Movie
1k likes, 20k comments, 1k share.
Hindi ko inakala na ganito magiging kabilis ang response ng mga tao. Hindi ako sigurado kung dahil ba sa tulang ginawa ko o sa mga litratong kinuha ni Luke kaya mabilis na kumalat ang post ko. Siguradong dadami pa ang bilang ng mga makakakita nito.
8pm pa lang pero marami na ang nag-share ng post ko. Magkahalong opinyon ang mga nababasa ko. May ilang comments na mine-mention ang iba't ibang departamento na may kinalaman sa pangangalaga sa kalikasan. Merong kagaya ko na nanghinayang sa pagkawala ng dating ganda ng lugar at syempre meron din namang mga hindi naniniwala sa mga pictures na nandoon. Hindi ko naman sila masisisi. People always believe what they wanted to believe.
Hinanda ko naman ang sarili ko sa mga ganitong pangyayari. Hindi naman lahat ng comments ay positive. May iba kasing sinasabi na binabayaran ako ng kalabang politician ng kasalukuyang administrasyon para siraan sila. Seriously? Wala akong paki sa mga politiko na yan, lahat sila kurakot. Somehow, naapektuhan ako sa mga nababasa ko. People are so quick to judge. Hindi ka pa nga nila kilala, ni nakikita, nahusgahan ka na nila.
But that's fine. Nakuha ko naman ang gusto ko. Whether I received good or bad comments, still it is publicity to be called.
I checked the clock and I realized that it took me about three hours reading those comments. May pasok pa ako bukas. Kailangan kong pumasok bukas.
***
Gumising ako nang nakangiti ng makakuha ako ng text mula kay Luke. Alam kong siya 'yon dahil siya lang naman ang nagte-text sa akin kahit alam niyang hindi ako nagpapaload. Inabot ko ang phone at binasa ang nakasulat. 'Good morning. You're a fearless one. I love that, I love you.' Hindi ko kayang magreply. Nilagay ko sa dibdib ang phone at parang tangang ngumingiti. Hindi ko kayang magreply. Masyado niya akong pinakilig today. Sino namang hindi gaganahan pumasok niyan kung ganito ang magiging simula ng araw mo? Totoo nga, na may kakayahan ang isang taong baguhin ang mood mo sa pamamagitan ng simpleng pag-text o pagtawag.
Umalis na ako ng bahay matapos mag-ayos at maligo. Sa tuwing iniisip ko ang text ni Luke, hindi ko maiwasang mapangiti. Grabe na talaga ang epekto niya sa akin. Hindi na healthy.
Mag-isa lang akong naglalakad papuntang sakayan sa school. Hindi na kami masyadong nagsasabay ni Antoinette sa pagpasok at pag-uwi dahil kay Francis. Nakakatampo, oo, pero kung sa tuwing kasama niya yung lalaking basagulero na 'yon siya masaya, so be it. Support ako. Ewan ko ba kasi diyan kay Francis kung bakit hindi nag-aaral. Porket may kaya ang pamilya dahil may business, hindi na ginusto pang pumasok sa paaralan.
Ilang sandali pa ay nakasakay na akong jeep na naghatid sa akin sa school.
It was the same old school, mabaho (minsan), maingay. Pero parang may something.
Sa pagpasok sa eskwelahan, may ilang parte dito na maraming taong nagkukumpulan. Hindi naman bago sa akin at sa mga matagal ng nag-aaral dito ang ganitong senaryo pero kasi matagal na simula nung huling nangyari 'to. Dinaanan ko na lang sila knowing na mayroon na naman akong makikitang nagkukumpulang tao sa iba pang dadaanan ko.
Mostly mga babae ang nandun pero meron din namang mga lalaking gusto ring makasagap ng mainit na chismis. Ang mga lugar kasi na laging pinagkukumpulan ng mga estudyante rito ay ang malayang paskilan. Maraming ganito sa iba't-ibang sulok ng school, dati hindi naman pinapansin ang mga freedom wall dahil puro announcements at kung ano-ano pang school related activities ang nakalagay dito. Pero simula ng magdikit sila ng mga bagay at issue tungkol sa mga students, staffs at teachers ng school mas naging interesado at naging maingay ang malayang paskilan.
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Teen FictionWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...