Chapter 30

845 50 1
                                    

Resolving cases

A month passed. Linggo ngayon which is free day, gala day, rest day.

Pagkatapos ng konprontasyon na nangyari, hindi pa pumapasok si Marsha. Magiging masama para sa kanya ito dahil graduating na kami. Hindi na niya naipapasa ang mga requirements ng iba't-ibang subject at hindi siya nagpaparamdam, ni post sa facebook wala. Sinabi ng adviser namin na kakausapin niya daw ito ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.

Kaya kinabahan na ako. Kahit na masakit ang ginawa niya sa akin, hindi ko naman hahayaan na maging dahilan yun para maging masamang tao at mawalan ng pake sa kanya. After all, ginawa niya lang yun dahil ayun ang akala niyang makakabuti para sa kanya.

Kaya kahit linggo ngayon at may date pa kami mamaya ni Luke, kailangan kong pumunta sa bahay ni Marsha na tinanong ko pa sa secretary namin kung saan. Kailangan naming mag-usap dahil baka ito ang makatulong sa kanya. We need to resolve this once and for all. Para matahimik na ako at matahimik na rin siya.

Aayusin ko na ang lahat. Kung magagalit lang ako sa kanya, hindi matatapos 'to. I'll lower my pride. At sana pagkatapos ng pag-uusap namin okay na.

Nandito na ako sa sinabing address ng aming secretary. Ang bongga naman ni Marsha at sa subdivision nakatira. Yayamanin naman pala 'to bakit sa school pa namin nag-aral? Well, malapit lang naman kasi sa school itong bahay niya at ayos lang naman ang school namin kaya siguro pinili niyang dun mag-aral. Did I just answer my question? Kaloka.

Kinausap ko ang guard na bibisita lang ako sa kaibigan ko. Agad naman nila akong pinapasok. Buti na lang at hindi mahigpit ang mga gwardya rito.

Naglakad pa ako ng kaunti sa tahimik na subdivision na ito bago ako makarating sa bahay ni Marsha.

Nakatayo na ako sa bahay na sinasabi sa address. Pumikit ako at huminga ng malalim. This is it. Kailangan na itong matapos. Para sa kanya at most especially para sa akin.

Pinundot ko ang doorbell na aking nakita. Pagkatapos nito ay narinig ko kaagad ang yapak ng paa mula sa bahay. Binuksan niya ito. Isang babae na sa tingin ko'y nasa singkwenta na.

"Ay magandang tanghali po sa inyo. Gusto ko lang po sanang kamustahin si Marsha." Pagbati ko sa kanya.

"Ay nako iho, tara at pumarine ka." Pag-aanyaya niya. Pumasok naman ako at sinara niya ang gate pagkatapos.

"Buti na lang at may bisita ang alaga ko. Lagi siyang malungkot at walang ganang kumain." Wika niya habang papasok kami sa bahay. Huminto siya sa tapat ng pinto at nagtanong. "Ano ka nga niya?"

"Kaklase ho niya ako." Mabilis at nakangiti kong sagot. "Sa katunayan ho niyan e ilang buwan na po siyang hindi pumapasok. Makakasama po yun sa kanya ngayon pa't graduating na po kami." Dagdag ko.

"Ayan nga ang sinasabi ko sa kanya na pumasok siya pero ayaw daw niya. Para san pa nga ba daw? Naaawa na ako diyan sa alaga kong yan." Base sa pananalita niya at tawag niya kay Marsha mukhang kasambahay ito.

"Nasaan po ang mga magulang niya?" Hindi ko maiwasang itanong.

"Hiwalay. Hiwalay ang magulang nila pero nasa poder siya ng kanyang ina na nasa ibang bansa. Tahimik lang yan si Marsha pero alam kong nangungulila yan sa pagmamahal ng isang ina."

Pumasok na kami matapos ang mahaba-habang usapan.

Pinaakyat na ako ni nanay sa kwarto ni Marsha dahil sinabi kong kaibigan ko siya at matagal na kaming magkakilala.

Kinatok ko ang pinto. Walang sumagot.

Inulit ko. Wala pa rin.

Kumatok ulit ako sa pangatlong pagkakataon. "Manang, wala nga ho akong ganang kumain, bababa na lang ako kung gusto ko."

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon