Chapter 6

1.8K 101 7
                                    

Fear

Action speaks louder than words.

Gasgas na kung tawagin. Paulit-ulit na parang sirang plaka kung naririnig. Pero kahit gaano kasakit sa tainga dahil paulit-ulit, ito ang motto ko in life.

When I was my younger self, that's the first quote that I memorized ang retained in my mind since I always hear it from anyone. Dahil ito ang nakagisnan kong kasabihan, naniwala ako sa bawat salitang pinahihiwatig nito. Na kahit hindi sabihin verbally sa'yo ng isang tao ang gusto niyang ipabatid, basta't maipadama niya'y okay na. Makukuha mo na agad ang mensahe. Maiintindihan mo na kaagad ang gusto nitong sabihin sa'yo.

Pero ngayon, hindi pala sa lahat ng pagkakataon naa-apply ang quotation na ito. Actions without words are frustrating. Nakakalito rin kung hindi sasabihin. Magmumukha ka palang assuming. Been there, diba nga kay Archie? Akala ko lahat-lahat ng kinikilos niya ay iisa lang ang ibig sabihin, na may gusto rin siya sa akin. Pero diba? Mali ako. Mali lahat ng akala ko.

At nauulit na naman lahat ng ito kay Luke. Ayoko mang mag-assume pero base sa mga kilos niya maghihinala ka naman talaga. Na traydor siya. Traydor siya dahil kaibigan niya ako kapag kaharap ko siya pero crush niya pala ako ng palihim. Patalikod tumira grabe. Charot!

Paano ba naman kasi ako hindi aasa niyan? Hinawakan niya ang kamay ko at pinag-intertwine pa ito. Tumatakbo kami ngayon dahil ako naman ang nagpasimuno nito at wala akong nakikita kung hindi ang mukha niyang nakangiti at tila nagugustuhan ang nangyayari. Ang lahat maliban sa kanya ay blurred na, parang DSLR na sa kanya lang naka-focus ang lens.

Parang bumagal ang mundo, slow motion ata ang tawag dito. Ang paggalaw ng mga paa namin (kahit mas mahaba ang biyas niya ng di-hamak sa akin), ang pagtalbog ng buhok niya at ang unti-unti nitong pagyuko para makita ako at mabigyan ako ng ngiti, ngiting nakangangatog. Lahat mabagal. Parang sinasabi sa akin ng mundo na lasapin ko ang mga ganitong pangyayari.

Mabagal na nga, wala pa akong naririnig. Ang mabilis lang na pagtibok ng puso ko ang tanging nasasagap ng tainga ko. Nakakatakot sa lakas dahil baka marinig niya at baka may bago na naman siyang pangasar sa akin. Pero ayos lang kung ganon. Nagugustuhan ko na kasi ang pangungulit na ginagawa niya.

Sabi daw nila, particularly sa mga pelikulang napapanood ko. Kapag nag slowmo ang lahat dahil sa isang tao, malamang sa malamang ay siya na ang binigay sa'yo ng diyos.

Sana nga. Sana.

Naiinis ako sa sarili ko dahil napakalandi ko kung tutuusin. Nagpakita lang ng kaunting ka-sweetan kumakagat na ako. Pero masisisi niyo ba ako? Bakla ako. Minsanan lang 'to. Kaya go lang ng go at i-grab ang opportunity.

Masaya ako sa mga panahong nakasama ko si Archie, pero may isasaya pa pala ako sa piling ni Luke. Love indeed is like a rosary full of mystery.

Pero love na ba 'tong nararamdaman ko? Yung slow motion, yung pagkabingi ko at heartbeat ko lang ang naririnig ko, yung sayang dulot niya. Pag-ibig na ba 'to? Ay ewan.

It doesn't matter. Basta masaya ako. That's it. Masyado pa akong bata para isipin ang mga bagay-bagay. Siguro crush. Crush ko lang siya.

Enjoy Belle! Mahaba-habang byahe pa ang lalakbayin mo.

"Are you alright? Kanina ka pa tulala diyan." Nagising ako sa ulirat ng magsalita si Luke. Kanina pa pala akong nakatanga dito at nakatulala lang. Nakakahiya naman.

"Ah, oo. Medyo napagod lang ako sa kakatakbo natin." Alibi ko.

"You know, you should go to gym or at least work out. Ang konti lang kaya ng tinakbo natin. I'll go with you." Bakit ba siya nangingialam? E sa napagod ako e.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon