The mastermind
"Maniwala kayo sa'kin! Kakambal ni tatay ang tinutukoy ng nakakita sa nangyari! Nagkamali kayo ng hinuli!" Matapos kong sabihin 'yun ay tinulak pa rin ako ng lalaki sa binuksan niyang pinto. Nagtaingang kawali sa sinabi ko. Binalanse ko ang sarili habang nakatali para hindi matumba at mabuti na lang ay nagtagumpay ako.
Nakakaasar! Bakit ba ayaw nilang maniwala sa sinasabi ko na may kambal si tatay? Niloloko ko lang daw sila at hindi sila mahuhulog doon.
If only they aren't blinded by their anger, they will consider that angle. But I'm late. Too late. I'm already here.
Lumingon ako at tinulak rin nila papasok si tatay pero hindi tulad ko, hindi siya nakabalanse at natumba sa sahig na may carpet na kakulay ng kanyang balat. "Tatay!" Sigaw ko. Bago pa man nila tuluyang naisara ang pinto, nakita ko muna ang nakangisi nilang pagmumukha.
Those thugs are probably waiting on the other side of that door for our forthcoming conversation with their boss to end so that they'll take care of us soon.
Bumalik ang tingin ko sa malinis na sahig at kay tatay. Lumuhod ako at kahit magkadikit ang dalawang kamay ay dali-dali siyang tinulungan para tumayo.
Kinailangan man ng ilang segundo, nasikap kong alalayan siya para makatayo. Isinukbit ko ang braso niya sa akin para maiwasan ang ano mang pagtumba.
Kung tama nga ang mga 'yon, sana hindi na matapos ang pag-uusap namin sa boss na sinasabi niya na malamang ay tatay ni Tate, para walang balatan ng buhay na magaganap.
Nang masiguro ko ng ayos na si tatay mula sa pagkakatumba, saka lang ako nagkaroon ng pagkakataong ilibot ang paningin ko sa lugar na ito. When I say that this is the complete opposite of the room we were in, I am not exaggerating a bit.
'Di kagaya sa kulungan namin, maraming gamit ang nandito. Sa magkabilang gilid ay shelves na puno ng libro at iba't-ibang aksesorya para mas gumanda pa ang kwarto. Kagaya ng sahig, brown ang kabuuang interior nito na may halong iba pang shades na malapit sa nasabing kulay.
This place is very manly, very formal. It speaks sophistication and it looks expensive.
Sa harap ko ay isang lamesang gawa sa matibay na kahoy, nakapatong dito ang isang telepono, pagkain na sa tingin ko ay steak kasama ang tinidor at kutsilyo pang hiwa dito at ang ibang ispasyo ng lamesa ay okupado ng mga papel. Sa likod naman ng lamesa ang isang swiveling chair na nakatalikod sa amin ngunit nakaharap sa bintana na nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto.
Para kaming basahan na naligaw at nahalo sa mga mamahaling tela.
Pero kung may pinagkapareha ang lugar na 'to sa kulungan kanina... they both lack life.
Kahit gaano kaganda at kalaki ang kwartong ito wala akong maramdamang buhay dito, walang pagsalubong. Baka kasi nandito kami ngayon sa sitwasyon sa pagitan ng buhay o kamatayan but I highly doubt it. May something dito na nagbibigay sa akin ng kakaibang vibe, and it safe to say na ganoon din ang pakiramdam ni tatay.
Tunay ngang wala sa mahal ng gamit ang makakapagbigay ng buhay sa loob ng bahay. A house is not a home simply because it is filled with luxurious things.
Masyado akong na distract sa lugar at saka ko lang naisip na baka nasa upuan na 'yun ang tatay ni Tate. Maybe I can convince him about all of this misunderstanding. Makikinig naman siguro siya sa akin dahil naging parte kami ng buhay ng anak niya. 'Di kagaya ng mga lalaki kanina, hindi naman siguro siya galit kaya matino namin siyang makakausap.
"This is all big misunderstanding, sir." Panimula ko. "Mali ho kayo ng taong nakuha. Hindi po si tatay ang pinuno ng samahang pumatay sa mga tao ninyo. Mahirap man paniwalaan pero kambal po niya ang dapat na nandito. Kahit ang anak niyo po na si Tate kilala si tatay at makakapagpatunay na hindi makakagawa si tatay ng ganung mga bagay." Gumalaw nang bahagya ang upuan, senyales na narinig niya ang sinabi ko. Ngunit nanlaki ang mata ko at biglang lumamig ang temperatura ng aking katawan nang tuluyang umikot paharap sa amin ang upuan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwalang siya!
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Teen FictionWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...