Chapter 11

1.4K 70 4
                                    

You and I

"Papatayin mo ba ako?"

"No, that's not enough. Marami pa akong binili dito."

"Kanina pa ako kumakain. Ano kakatayin na ba ako?"

"Kiss mo na lang ako."

"Mukha mo. Nakakailan ka na ah?"

Kanina pa ako binubusog ni Luke ng pagkain. Mukha bang hindi ako kumakain? Gustong-gusto niyang lumalamon ako, ang sakit na ng tiyan ko. Nagagalit naman siya kapag hindi ko kinakain ang binibili niya kaya kahit puputok na ang tiyan ko, go lang ng go.

"Ahh, sige na Belle. Please. One kiss pleasee." Request nito. Nakakailan na yan! Manyak nito.

"Amoy shawarma bunganga ko." Sabi ko at kinuha naman ang burger na nasa lamesa.

"I don't care." Pabebe nitong sabi. Hindi bagay sa kanya. Ang laki laki ng katawan niya tapos nag be-baby talk siya riyan. Ganito pala maging manliligaw 'tong Luke Beaun na 'to. Paano pa kaya kung boyfriend ko na, edi wala na finish na ang virginity ko.

"Hindi! Kumakain ako."

"Ang damot!" Nakanguso niyang sabi. Binaling niya ang atensyon niya sa flat screen tv ng condo niya at hindi na ako pinansin.

Truly, nasa condo niya ako. Dito na lang daw namin gugulin ang unang araw namin bilang nililigawan niya. Ganda ko 'no?

Kahit gusto na namin ang isa't-isa, nagpaligaw pa rin ako. Hindi lang naman dahil gusto ko maranasan ang may manligaw sa akin pero gusto ko pa siyang makilala ng mas maayos.

"I have to tell you something. Matagal ko na dapat sinabi 'to. Liligawan kita Belle." Sabi ni Luke sa akin.

"Paano kung ayaw ko?" Pa hard to get dapat syempre.

"Whether you like it or not. I will court you."

"Liligawan kita araw-araw."

Maganda naman ang condo niya. What do you expect? Model 'tong si Luke at may-ari ng isang malaking company ang daddy niya. Mayroon silang hotels, corporations, resorts. Ganun kalala ang yaman nila kaya mag-assume ka na na maganda talaga ang condo niya.

Cozy at elegant ang unit na 'to. Ang lawak pero kaunti lang ang gamit o baka naman sadyang malawak lang kaya hindi mapapansin na maraming gamit. May piano sa gilid at katapat nun ay ang sofa kung saan nanonood kami ng movie. Fifty shades of Grey to be exact. Charot! Inside out talaga pinapanood namin, cartoons lang muna saka na yun.

Gray and white ang interior ng condo niya at may mga kwarto pa. Siguro kwarto niya kapag matutulog at cr. Condo pa ba 'to? Ang laki e. Baka may kwarto rin siya dito na puro latigo, posas, lubid at kung ano-ano pang ginagamit sa wild sex a? Nako! Very bad yun.

"Pssh. Manhid talaga." Tumingin siya sa akin at narinig ko naman ang bulong niya. Tanging ilaw lang na nanggaling sa tv ang nagbibigay liwanag sa amin.

Ano na namang ginawa ko?

Sinundot ko ang tagiliran niya para makuha at ang atensyon niyang kinukuha ng tv. Binitawan ko ang kinakain kong burger at lumapit pa sa kanya.

"Uyy! Anong problema?" Masuyo kong tanong.

"Nothing. Kumain ka lang diyan at wag mong isiping may kasama ka." Sabi nito habang nakatiklop ang braso sa katawan nito.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon