Expectations
Maaga akong nagising dahil uuwi na ako. Siguro naman nabigyan ko na sina mama at papa ng oras na hinihingi nila sa akin. Sapat na siguro ang buong gabi para gawin na nila ang mga dapat gawin, not to mention 'alam niyo na'. Magko-commute na lang ako pauwi, may natira pa naman akong pera dito.
Ayoko ng abalahin pa yung demonyo sa kabila na ihatid ako. Sabi nga niya diba? Ito na yung last. Nakakalungkot mang isipin na wala na, ano pa nga bang magagawa ko? Kahit umiyak ako dito wala namang magbabago at isa pa I never begged someone to stay in my life. Kung may darating, edi Hello welcome to my world at kung may aalis- kagaya ng demonyo, malugod na tatanggapin. After all, people come and go.
Ewan ko ba. Bakit ba kasi ang dali kong ma-attach. Ang dali naming ma-attach. I'm not generalizing a? Pero ang mga bakla talaga mabilis ma-attach. Kapag binigyan mo sila ng attention kahit kaunti lang, attached na sila sa'yo. Ite-treasure ka na nila. Kaya ang downside, lagi ring nasasaktan. Laging malungkot hindi lang halata because they're wearing smiles and laughter, but under that mask lies a story, a story that they didn't want to tell.
Isa pa, hindi ko naman kailangan maging malungkot dahil sa aking pag-uwi, nagaantay si papa sa akin. Doon ka na lang muna itutuon ang atensyon ko
Buntong hininga. Ayan na lang muna ang mode ng pagpapalabas ko ng stress. Dalawang araw akong nag-enjoy sa company niya pero higit pa sa dalawang araw kong dadalhin ang lungkot. Unfair right?
Hindi na rin ako magpapaalam. Para saan pa? We're not even friends.
Umalis na ako ng hotel, sinabi naman ni Luke sa akin kagabi na wala na akong babayaran.
Naghanap na ako ng masasakyan, may nakita akong jeep, baka may kamay na naman na humawak sa istribo at makipag agawan sa akin ng pwesto kaya pumasok na ako. Ayoko ng maulit yun, kung ibang tao lang din naman ang gaganap, thank you na lang.
Matapos ang ilang oras ng byahe, sa wakas! Finally! Nakauwi na ako. Namiss ko ang amoy ng lugar namin. Namiss ko ang mga batang nagtatakbuhan. Namiss ko ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking mga balat. Na miss ko ang ingay. Ang gulo. Namiss ko lahat.
Charot! Akala mo naman isang taon nawala. Isang araw lang Belle! Nakakaloka ka.
"Papa!" Tumakbo ako at niyakap siya ng mahigpit. Ito totoo na 'to, namiss ko siya at ang buo niyang pagkatao. Kahit mataba si papa ay ayos lang. At least may human stuffed toy ako 'no.
"Anak, pinapatay mo naman ako. Hindi ako makahinga." Nagsorry ako. Grabe na pala ang higpit ng mga yakap ko at hindi ko napansing nasasaktan na pala si papa.
"Namiss lang talaga kita pa." Stating what is true. "Bakit kasi isang beses lang sa isang taon umuwi? Dalas-dalasan niyo naman pa." Request ko.
"Hindi ako ang masusunod anak e. Kung ako lang gusto ko dito para makasama ko na kayo ng mama mo. Kaya nga lang ay may kontrata akong sinusunod. Pasensya ka na."
E ano pa nga ba? "Okay lang pa. Alam ko namang ginagawa mo lang 'to para sa amin"
"Nasaan ang kuya mo?" Tanong ni papa at pinaalala kong nag sundalo si kuya so probably nasa headquarters nila 'yun.
Napasapo sa noo si papa "Ay oo nga pala, nawala sa isip ko." Alibi nito.
"Nakuu, porket nagsolo kayo ni mama kagabi, makakalimutin ka na bigla?" Sabi ko at kiniliti si papa.
Nagharutan lang kami. Kahit hindi sabihin sa akin ni papa na na-miss niya ako, action speaks louder than words naman e. Nakikita ko sa kung paano niya ako sandukan ng sandamakmak na pagkain, kung paano niya ako pagbigyan sa mga simpleng bagay. Minsan talaga hindi mo kailangang sabihin ang lahat ng bagay, minsan ipadama mo lang sapat na. At kay papa, damang-dama ko na namiss niya ako ng bongga.
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Ficção AdolescenteWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...