Confirmed
"Marsha?!"
Kitang-kita ang gulat sa mukha niya kagaya ng ekspresyon ko ngayon.
Mukhang lahat kami ay gulat sa mga nangyayari.
Ang kaganapan ngayon ang naging dahilan ng hindi namin paggalaw at mukhang hindi na ata kami makakagalaw.
Ako, hindi makagalaw dahil ibang tao ang inaasahan kong gagawa nito.
Sila? Wala na akong pakialam kung bakit hindi nila kayang kumilos sa mga oras na 'to. Siguro yung dalawa dahil sa kahihiyan, kung meron man sila nun.
Nagkaroon ako ng lakas para makalapit kanila Marsha. Ang dami kong tanong actually. Sa sobrang dami hindi ko alam kung saan pa magsisimula.
"B-bakit?" Unang tanong.
Bakas pa rin sa mukha niya at ni Kuya John ang gulat at hiya.
Hindi siguro nila inaasahan na malalaman namin. Well, kami rin naman. Hindi ko in-expect na si Marsha ang nasa likod nang lahat ng ito.
"K-kasi..."
"Sagot!" Sigaw ko na kinagulat niya. "Bakit? Wala naman akong ginawang masama sa'yo. Bakit, Marsha, bakit?!"
"Sa akin wala kang ginawa pero kay Alessia meron." Naiiyak niyang sabi.
Ano namang koneksyon niya kay Alessia at anong ginawa ko?
"Nung mga panahon na ako ang laman ng freedom wall, kinausap niya ako. Mabait siya sobra. Pinagaan niya ang pakiramdam ko at sinabi pa niyang tutulungan niya ako sa problema ko." Pagpapaliwanag niya.
"So hindi mo kilala si Alessia bago pa man 'to nangyari?"
Tumango siya. "Wala naman akong balak na tanggapin ang alok niya nung una e. Pero kasi sobra na ang mga estudyante dito kaya pumayag na rin ako. Sinabi niyang kailangan ma-divert sa iba ang atensyon ng mga tao kaya kailangang may bagong tao silang pag-usapan at ikaw ang binanggit niya."
Mabibwisit ba ako rito o maaawa? Ang dali naman niyang manipulahin.
"Masama naman daw kasi talaga ang ugali mo. Hindi ikaw ang Belle na pinapakita mo sa amin, plastik ka daw."
Aba! Nakakaloka!
"At ikaw kuya John?! Bakit naman ganito? Bakit mo naman sila tinutulungan?" Baling ko sa lalaki na kasama ni Marsha.
"Kailangan ko ho kasi ng pera sakto inalok ako ni Marsha kaya tinanggap ko na. Pero, pero gusto ko mg umayaw. Maniwala ka."
Tinignan ko si Antoinette na gulat pa rin sa mga nangyayari.
Nagkatinginan kami at nakabalik na siya sa normal state nito.
"E wala ka naman palang hiyang babae ka!" Sabi niya at akmang sasabunutan si Marsha pero napigilan ni kuya John.
"Tama na po."
"Hindi! Ang bait-bait naman sa'yo tapos ganito?!" Wika niya habang patuloy na inaabot ang buhok ng babae.
"Tama na yan sis. Hindi siya worth it." Hinablot ko ang kamay niya para tumigil na.
Tinignan ko muna si kuya John at Marsha. Bakas man sa mukha nila ang hiya, hindi na maiaalis nun ang katotohanang sikat na ako dito sa school.
"Tara na." Wika ko.
Naglakad na kami palabas ng campus. "Sis. Grabe hindi ako makapaniwalang si Marsha pala ang may pakana. Alam mo kung hinayaan niyo lang sana ako, kakalbuhin ko talaga yung impaktang 'yun e."
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Genç KurguWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...