Walking away (short ep)
"Anak. Baka gusto mong sa taas na magpahinga." Ani mama kasabay ng malumanay nitong pagtapik. Nakatulog pala ako mula sa pangyayari kanina.
In-adjust ko ang aking mata sa liwanag tsaka bumangon.
Nakatulog pero pagod pa rin ako."Nakita daw nila si Luke may kaaway na lalaki, kaklase mo. Gusto mo bang pag-usapan natin?" She sounded so motherly. Warm and safe. Napapakalma ako ng boses nito, pinapaalalang hindi ako mag-isa.
Kahit hindi ko sabihin, alam niya. "Ayoko na ma. Ang sakit pala magmahal." Sumbong ko. Sa pagkakatong 'to. Ibinaba ko na ang lahat ng tapang na pinakita ko kanina. I acted a lion but I forgot I'm also a cub, longing for a mother's touch. The vulnerability has seen all over my face.
"Belle, ayan ang bayad sa pagmamahal na naranasan mo. Yang nararamdaman mo ngayon." Nakinig lang ako sa kanya habang nagsasalita ito. "Akala mo ba puro saya lang? Hindi. Masakit, anak, oo pero kailangan mong lunukin lahat ng yan, kailangan mong maramdaman. Hinahanda ka lang ng mundo sa mas malaki pang darating."
"Pero bakit naman sobrang sakit?"
"Dahil sobra kang nagmahal." Hinagod ni mama ang likod ko. Sinasabing magiging ayos din ang lahat. "At walang mali don. 'Wag kang tumigil magmahal dahil lang nabigo ka."
Niyakap ako ni mama at pagkatapos nun ay umakyat na ako para matulog. Nagdadasal na sana mahimbing ang aking tulog, para tulungan ako nitong bawasan ang bigat at sakit.
***
Lord didn't answer my prayer. I woke up tired because even in my dreams, he's there. Hindi niya ako nilulubayan. Sa dinami-dami ng pwede kong mapanaginipan kami pa ni Luke na masaya at nagtatawanan. Life's really a joker.
Naamoy ko ang bawang at sibuyas na ginigisa ni mama, nakaramdam ako sa wakas ng pagkagutom.
"Oh anak, gising ka na pala. Umupo ka muna diyan at niluluto ko pa itong almusal natin." Bungad niya.
Sinunod ko ang sinabi niya at umupo muna sa sofa na tinulugan ko kagabi matapos ang away. Nandito pa rin yung atmosphere, dama ko pa rin.
Ilang sandali rin ay natapos na si mama at sabay kaming kumain.
"Kamusta?" Sabi niya at hinawakan ang isa kong kamay habang pinaglalaruan ng isa ang pagkaing nasa plato.
Tumango lang ako. Gusto ko naman talagang sabihing ayos na ako pero sino ba ang niloloko natin dito?
Hindi na siya nagsalita at hinayaan na lang akong kumain o mas dapat kong sabihing titigan ang pagkain sa harap ko.
"Siya nga pala, may sulat na dumating. Para daw sa'yo. Sobrang luma anak ha, pwede namang Itext na lang." Muli niyang wika.
"Kanino daw galing?" Walang gana kong tanong.
"Address lang mula sa nanggaling e... Camarines Norte?"
Ano? Camarines Norte? Ibig sabihin... tama! Tumupad siya sa usapan na magsusulat siya!
"Nasaan na yung letter ma?" Nagulat si mama dahil kahit paano'y nagkaroon ng energy ang boses ko kumpara kanina.
"Ah saglit..." tumayo saglit si mama at may kinuha sa kung saan at mabilis ring bumalik. "Ito oh." Agad kong kinuha ang letter at pinunit ang envelope nito, hindi ko na tinignan kung may pangalan ba ng nagsulat dahil alam ko na kung sino.
Apo,
Hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko. First time ng dahil sa tuwa.
Kamusta ka na diyan sa siyudad? Sana ay hindi mo pa nakakalimutan si Tatay Selyo mo. Kung hindi mo naitatanong e, miss ka na ng tatay pati si Tate miss ka na rin.
Ayos lang kami rito, 'wag mo kaming alalahanin. May mga problema man dahil sa minahan pero nakakaraos naman. Apo, matanda na ang tatay kailan ka kaya makakabisita ulit? Alam ko marami kang ginagawa diyan pero sana hindi mo pa nakakalimutan na may tatay Selyo ka dito.
Kung binabasa mo ito ngayon, marahil tapos na ang problema namin sa minahan kaya kung wala ka ng ginagawa diyan at masyado ka ng pinapahirapan ng lugar na yan, pumunta ka lang rito at si tatay na ang bahala.
Inayos ko na rin ang kwarto kung sakali. Inaasahan ko ang pagbabalik mo!
Tatay Selyo.
Sinara ko ang sulat at pinunasan ang luha. Tama ka tatay, pinapahirapan ako ng lugar na ito. Maging sa sarili kong bahay may bakas niya, may alaala niya. Tinignan ko ang bawat sulok ng bahay at nandun siya.
"Sino ba yang nagsulat na yan?"
Tama siya. Kailangan kong umalis dito. Hindi ko pwedeng ayusin ang sarili ko sa lugar kung saan ito nasira.
Lilisan ako, pero hindi tatalikod.
Hindi ko kakalimutang may problema ako, aalalahanin ko lang na kailangan ko rin palang huminga. At hindi dito yun. Sa malayo.
"Ma, I'm walking away."
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Teen FictionWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...