Chapter 39

739 57 2
                                    

Reconciliation

Sobra akong nagulat sa inasta at sinabi niya pero hindi ko siya sinagot. Binuksan ko na lang ang pinto at dumiretso sa parking lot ng mansyon.

Nakita ko si kuya Bong na chini-check kung ayos na ba ang sasakyang gagamitin. "Tara na ho." Pag anyaya ko sa kanya.

Tumigil naman ito sa pagsipat at pumasok na sa kotse. Mabilis na rin akong pumasok para makaalis sa bahay na 'to.

Hindi ko namalayan ang oras sa kakaisip sa sinabi ni manang nang makita kong malapit na kami sa school. Hindi ko na pinapasok ang kotse dahil baka pagtinginan ako.

Nagpasalamat at nagpaalam na ako kay kuya Bong. "Walang anuman po. Si sir  Luke na po ang susundo sa inyo. Kung may ipapabili po kayo sabihin niyo lang po at ilalagay ko na lang sa kwarto niyo ni sir para madali niyong makuha." Nasa labas na ako ng kotseng minamaneho ni kuya Bong habang nakikipag-usap sa kanya. "Ay hindi sa bahay na po ako uuwi." Sabi ko at nagbigay nang matipid na ngiti.

"Hindi po ba sinabi sa inyo ni sir?" Nakatingala nitong wika habang hawak anh steering wheel.

"Ang alin po?" Yumuko ako para magpantay kami.

"Kay sir Luke po muna kayo ngayong weekends."

Nagpaalam na si kuya Bong at pinaharurot ang sasakyan palayo.

Ano? Hindi man lang niya sinabing nanakawin niya ako kay mama. At ang lakas ng loob niyang akalain na papayag agad ako. Makapag paalam nga kay mama.

Tinawag ko si mama at agad naman itong sumagot. "Oo na. Nagpaalam na ang magaling mong boyfriend. Akala naman niya madadala ako sa pa-bulaklak niya." Wika ni mama kahit wala pa akong sinasabi. Nadala ka na nga ma e. Napapayag ka ni Luke! Nakakaloka. Pinatay ko na ang tawag at binulsa ang phone.

Hay! Si Luke talaga ang daming surprise. Hindi ako kinikilig, grabe. Hindi talaga. Pati si mama sinusuyo rin niya.

Para akong tangang nakangiti papasok ng school.

Masyado atang napaaga ang pagpasok ko dahil wala pang masyadong tao. Mabilis akong nakapasok at nilakad ang daan papunta sa aming building nang may biglang tumawag sa akin.

Lumingon ako, huminto at tumakbo siya palapit sa akin. "Belle Venille?"

"Ako nga po." Sagot ko. Nakapaningkit ito dahil sa sinag ng araw. College student ang isang 'to base sa ID lace niya.

"Pinapatawag kayo ng president. Urgent daw po." Wika niya. Hindi na ako nagtanong kung bakit at sinundan siya kahit alam ko naman kung paano pumunta doon.

Ano namang gusto niya? Sa totoo lang hindi na ako kinakabahan simula ng malaman kong investor ang jowa ko sa school na 'to at kung kasing sama rin ako ni Mr. Hernotoa, may kakayahan din akong manipulahin hindi lang ang mga estudyante kung hindi maging ang kabuuan ng paaralan na ito. Aaminin ko, this sk much title, ang gandang pakinggan at nakakapalaluan.

Mabilis kaming nakarating sa office. Nandito ulit ako pero hindi na ako nanginginig at nananalangin na sana pagbigyan ako ng diyos ngayon at pumayag ang presidente sa iaalok ko.

Nanatili sa pinto ang sumundo sa  akin at ako nama'y pumasok.

Hindi ko inasahan na siya ang nandito imbes na ang presidente. 

Bakas sa mukha niya at takot na baka hindi ko magustuhan ang ginawa niya.

"Alam mo naman diba na--" hindi na niya ako pinatapos dahil sumagot na kaagad  siya.

"Alam ko. Hindi mo na kailangang ulitin. Pinapunta kita para mag sorry sa lahat ng gulong ginawa ko." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat nito.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon