Heaven
It's been a week simula nung kumalat ang issue. Unti-unti na akong nasasanay sa treatment nila sa akin. Mostly puro titig lang naman ang natatanggap ko at malala na ang iba. Merong may makikita akong nakasuksok na kapirasong papel sa notebook ko at pokpok ang nakasulat. May araw ring hinarangan ako ng grupo ng kalalakihan at sinabihan ako na 'paisa', 'ako naman landiin mo', not surprising though that's what most boys do. Objectfying anyone na sa tingin nila mas mababa sa kanila.
Marami pala ang mga taong naniniwala sa sabi-sabi kahit hindi pa proven and verified. Nakakalungkot lang na masyado silang judgemental. Anyway, their judgment don't matter naman dahil kahit sa mga ganitong pagkakataon, nandyan pa rin ang mga kaibigan ko. Yung mga totoo. Si Antoinette, si Matthew, si Archie at syempre ang bebe ko na si Luke.
I find it strange lately dahil kapag aalis kami ni Luke laging kasama si James. Para bang bet na bet niyang maging third wheel namin. Nakakaloka. Hindi tuloy kami makapaglandian ng bongga pero ayos lang naman sa akin dahil baka walang magawa si James sa bahay nila kaya tinitiis na lang niyang sumama sa amin.
Nandito kaming buong section sa isang malaking bulwagan dahil may seminar daw na gaganapin. Isa ang mga section namin sa napili na ngayong araw makinig dahil obviously hindi naman magkakasya ang lahat ng studyante sa campus dito.
May isang bigating guest speaker daw na inimbitahan ang school para mag talk sa amin. Nako! Dagdag bayarin na naman 'to.
Maingay ang buong bulwagan dahil hindi pa naman nagsisimula ang seminar. May kanya-kanya silang pinag-uusapan at sa tuwing nalalapat ang tingin nila sa akin bigla na lang nag-iiba ang emosyon ng kanilang mga mukha.
"Buti na lang talaga aircon dito. Kung hindi kanina pa ako umalis." Nasa gawing kanan ko si Antoinette na buryong-buryo na kahit hawak naman ang phone.
"Edi umalis ka. Wala namang pumipilit sa'yo na mag-stay." Sabat naman ni Matthew. Tinarayan lang siya ni Antoinette at bumalik sa pagpo-focus sa cellphone nito.
Required kasi ang seminar na 'to sa isang subject namin. Ang alam ko about environmental issues ang usapin ng seminar na 'to kaya excited ako.
Simula kasi ng pinost ko yung picture tinanggal na ako ni Ellisse which I don't understand. Ayun naman talaga ang tungkulin namin pero galit na galit siya. Isa pa naman ang organization namin I mean nila- tanggal na pala ako, na kinilala bilang one of the most influential environmental organization ng bansa. Kung tutulungan lang sana nila ako na ipakalat ang nalaman ko, edi sana may nagawa na tungkol dun sa minahan na 'yun.
Speaking of Ellisse, gusto ko sana siyang kausapin nung isang linggo pero hindi ko naman siya mahagilap. Hindi ko alam kung sadyang malaki lang ba ang campus o pinagtataguan niya talaga ako.
Naramdaman kong umakbay sa akin si Matthew. Hindi ko na lang pinansin dahil wala naman sa akin yun. "Inaantok na 'ko." Saad niya. Nakatingin lang ako sa stage at bigla kong naalala na marami palang tao baka issue na naman ang pagakbay niya kaya tinanggal ko.
Nagtataka naman niya akong tinignan at sinenyasan ko siya na maraming tao. Bumuntong-hininga na lang siya at sumandal sa upuan niya.
Ilang sandali pa ay may umakyat na sa stage at tinapik ang mikropono para i-check kung ito ba ay gumagana. After nito nagsilabasan na ang mga head ng school at si... Ellisse? Hmmm. Oo nga no? Bakit hindi ko naisip yun? Malamamg magsasalita rin siya dahil president siya ng org namin I mean nila.
Nasa bandang unahan kami, ikaapat na row to be exact kaya nakikita ko ng maigi ang ngiti ng bruhang 'to. As if naman ang laki ng tulong niya sa org. Utos lang ng utos ang kayang gawin niya tapos sa kanya ang recognition? Mas deserve ng buong org ang tumayo sa stage kesa sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Teen FictionWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...