The talk
"Nandito na tayo Belle." Nakatayo kami sa harap ng pintuan ng office ng presidente, ilang metro lang ang layo. Nasa dulo ng floor na ito ang kwarto niya at hindi yun nakakatuwa. Sinusuri ko ang pinto mula baba hanggang taas na parang gawa ito sa kakaibang materyales when in fact, pangkaraniwan lang naman ang pinto na 'to.
Pero hindi kasi mismo ang pinto ang sa tingin kong nagbigay dahilan sa akin para sipatin ito kundi ang feeling na binibigay nito sa akin. Very unwelcoming ang aura nito at parang hindi mo magugustuhang pumasok pa.
I hate to admit it pero kinakabahan ako. Nadikit na ata ang paa ko sa sahig at hindi ko na maigalaw pa. Ayaw ng mga paa kong umabante para hawakan ang doorknob at pihitin ito.
Hindi ko pa nakikita si Mr. Hernotoa pero ganito na kaagad ang nararamdaman ko.
"Belle, ano? Hindi pa ba tayo papasok?" Wika ni Matthew.
"Ako ba ang kakatok?" Malamang ikaw, Belle.
Inayos ko muna ang sarili, lumunok ng ilang beses at huminga nang malalim ng sa gayon ay makuha ko ang lakas ng loob na nawawala sa akin.
Lumapit ako sa pinto, leaving Matthew behind. Ako lang ang naglalakad na lalong nagbibigay sa akin ng nerbyos.
This is my first time seeing the president. What if he's horrendous? Kakayanin ko bang humarap sa kanya?
Naglalakad ako pero hindi ko maramdaman ang bigat ng mga paa dahil sa kaba. Pero nandito na ako, tapusin na 'to para hindi na maulit pa ang nangyari sa akin at kay Antoinette sa ibang studyante.
Sa wakas, hawak ko na ang doorknob. Pipihitin ko na ito ng biglang...
"Excuse me. Are you looking for Mr. Hernotoa?" Wika ng isang babaeng sa tingin ko'y nasa mid 30's na nanggaling sa kawalan at bigla-bigla na lang sumusulpot.
"Actually yes. Gusto lang sana namin siyang makausap tungkol sa nangyayari sa school." Si Matthew na ang sumagot kaya hindi ko na inabala pa ang sarili na magsalita.
Lumapit ang babae sa amin at huminto sa tapat ni Matthew. "You have to set an appointment first. And unfortunately, he's such a busy man. And I tell you by now, it will be hard to get even a second of his." Ang boses niyang walang emosyon ang dahilan ng pagiging intimidating nito. Para siyang si Siri o waze. Tsaka ba't kailangang mag english? Hirap ha!
Lumapit ako kay Matthew at tumabi sa kanya. "Importante po kasi 'to. I mean hindi naman po sa sinasabi kong hindi importante ang ibang meetings niya pero, this issue needs urgent action."
Ngumiti sa akin ang babae, yung ngiting may laman, ngiting hindi naman talaga ngiti. "And how is your issue more important than he already have? I'm sorry but, the only thing you can do is set an appointment---"
"Ms. Castañeda, pakisabi na lang kay tito Fred na dumaan ako... Belle? Ikaw ba yan?" Hindi na natapos pa ng babae ang sasabihin dahil sumingit ang lalaking kakalabas lang sa isang room. Well, hindi ordinaryong lalaki dahil siya ang lalaking pinaiiwas sa akin ni Luke. Yes, si James. At sinabi ba niyang tito?
Lumapit sa amin si James at halatang na-surprise na nakita ako. "Ikaw nga! Anong ginagawa mo dito?" At tumingin siya saglit kay Matthew pero agad din namang bumalik ang mga ito sa akin. Inaantay akong sumagot.
"Ahmm... actually aalis na kami. Thank you Ms. for your time at James." Nagpaalam ako sa kanila at hinila si Matthew papaalis sa kinatatayuan namin.
I have to stay away from James. Ayun na lang ang magagawa ko para makabawi kay Luke sa lahat ng kagagahan ko sa buhay.
"Bakit ka umalis? Kilala niya si pres. Baka makatulong siya."
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Teen FictionWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...