Chapter 50

667 37 0
                                    

No exit

Belle

Nagising ako sa init na dala ng araw. Bakit naman ganito pa rin kainit gayong December na. Kahit ang buga ng electric fan ay ganoon din, kaya wala na akong nagawa kung hindi ang bumangon. Bumungad agad sa akin ang kalendaryong nakadikit sa pader. "December 13." Bigkas ko sa sinasabi nitong petsa ngayon. Gustuhin ko mang tumagal dito, doon ako magpapasko. Ayoko namang hindi kasama ang mama sa mga ganoong uri ng okasyon at isa pa uuwi si kuya. Matagal ko na siyang hindi nakikita.

Umunat muna ako bago tuluyang lumabas ng kwarto. Mula sa pinto, rinig na rinig ko na ang ingay na galing sa labas ng bahay. Ingay ng mga nag-uusap, hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila kaya dali-dali akong lumipat sa pinto papalabas ng bahay.

"Sabi ko naman sa inyo, hindi na natin madadaan sa diplomasya ito. Kailangan na nating lumaban!" Rinig kong sabi ng isang matabang matanda na nasa singkwenta na ang edad, habang nakasilip sa kanila.

"Ano ka ba naman Ruben? Hindi sagot ang karahasan sa lahat ng 'to." Nakatalikod man sa pwesto ko, alam kong si tatay Selyo iyon. May mga sumang-ayon sa kanya at meron namang hindi. Mga nasa sampung kalalakihan ang nagtatalo talo sa kung anong pwedeng gawin at dahil nga hati ang desisyon ng mga ito, sabay-sabay na silang nagsalita hanggang sa miski ako ay wala ng maintindihan.

"Paano nila maaayos ang gulo, kung ang gugulo nila?" Tanong ko sa sarili.

"The irony." Nagulat ako sa boses ng sumagot. Si Tate pala ito na may hawak na kape.

"Ano ka ba naman? Bigla-bigla ka na lang sumusulpot sa kung saan. Tae ka ba ha?"

"Arte mo. Ano na pinaguusapan nila?" Hindi ko na pinansin ang una niyang sinabi kagaya ng hindi niya pagpansin sa sinabi ko at sinagot siya. "Kakarating ko lang rin pero narinig ko, ayaw na nung Ruben na kausapin lang ang papa mo."

Magulo pa rin sila at walang gustong magpatalo sa isa't-isa. Ang tingin nila sa mga suggestion nila ay sobrang taas na maaayos nito ang nangyayari dito.

May sinasabi si tatay Selyo pero hindi siya pinakikinggan dahil lahat nga ay abala sa pagsasalita. Lahat magaling. Lahat matalino.

Ang mga sumunod na nangyari ay nakapagpatahimik sa lahat. Nakarinig kami ng isang putok ng baril na nasundan ng isa pa. Tumahimik man, pinagsawalang bahala na ni tatay ang nais sabihin at itinuon ang atensyon sa narinig. Malapit lang ito sa lugar namin base sa lakas ng putok.

Napalabas ako ng bahay,  sumunod na rin si Tate sa akin. Tumabi ako kay tatay, nakita kong nagulat sila sa akin dahil ngayon lang nila ako nakita pero di naging sapat para makalimutan ang nangyari kanina.

"Baril ba 'yon?" Paninigurado ng isa naming kasama.

Tumango ang ilan sa kanila para sagutin siya. Ilang sandali pa silang nagtitinginan na parang nagtatanong sa isa't isa kung ano ba dapat ang gawin, mukhang nawalan na sila ng ideya matapos magmagaling ang lahat. Naubos ata sa pinagtatalunan kanina.

"Tulong! Tulu--" Kung kanino man galing yun mukhang nasa panganib ito at kailangan ng agarang saklolo. Hindi na rin nito natapos ang sasabihin, malakas ang kutob ko na may kinalaman siya sa mga putok ng baril kanina.

Walang ano-ano'y madaling tumakbo papalapit sa sigaw ang mga matatanda. Kahit alam kong walang akong maiaambag, sumama pa rin ako.

Habang naglalakad kami sa damong kasing taas ng tao, nakaririnig kami ng mga impit galing marahil sa sumigaw kanina at sunod-sunod na pukpok ng isang matigas na bagay sa kung saan.

"Sabihin..." hampas! "mo sa akin..." pak! Isa na namang palo sa pisngi.

Huminto siya nang makita kaming nanonood sa ginagawa niya. Tama nga ang hinala ko, may hawak itong baril na ginamit niya kanina at ginagamit niya ngayon pangpalo sa lalaking nakahandusay at duguan ang damit.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon