First conversation
"Ma'am Santos! Wait sandali lang... ma'am 'di ba hindi naman ho totoo ang sinasabi ng lalaki na 'yun na siya daw ang bago naming boss? Hindi naman ibig sabihin nito na aalis ka na?" Wika ko habang sinusundan siyang maglakad. Patakbo na ang ginagawa ko. Bakit ba napakabilis maglakad nito?
"Belle. He's your boss now but I'm going to stay, I'm not going anywhere. Saka na natin 'to pag-usapan. You have to meet our client first, siya muna ang alalahanin mo. Follow me." Arg! Ibig sabihin ba nito na araw-araw ko na siyang makikita?
Hindi pwede 'yun! E kung lumipat na lang kaya ako? Hindi rin pwede, I've earned my spot here. At hindi ko hahayaan na mawawala lang basta-basta 'yun at isa pa napamahal na ako sa lugar na 'to. Ugh! Bakit ba kasi kailangan maging ganito kahirap?
Hindi ba pwedeng paggising lang ng maaga at maaarteng kliyente lang ang maging problema ko?
Binuksan na ni ma'am Santos ang pinto ng kwarto at sumunod ako sa kanya, siyang kwarto kung saan ginanap ang huli kong presentation. Wala pang tao maliban sa amin, may panahon pa para maghanda.
Hindi rin nagtagal ay pumasok na si Luke, este Mr. Beaun sa kwarto kasama ang sa tingin ko'y kliyente namin. Tumayo kami ni ma'am para pormal na magpakilala at magkamayan.
Magandang babae na nasa edad 40 ang nagpakilalang Ms. Helen na siyang kliyente namin. 'Helen' ang brand name ng cosmetic line niya na, obviously ipinangalan sa kanya, sila ay nago-offer ng samu't-saring cosmetic products.
"I heard from my associates that you're good. So I'm taking my bets on you, because this is big." Sabi ni Ms. Helen bago umupo.
Nasa dulo ng mahabang table si Luke... Mr. Beaun na nagbabasa ng kung ano habang dinudutdut sa labi ang ballpen na hawak. "Shall we?" Sabi niya at tumingin sa akin.
Bumilis bigla ang kabog ng dibdib ko. Belle! Kumalma ka, diyos ko! You need to focus. Si Luke lang 'yan, nakita mo na ang lahat diyan... but it's been five years, there must be some improvement. Belle! Stop na!
"Ah, right. So before we start we wanted to know exactly what you want. Do you already have an idea or completely nothing? Either way, it's fine." Panimula ko.
"As you all know, noh. Na ang Helen cosmetics ay isang high end line..." tumango ako sa sinabi niya. I couldn't agree more. Napakamahal ng mga make up nila! "But we want to expand our market, gagawin na rin namin 'tong appealing to general mass."
"Pang-masa. Gusto niyong i-cater ang mga ordinaryong pilipino?" Paglilinaw ko.
"Precisely." Sagot niya.
Tiningnan ko si Mr. Beaun na nahuli kong nakatitig sa akin pero inalis ang tingin the moment na nagtama ang mga mata namin.
That's probably nothing. 'Wag mo ng bigyan ng meaning.
"Do you have any idea in mind on how we sell this to the public?" Sabi pa ni Ms. Helen.
"O-of course, we have. We just need time to think." Sagot ko.
"But I need your ideas right now. Dapat may bitbit na ako pagbalik sa company ko." Pagpipilit niya.
May mga ganito talagang kliyente. Yung iinisin ka sa pagmamadali na akala mo naman computer sa bilis ang mga utak namin.
Pero ngumiti na lang ako para maitago ang tunay kong nararamdaman. Think hard but don't think long ika nga nila.
Okay, Belle. You have to think something that'll buy you some time.
"Ahm..." Think bitch. "So..." Use your brain! "Ah-our..."
"Ms. Helen." Hindi na ako pinatapos ni Luke at sumingit na ito. Hinawakan pa niya ang kamay ng babae at halatang kinikilig ito. "This is kind of fast. Let's give that man a time to ponder and while he do that, let's have a dinner. My treat. And then you'll have your advertisement after our dinner. What do you think?"
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Подростковая литератураWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...