Aftermath
Kasabay ng pagdilat ng aking mga mata, naramdaman ko ang kirot sa buong katawan lalo na sa parte kung saan lumapat ang kanyang kamao. Tinignan ko ang sarili habang nakahiga, suot ko pa rin ang damit kahapon maging ang sapatos.
Ang tunog ng electric fan lamang ang maririnig sa buong kwarto at ang sinag ng araw sa labas ang nagbibigay liwanag dito.
Tumayo ako at dumiretso sa salamin na nakasabit sa dingding ng kwarto. Nakita ko ang sariling repleksyon. May pasa ang aking pisngi. Inangat ko ang manggas ng t-shirt na suot ko at nakita rin rito ang pinaghalong pula at violet na nasa hugis bilog.
Alam kong masakit ito ngunit pinisil ko pa rin. Nagbabakasakaling hindi sa mga pasang iyon nanggagaling ang sakit. Para kahit papaano maibsan ang nararamdaman kong takot kay Luke.
Impit akong umungol sa sakit. Napatunayan lang nito na dun nga nanggagaling ang mga nararamdaman ko. Binaba ko ang inangat na manggas, kinuha ang nakasabit na tuwalya at lumabas ng kwarto.
Bumaba ako. Lumangitngit ang hagdan naming gawa sa kahoy nang itinapak ko ang paa rito. Masakit rin ang buo kong katawan na mas lalong pinalala ng pagbaba ng hagdan.
Sinikap kong wag munang magpakita kay mama kahit alam kong napaka imposible nun dahil sa iisang bubong lang naman kami nakasilong. Pero susubukan ko pa rin hanggang sa gumaling kahit ang pasa ko sa pisngi man lang.
"Anong nangyari diyan?" Kalmado niyang tanong sa akin mula sa kusina.
So alam na pala niya. Humarap ako sa kanya at nakita siyang nagtitimpla ng kape.
"Ah ano 'to, ahm tumama sa matigas na bagay nung naglalakad ako. K-kasi hindi ko nakita gabi na rin kasi yun." Mabilis kong alibi. Ito agad ang naisip ko at sa tingin ko naman ay kumbinsido siya.
"Sa susunod mag-iingat ka ha?" Tumango ako. "Gamutin mo na yan. Nakatulog ka nang hindi man lang nakapagpalit ng damit. Ano bang ginawa mo't pagod na pagod ka?"
Lumapit ako sa kanya. "Malapit na kasi ang Christmas break so maraming pinapagawa sa amin." Which is half true. Tumango na lang siya nang pagsang-ayon.
Tumuloy na ako sa pagligo at mabilis na nagbihis para pumasok.
Binabagtas ko ang daan palabas ng bahay nang makita ko ang sasakyan niya na nakaparada maging siya na nakasandal dito. Nakatingin siya sa phone na parang may inaantay mula roon.
Huminto ako. Ayoko muna siyang makausap ngayon. Tinitigan ko muna siya na walang paki na nakabilad sa araw bago tumalikod at naglakad nang nakayuko papalayo sa kanya para di niya ako makita. But I failed. Tinawag niya nang malakas ang pangalan ko.
"Belle wait!" Malakas ang pakiramdaman ko na papalapit siya sa akin. Hindi pa rin ako lumingon pero huminto na ako sa paglalakad. Huminga ako ng malalim; humarap sa kanya.
Ilang metro pa ang layo niya pero tumakbo siya para makarating agad sa akin.
Mas nakita ko ang mukha niya na katapat ko ngayon sa gilid ng kalsada at hindi ininda ang init at alinsangan. Nasa harap ko ngayon ang mukha ng lalaking mahal na mahal na mahal ko at nasa harap ko rin ang lalaking kinatatakutan ko.
Walang nagsalita sa amin. Tinititigan lang niya ako sa mata habang ako nagtataka kung ano ba ang iniisip niya ngayon.
Sumakit ulit, hindi ang mga pasa ko kundi ang dibdib ko. Ang sakit na bigla kong naalala kung bakit kami nandito sa sitwasyon na 'to ngayon at yun ay dahil hindi niya ako kayang pagkatiwalaan at dahil sa pride niya.
"Mi Amoré," pagsisimula niya. Hinawakan ni Luke ang kamay ko at nag-aalangan pa akong iabot ang mga yon pero bumigay rin ako. "I'm sorry. You know that I didn't mean to do that right?" Hindi ako sumagot. Sa totoo lang hindi ko alam. Gusto kong kalimutan na lang yung nangyari pero sa tuwing rumerehistro ang nakakatakot at galit niyang mukha na sumuntok nang tatlong beses sa akin, hindi ko magawa.
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Teen FictionWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...