Chapter 67

602 36 8
                                    

Engagement ring

Lahat tayo'y may mga bagay na kinaaayawang mangyari, pero sa isang banda alam rin nating matutuloy at matutuloy ang mga 'yun. Kagaya ng pagkamatay, break up, sa kaso ko birthday at marami pang iba.

Kung suswertihin, makakakuha ka ng ilang oras para makapaghanda, para ma-delay ang dapat na mangyari pero kapag natapos na ang oras na iyong binili, wala ka ng ibang magagawa kung hindi harapin na lang ito.

"Belle, I gave you time already." Nakatayo ako at nakayuko sa tapat ni Luke habang siya'y nakaupo sa komportable niyang upuan.

"I know sir but I don't think that's enough." Magalang kong sagot.

"Why would you need such time in the first place?"

For me. Dahil ayokong maging utak ng campaign ads mo para sa jewelry shop niyong mag-fiancé.

Hindi ko sinabi ang nasa isip ko at piniling 'wag ng sumagot.

"You don't have a choice." Aniya at tumayo. Naglakad ito papalapit sa akin. Huminto siya nang makarating sa gilid ko. Inilapit niya pa ang kanyang mukha sa aking tainga. Tumayo ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang paghinga niya dito. "You're mine. And you'll do as I say. Tss." At lumabas siya ng opisina, iniwan akong nakatayo at hindi makagalaw.

Professional Relationship, Belle.

Nang maayos ko ang sarili'y lumabas ako sa opisina niya at bumalik sa table ko.

Napakamot na lang ako. Hindi ko na talaga mapipigilan yamg campaign ads na 'yan!

"Mars, ba't ba lagi kang pinapatawag ni sir Luke lately?" Tanong niya nang makapunta sa pwesto ko. "Hindi naman 'yan tungkol sa client natin nung nakaraan 'di ba?"

"Ah, tungkol yun sa jewelry shop na itatayo nila." Hindi na siya sumagot pero naka tambay pa rin sa pwesto ko. Expecting her to leave eventually, I try to conceptualize what he wants but after minutes of trying, I think of none.

Sumuko na ako pero nandito pa rin si Maya. Wala bang trabaho 'to?

"Belle, Belle! Alis na ako, nakatingin sa'yo si sir. May kailangan ata sa'yo. Bye na!" Taranta niyang sabi. Tumingin naman ako sa isle at nakita nga siyang naglalakad habang nakatingin sa akin.

Nakasuot ito nang puting polo na bukas ang pinaka itaas na butones at nakatack-in sa navy blue niyang slacks na siyang kulay rin ng kanyang suit. May suot itong kumikinang na relo at ang buhok nito ay napaka-ayos. Kinumpleto ng itim niyang sapatos ang manly look niya ngayon.

Bakit hindi ko napansin kanina na ganito siya kagwapo?

"We have a new client, but I will let the other to cater her. You and your team will be working for my campaign ad, call them, we have a meeting now." Pagkatapos niya 'yong sabihin, umalis na siya kaagad na parang hindi siya bagay sa lugar na 'to.

Tinawag ko si Maya at Matthew para nga sa sinasabi nga niyang meeting. Nang magsama-sama kami, napansin kong may hawak na kape si Matthew na binili sa fiancé ni Luke.

"Matthew, isa!" Sabi ko nang ipaamoy niya 'yun sa akin. "Dalian natin, may meeting daw tayo." Tumango na lang sila at sabay-sabay kaming naglakad papunta sa lugar na pagmi-meeting-an. Mukhang walang mga chismosa ngayon, busy sila para sa bagong kliyente.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon