Chapter 48

626 34 0
                                    

I'm back

Muli. Sa pangalawang pagkakataon, nakatayo ako sa tapat ng arkong may nakasulat na Brgy. Binat. Mag-isa. Bitbit-bitbit ang mga gamit, marami-rami ito dahil hindi ko alam kung gaano ako dito katagal maglalagi. Hindi pa gaanong nababasa ang arko dahil 3am palang. Madilim ang buong paligid at maging ang baranggay na ito ay hindi pa handa sa pagbabalik ko.

Kasama ko siya nung una kong punta rito. Oo nga pala, pati dito may pinagsaluhan kaming ala-ala. Guess he left a really great impact in my life, huh? Pero mas ayos na dito.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hinga bago ko tuluyang pasukin ang lugar. This place could be my healing place, my sanctuary. May pagaalinlangan man sa gagawing kilos, dahil may naiwan pa akong gawain sa eskwela at nauna na akong nag Christmas break sa kanila, tinuloy ko pa rin ang paglalakad. I don't think I'm capable of doing something there if he's always in my mind. Hindi ako tatalikod, magpapahinga lang ako.

Nasa probinsya na talaga ako. Ang mga kuliglig at ang amoy na sa probinsya mo lang mararanasan ay tinatanggap na ng senses ko. Napakatahimik, na hindi naman kagulat-gulat, maliban nga sa ingay ng mga insekto, expected ko ang ganitong vibe dahil hindi pa nagpapakita ang araw at maagang natutulog ang mga tao rito. 

Naglakad pa ako papasok, napatigil nang makita ko ang tindahan. 'Pinatay niya ang sarili niyang asawa.' Bumalik sa akin ang sinabi ng tindera bago ako umalis. Hindi ko na inisip ang ang paratang niya kay tatay dahil kahit sa maikling panahon na tumuloy ako sa kanya, ni hindi ko naramdaman na may kakayahan siyang gumawa ng mga paratang sa kanya.

Hindi niya 'yun ginawa at may tiwala akong hindi niya gagawin yun.

Pagkatapos ng memoryang 'yun, wala na ako iniisip, blanko na at sa mga ganitong pagkakataon biglang pumapasok ang imahe niyang napakalinaw. Ang amoy niyang para bang magkatabi lang kami.  Maging ang init ng kanyang katawan ay nararamdaman ko pa rin.

Argh! Tumigil ka na nga Belle! Kung paulit-ulit mo lang inaalala lahat, hindi ka makakausad.

Naglakad pa ako nang naglakad. Habang tumatagal, kasama na ng mga insekto ang gulong ng maleta sa tanging mga ingay na bumubulabog sa tahimik na baranggay na ito.

Nagulat ako sa sumunod na nangyari. Biglang may humatak sa akin papunta sa mapunong parte habang takip-takip ang bibig ko.

Dahil sa pagkabigla at nanigas ako at walang nagawa, paglingon ko'y si Tate lang pala!

"'Wag kang maingay." Pabulong nitong sabi at tinanggal na ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. "Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto ko lang bumisita. Ano yun? Bakit ka nanggugulat? Bakit tayo nagbubulungan at nakatago dito?" Last time I check, hindi naman ganito ang pagbati sa mga bisita, lalo pa't matagal ang huling punta.

"Hindi ka na dapat pumunta pa rito." Wika niya at maya't-mayang lumilingon sa kung saan. Sinong tinataguan namin?

"A-ano?.. H-hindi kita maintindihan, ano bang nangyayari?"

Sumipat pa si Tate sa paligid at siniguradong walang tao. "Tara. 'Wag natin dito pag-usapan 'to." Sagot niya at hinila ako palayo sa kinatatayuan namin. Buti naman at naisipan niyang 'wag dito mag-usap.

As far as I remember, itong nilalakaran namin ngayon ang daan papunta sa bahay ni tatay Selyo.

"'Wag ka na lang gumawa ng kahit na anong ingay. Baka may makarinig sa'yo." Tumango na lang ako kahit marami akong gustong itanong. Ano ba talagang nangyayari?

Matapos ang nakakapagod na lakaran, natanaw ko na rin ang munting tahanan ni tatay Selyo. Sa gitna ng pagtataka ko sa mga nangyayari dito, na-excite ako sa ideya na makikita ko ulit siya.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon