. Inexplain ko sa kanya kung bakit ko nagawa yun. Pero hindi pa rin talaga pumasa. Minsan naiisip ko na ipakausap siya kay Matthew at baka pati si mama tablan ng budol-budol aura niya.

Naiintindihan ko naman si mama, syempre sino ba namang ina ang matutuwa at maghahalumpasay sa saya kung malamang suspended ang anak niya dahil nakipag-away? Kaya hinayaan ko na lang siyang magdakdak.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon