Till we meet again
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin umuuwi si tatay Selyo. Bagama't malakas pa si tatay sa edad na sitenta, hindi ko naman maiwasan na mag-alala pa rin.
"Nasaan na kaya si tatay?" Saad ko kay Luke na wala ng ginawa kung hindi ang yumakap sa akin habang nakahiga.
"I'm sure he's fine. Sanay na kaya yun ng walang kasama."
Ito na naman ako. Nag-iisip ng kung ano-ano. Paranoid din talaga ako e. Baka nga ayos naman talaga si tatay at may inaasikaso, ako lang naman itong kung ano-ano ang iniisip. Pinagmasdan ko ang maliit na bahay kubo ni tatay habang nakahiga. Sa ilang araw kong namalagi rito, naramdaman kong bahay ko na rin 'to. Pangalawang tahanan ko na ito kung maituturing. Ewan, namamahay naman talaga ang katawan ko pero dito, komportable ako. Siguro dahil never tinanong ni tatay at pinag-usapan ang tungkol sa sexuality ko, which is good, every time kasi na pumupunta ako sa kung saan hindi maiiwasan na ganun ang mga tanong sa akin. Kaya nga hindi ko maintindihan ang mga tao rito at kung bakit galit na galit sila kay tatay.
Bumangon ako kaya nagulat si Luke.
"Why? Pati ba naman pagyakap ipagdadamot mo?" Tugon nito.
"Baliw. Aayusin ko lang yung mga gamit natin. Aalis na tayo bukas diba?" Wika ko. Dapat lang na ngayong gabi ko ayusin ang mga gamit namin sapagkat matataranta lang kami kung bukas pa kami kikilos.
"Oo nga pala. Pero bukas na lang pwede? Pagod kaya ako."
"Pagod?! Wala ka kayang ginawa."
"Gusto mo bang may gawin tayo?" Parang double meaning ang rehistro sa akin ng sinabi niya. Nanlaki tuloy ang mata ko.
"Luke!" Sabay hampas sa kanya. Napaka talaga nito.
"What?.." at tumawa siya ng 0.5 seconds, "tayo lang namang dalawa dito and besides malamig pa." Wika pa niya at tinaas-baba ang kilay.
Okay Belle! Umayos ka. Oo gwapo siya, mabango, may abs, nakakabaliw ang ngiti pero, pero! Hindi pa kayo. 'Wag kang atat. Huwag kang papadala. Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo. Itutuon ko na lamang ang oras sa pag-aayos ng mga damit.
Pero bago pa man ako makatayo ay nahawakan na niya ang aking braso.
"Saan ka pupunta? Dito ka lang." God! Inaakit ba niya ako sa husky voice niya? Kasi kung oo medyo effective.
"D-diyan l-lang. Iinom. Oo, iinom ako." Bakit ka ba nauutal diyan?
Ngumisi siya. Napansin niya marahil ang epekto niya sa akin.
Paano ba kami napunta dito sa sitwasyong 'to? Kanina lang nakayakap pa siya sa akin habang iniisip ang matagal na pag-uwi ni tatay. Kaya niya talagang ibahin ng mabilisan ang mga nangyayari.
Lumapit pa siya sa akin kaya naman umusog pa ako ng umusog. Kawawa ang pwet ko dahil nilampaso ko ito para lang makagalaw at makaalis sa aking pwesto.
"L-luke. Hindi 'to nakakatuwa ha." Umusog pa ako.
"Do I look like joking?" He said with a husky voice.
Usog ulit.
"Tsk! Luke ha! Umayos ka."
Usog pa.
"C'mon ginawa naman natin 'to. Well not totally."
Umusog pa ako hanggang sa maramdaman ko ang pader sa likod ko. Magpapabebe pa ba ako? Masarap na putahe na 'tong nasa harap ko oh! Belle! 'Wag maharot.
Ngayon, wala na akong kawala. Kinulong pa niya ako sa pamamagitan ng kanyang braso. Tumingin siya sa akin na para bang ako ang pinakamagandang tao sa balat ng universe.
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Ficțiune adolescențiWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...