Dark Cell
"Bakuran mo na kasi ako."
"God, I miss this. I miss you." Sinabi niya matapos ko siyang halikan.
"I love you."
Nasa pagitan na ba ako ng buhay at kamatayan? Ito na ba ang sinasabi nila na kapag mamamatay ka ipapakita sa'yo lahat ng ala-ala mo? Pero bakit naman yung kay Luke lang 'di ba? Kung mamamatay naman ata ako ayokong dalhin yung sakit hanggang langit... kung doon man talaga ako.
Kung meron mang magandang mangyayari sa pagpanaw ko, ito ay ang malalaman ko na kung sa impyerno ba talaga ako pupunta.
Saan nga ba tayo pupunta kapag patay na? Saan ako pupunta?
Nagulat ako nang makaramdam ako ng pwersa na tumama sa mukha ko, sagot sa tanong ko kung patay na ba ako. Malamig ito, pakiramdam ko ay basa ako nang dahil dito. Sigurado akong binuhusan ako ng tubig na siyang nagbalik sa akin sa reyalidad at ang katotohanang nandirito pa ako sa magulong mundo.
Pagmulat ko, hindi ko na kinailangang mag-adjust sa liwanag dahil kasingdilim lang ng kwartong ito ang kawalan, ang pinagkaiba lang may kaunting liwanag na sumisilip sa maliit na awang sa bukas na pinto.
Sumasakit ang ulo ko. Gaano ako katagal nakatulog?
Ayon sa nakikita ko sa tulong ng liwanag sa labas ng kwarto, walang ibang laman ang kulungan kung hindi ang basa habang nakaupo sa sahig na ako at isang lalaking nakaharap sa akin na may hawak na timbang wala ng laman. Kahit galing sa likod niya ang ilaw, alam kong nakangiti ito, nasisiyahan sa ginawa niya. Hindi ko nagustuhan ang kasiyahan na nakikita niya sa pagbuhos sa akin kaya sinubukan kong tumayo para lumaban ngunit nabigo ako dahil pinigilan ako ng malamig na metal na nakatali sa pareho kong kamay habang nakakawit ito sa pader ng madilim na kwarto.
Dahil sa pangyayari, lalo lang lumaki ang guhit sa kanyang labi, sinasabing wala akong pwedeng gawin kung hindi panoorin lang siyang gawin ang lahat ng nais niya, na lalo kong kinapikon. "Wala ka dito para magbakasyon kaya wag kang tutulog-tulog!" Umalis siya nang hindi man lang inantay ang isasagot ko ngunit hindi niya sinara ang pinto dahil bumalik rin pala ito kaagad na may hawak na namang timba pero ayon sa pagkakahawak nito na may ibinibigay na lakas, may laman na ito.
Pumikit ako para ihanda ang sarili sa papalapit na tubig sa akin ngunit naramdaman kong nilaktawan niya lang ako. Iminulat ko na ang mga mata at nakitang dumiretso ito sa sulok ng kwartong natatakpan ng kadiliman. Walang ano-ano'y ibinuhos niya ito sa pwestong iyon at doon ako nakarinig ng isang boses. "Gising na tanda! Maling-mali ka, hindi mo dapat kinalaban si boss." Sabi niya at kagaya kanina hindi na niya inantay pang sumagot ang kausap niya.
Isinara na niya ang pinto at tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang buong kwarto. "Tatay? Sinaktan ho ba ulit nila kayo?" Pagkausap ko sa kanya. Hindi ko siya makita pero alam kong nasasaktan siya base sa mga ungol nito. And a part of me wants to blame myself, if I'm just strong enough to protect the both of us, none of this will happen.
Hindi sumasagot si tatay, sunod-sunod na impit lang ang naririnig ko mula rito. Mukhang malala ang pagkakabugbog sa kanya, idagdag mo pa ang edad na mayroon ito ngayon. Apo na ang turing ni tatay sa akin at hindi ko maatim isipin ang kalagayan ng lolo ko. Buti na lamang at madilim kaya hindi ko makikita ang kalagayan niya dahil baka hindi na kayanin ng sistema ko kung makita pa ang itsura niya ngayon.
"A-apo." Tumulo ang luha ko nang marinig siyang magsalita. Mula pa ang boses na 'yon sa inipon niyang lakas. Pinilit niyang magsalita para sabihin sa akin ang salitang 'yon at hindi ko na pinigilan ang mga luha na bumagsak pababa sa aking mga pisngi. Sa oras ng kailangan niya ng agarang tulong, ako ang iniisip niya at ang kaligtasan ko. Sa lamig ng rehas at tubig na binuhos sa akin, kabaliktaran noon ang mainit na luhang galing sa bilugan kong mata.
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Novela JuvenilWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...