Chapter 40

721 44 2
                                    

Nightmare

Friendship. A ten-letter word with an infinite words and rhyme to describe.

Yan ang hiningi sa akin ni James na ibalik ko sa kanya. I undoubtedly said yes dahil alam ko kung gaano kaimportante ang kaibigan.

Nakapatay na ang ilaw sa kanyang kwarto maliban sa lampshade na nasa tabi ko, nagbibigay ito ng liwanag sapat na para makita ko ang mga bagay malapit sa akin.

Pinagmasdan ko si Luke habang natutulog. Ang amo ng mukha niya kapag ganito napakalayo sa seloso at insecure na Luke. As if namang kaagaw-agaw ako diba?

Hinawi ko ang buhok niyang humaharang sa ibang parte ng kanyang mukha. Gusto ko itong makita ng buo habang nasa ganitong estado. Kalmado. Parang walang problema.

Sa mga nagdaang araw, sobrang daming nangyari sa amin. Mga pangyayaring ni sa panaginip ko'y hindi ko inakala. At makita ko lang siya, worth it lahat ng yun dahil alam kong siya ang uuwian ko.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto niya. Meron namang mini ref si Luke pero gusto rin ng paa kong maglakad-lakad. Hindi naman sobrang dilim, may nakikita pa rin ako kahit papaano, salamat sa mga ilaw na kulay dilaw na nakakalat sa paligid ng bahay.

Dumiretso ako sa kusina at dumako sa malaking ref nila Luke. Sa parte ng bahay na ito wala ng ilaw na pwedeng sumuporta sa akin kaya tanging ilaw lang sa ref ang tanging liwanag. Hindi ko na inabala pa ang sarili na buksan ang ilaw dahil saglit lang naman ako.

Nakalimutan kong kumuha ng baso kayo tinungga ko na lamang ang tubig.

Binalik ko na ang tubig sa ref at nagulat ako nang makita si manang sa likod ng pinto ng ref matapos ko itong isara. Napahawak ako sa dibdib ko nang makita siya.

Buti na lamang at may flashlight itong dala kaya kahit nakasara na ang ref ay maaaninag ko pa rin siya. Kagaya ng dati, suot pa rin niya ang mukhang kahit na sinong makakakita'y tiyak matatakot sa tapang nito.

"Akala ko magnanakaw na." Bungad niya nang may diin sa salitang magnanakaw.

Hindi na ako sumagot. Pag inom lang ang pakay ko dito at wala ng iba. Akala siguro niya nakalimutan ko na ang sinabi niya sa akin.

Dinaanan ko lang siya ngunit nagsalita pa ito, "hindi ka bagay sa lugar na ito. Lalong-lalo na kay Luke. 'Wag mo ng ipilit ang pagmamahalan niyo." Sabi nito. Wala siyang 'sir' o ano man lang na dinudugtong kay Luke. Matagal na nga itong katiwala ng bahay. Huminto ako at inikot ang mata as if naman makikita niya.

"Bakit ba ayaw niyo sa akin?" Tanong ko pero hindi ako tumingin sa kanya kung hindi sa madilim na parte ng bahay na dadaanan ko.

"Una, langit siya at lupa ko..." Oh my god! Sobrang luma na niyan. "Pangalawa, hindi mo pa siya lubusang kilala at masasaktan ka lang kung ipagpapatuloy mo ito. Pangatlo... labag sa batas ng diyos ang pagmamahalan ninyo." Nagpantig ang tainga ko sa huli niyang sinabi kaya nilingon ko siya kita pa rin ang mukha niyang pasan ang mundo.

"Hindi ho ba't labag rin sa batas ng diyos kamuhian ang kapwa? Siguro ang lungkot ng buhay mo kaya naghahanap ka ng karamay. Masaya ho kami ni Luke... sana kayo rin."

Tinalikuran ko siya at naglakad papalayo sa kanya.

"Sabihin mo yan sa tatay niya... bukas." Ang huli kong narinig bago ako tuluyang umakyat sa kwarto.

Nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko pinahalata sa kanya, hindi niya deserve. Paano kung hindi pala tanggap ng tatay niya ang relasyon namin kagaya ni manang? Paghihiwalayin niya rin ba kami? Ang dami kong tanong habang umaakyat ako papunta sa kwarto ni Luke. Paano kung tutol talaga siya sa amin? Magiging taga-hanga pa rin ba niya ako?

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon