Freedom Wall
"So no PDA! Ayoko nun, please lang hindi ako fan ng mga ganun." Sabi ko sa kanya habang nakahiga kami sa kama niya at pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay.
"What? No kissing in the streets?" Tanong niya.
"No."
"No hugs in public?"
"Absolutely... not."
"Urrrgh. Don't tell me pati holding hands bawal?"
"Pag-iisipan ko pa." Sagot ko.
Tinigil niya ang paglalaro sa mga daliri ko at tumingin sa akin. "Seryoso?"
Pinisil ko ang pisngi niya. "Charot lang! Cute mo." Wika ko at natawa sa expression ng mukha niya.
Ang dami kong rules na sinabi sa kanya na tungkol sa relasyon namin but I'm pretty sure when it comes to Luke, babaliin niya lahat yun. Sa harot niyang 'yan.
Pero ayoko lang talaga ng PDA. Hindi naman sa kinakahiya ko siya. Hello? Ako nga dapat ang kinakahiya niya, sa itsura ba naman ni Luke. Basta hindi ko lang feel makipagharutan sa tapat ng maraming tao. I want to keep it private but not a secret. Lowkey relationship lang ang gusto ko.
And let's admit it, hindi pa fully and socially accepted ang relationship naming dalawa. Kung may makakakita sa amin na naghaharutan, pangungutya ang aabutin namin at ayokong maranasan niya yun nang dahil sa akin.
Matapos ang madugong pag-uusap, napagkasunduan naming walang PDA but yes to holding hands. At masaya ako na nirerespeto niya ang mga gusto at desisyon ko.
Hindi naman sa napakaarte ko. May mga tao lang talagang hindi sanay na nakikipagharutan sa harap ng maraming tao at isa na ako dun. Pero kung dalawa lang kami, hala sige! Come to mama! Ganern!
"Luke tulog na tayo." Pagyaya ko sa kanya.
Pinanliitan niya ako ng mata.
"Este Mi amore. Mi amore tulog na tayo."
"Okay." Sagot nito at hinalikan ako sa noo bago niya ipikit ang mga mata.
***
Lunes na at oras na para pumasok. Ayun na ata ang pinaka-long na weekend ko. Grabe sulit na sulit. Sana lahat ng weekends ko ganun kasiksik. Ang sarap palang matulog sa kama ni Luke pero mas masarap siya. Char!
Bumangon na ako at naligo para pumasok sa eskwela. Nagpaalam na ako kay motherhood at lumabas na ng bahay.
Huminto muna ako sa antayan namin ni Antoinette. Sabay daw kami ngayon dahil na-miss niya ako. Buti naman at naalala niyang may kaibigan pa pala siya. Akala ko kasi hindi na nung nagkajowa siya. Baklang 'to, kung alam ko palang ganyan siya magkajowa sana hindi ko na sinama sa mga panalangin ko na 'wag na siya maging single.
Pero wala eh. Nandyan na. Tanggapin na lang.
"Sis!" Malakas na sigaw nito.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Yumakap na rin ako pabalik, baka sabihin niyang may galit ako sa kanya.
"Oh! Anong masamang hangin ang nalanghap mo at naalala mong may kaibigan ka pa pala?" Biro ko sa kanya na half meant.
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Novela JuvenilWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...