Chapter 41

699 44 2
                                    

The Homecoming

Sinara na niya ang pinto at nakangiting tumingin sa akin. Para kay Luke wala lang 'to. Ordinaryong pangyayari lang, pero para sa akin hindi. Nasa baba na ang tatay ng boyfriend ko na nagkataong idol ko pa at hindi ako sigurado kung tanggap niya ba ako. Sa babae at lalaki pa nga lang mahirap na what more pa kaya sa amin?

Napansin ni Luke ang kaba ko kaya lumapit ito at hinawakan ang dalawa kong kamay na nakapatong sa kandungan ko. "Hey. What's bothering you? Is it about dad?"

He looked me in the eye but it didn't help. "Paano kapag ayaw niya sa relasyon natin, sa akin?"

Luke gave me reassuring smile, "Magugustuhan ka nun."

"Paano kung hindi?" Mabilis kong sagot.

"So what? I'm your boyfriend not him. We will just let him know, not asking for his permission." Huminga ako nang malalim. "Let's go see him?"

"Hindi pa ako nagsisipilyo." Natawa naman siya pero pagpasok ko'y  sinamahan niya ako sa loob ng cr. "Hindi ako tatakas, 'wag kang mag-alala." Dagdag ko pa nang mag-stay siya sa loob ng banyo.

"What? I'm brushing my teeth too." Wika nito at kinuha ang toothbrush niya at nilagyan ng toothpaste. Ginawa ko rin ang ginawa niya at sabay kaming nagsipilyo sa harap ng salamin. Nagtitinginan kami paminsan-minsan gamit ang mga repleksyon namin sa salamin at napapangiti na lang ako.

Kinuha niya ang toothbrush ko at sinipilyo ang mga ngipin ko. Ganun din ang ginawa ko sa kanya. Medyo matagal man, natapos rin kami sa paglalandian este sa pagsisipilyo at lumabas na ng kwarto.

Ang mga ganitong maliliit na bagay ang nagpapalaki ng nararamdaman ko sa kanya. Kahit papaano nakalimutan ko na ang tungkol sa tatay niya.

Pero nang naramdaman ng paa ko ang sahig sa labas ng kwarto, bumalik na naman ang kaba na alam kong mawawala lang kapag nakita ko na si Albert.

I always walk fast but this time is an exception, hinawakan ni Luke ang kamay ko at pinisil ito. "You're with me."

Nakababa na kami. Nasa dining area daw ang tatay ni Luke. Habang hindi pa kami nakakarating dun, chineck ko muna ang itsura ko. "Okay lang ba ako?" Tanong ko pa kay Luke na halatang wala lang sa kanya ang nangyayari.

"You're beautiful." Nakangiti nitong wika. "Dad!" Dagdag pa niya na nagpakaba sa akin lalo. Nakaupo ito sa dulo ng lamesa pinapakitang siya ang haligi ng bahay na ito.  Shit! Ganto ba talaga dapat ang nararamdaman kapag magpapakilala? Bakit naman si Luke hindi ganito kay mama? Unfair ha.

"Anak!" Nakangiti rin nitong bati kay Luke. For a moment hindi niya napansing may kasama ang anak niya which is good hanggang sa nagkatitigan kami.

OMG! As much as I want to be a fan right now, my whole system can't afford.

Nakuha talaga ni Luke ang itsura niya sa tatay niya.

"Who is he?" Malamig na tanong nito.

"Ahm. Dad, meet Belle my boyfriend." Proud na pagpapakilala nito. Ngumiti naman ako kahit kinakabahan. Sana lang hindi pangit tignan ang pilit na ngiting nailabas ko.

"Owh... yeah. Yes." Masyadong maraming damdamin sa tatlong word na yun na nabasa ko dito pero gulat ang pinaka. Nagkaroon ng kaunting katahimikan bago pa ito magsalita, "I mean... good for you. I just didn't know that you're into the same gender but haha, hi hijo." Tumango lang ako at hindi bumigkas ng kahit na anong salita. That's it? Tanggap na ba niya ako?

"I know. I never expected it too but I regret nothing." Sagot niya sa tatay niya. Tumingin ito sa akin, "told you, he likes you."

Ilang segundo pa kaming nakatayo dun nang magsalita si Albert. "Hindi ko mauubos 'tong pagkain." Mahinahon na wika nito. Umupo na kami malapit sa kanya at kumain.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon