Turn over a new leaf
Nasa isa akong malawak na disyerto. Lahat ng naaabot ng aking paningin ay puro buhangin. Ngunit kulay ginto ang mga ito na lalong tumitingkad dala ng sikat ng mainit na araw.
Mag-isa lang ako. At patuloy lang sa paglalakad. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta, pero sige lang.
Araw. Linggo. Taon. Dekada.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal naglalakad papunta sa hindi ko pa malamang destinasyon.
Gusto ko ng mamatay, pero hindi ko magawa. Kahit nagugutom at nanunuyot na ang lalamunan ko, ito pa rin ako't buhay. Para bang ipinaparamdam lang sa akin kung paano ba mamatay habang patuloy na nabubuhay. Pinaparusahan ako.
Ito na ba ang bersyon ko ng impyerno?
Tumigil ako't lumuhod. Tumingin sa langit nang may kamay na pangharang sa sinag ng araw.
Pinilit kong titigan ang araw at ang kaninang dilaw na kulay nito ay unti-unting nagiging puti.
Kumurap ako para makasigurado at pagmulat kong muli, ang dating dilaw na araw ay naging isang ilaw na lamang sa kisame ng isang gusali.
Wala akong naririnig kung hindi isang makina. Pamilyar ang tunog nito dahil sa mga napapanood ko sa mga palabas. Mino-monitor nito ang kalagayan ko. Pamilyar rin ang amoy ng lugar. Naamoy ko na ito noong isang linggo akong nilagnat. Tiningnan ko ang mga kamay ko, may mga nakatusok dito na konektado sa nasabing makina. May kung anong tubo rin ang nakasapak sa aking ilong. Hindi ako pwedeng magkamali, ang amoy, ang tunog, ang mga aparato, nasa ospital ako.
Sinubukan kong bumangon ngunit sumakit bigla ang aking tiyan at bandang dibdib. Naaalala ko na, nabaril ako.
Hindi ko na sinubukan pang tingnan ang lagay ng aking sugat. Sigurado akong nakabenda ito ngayon.
Nang sandaling tatanungin ko na sana ang sarili kung bakit walang tao dito, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tate.
"Gising ka na!" Masaya siyang nakita akong buhay. Sana ganoon din ang nararamdaman ko. "Tatawagin ko lang ang mama mo."
"S-sandali." Pagpigil ko sa kanya.
Huminto ito sa pagbukas ng pinto, lumapit at umupo sa aking tabi. "Gaano na ako katagal dito?"
"Tatlong linggo."
"Nasaan ako?"
"Nasa ospital ka. Dito sa inyo." Magaan at kalmado ang boses ni Tate, malayong-malayo sa kilala ko. Alam kong ginagawa niya 'yon dahil sa kalagayan ko ngayon.
Pumikit ako para intindihin ang sinabing nangyari sa akin. "Tatlong linggo na akong nandito sa ospital at base sa sinabi mo kanina, alam na ng mama ko ang nangyari sa akin?" Tumango siya.
"Ang minahan. Anong nangyari sa minahan?"
Hinaplos ni Tate ang braso ko. "'Wag mo na munang isipin 'yon. Magpagaling ka muna."
"Please, Tate sabihin mo na sa akin. Mas gagaan ang pakiramdam ko kung alam ko. Kaya kong i-handle ang sasabihin mo, hindi na ako bata."
Lumunok ng laway si Tate bago magsalita at ngumiti. "Okay, sige." Sabi niya at inayos nang kaunti ang pagkakaupo tsaka nagpatuloy. "Nagkaroon ng pag-aalsa sa lugar. Maraming namatay, pero karamihan doon ay galing sa minahan. Ayoko lang sabihin pa sa'yo dahil gusto kong magpagaling ka muna."
"I can take that." Sabi ko at ngumisi.
"Isa pa, itinigil na ang operasyon ng minahan, nakakulong na rin lahat ng may kinalaman doon. Malaya na sila, Belle." Lahat. Ibig sabihin pati ang tatay niya'y nakakulong na ngayon?
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Novela JuvenilWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...