Chapter 37

730 42 0
                                    

Make Up Sex

[Warning: There are explicit scene]

Alam ko, mabilis. Isang araw lang napatawad ko na agad siya. Pero bakit ko pa patatagalin? I wouldn't waste another day letting my pride lead my system knowing that I could spend it happier with him and... wilder.

After that kiss, hinatak ako ng mapupula niyang labi papunta sa kotse nito at napagpasiyahang 'wag na munang umuwi.

"Come with me." He said. For all I know that smirk has a meaning than it should be.

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad patungo sa kotse.

"Saan?" Kahit alam naming pareho na kahit saan sasama ako, tinanong ko pa rin.

"At my house. Your house."

As much as I'm happy, naguluhan ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Nakangiti pa rin ako kahit nalilito.

"My property is yours too, that's why. Come." Sabi niya na parang wala lang sa kanya na binibigyan niya ako ng karapatan sa mga pag-aari niya.

Hindi na lang ako sumagot at sumakay papunta sa bahay ni Luke. This should be illegal, hindi pa ako nakakapag paalam but how can I resist? Marupok ako at ganito pa siya kagaling humalik.

Buong byahe hawak niya ang kaliwang kamay ko at paminsan-minsa'y hinahalikan ito. Hindi ko alam kung paano niya kinakayang magpatakbo ng sasakyan habang hawak ang kamay ko pero hindi pa naman kami bumabangga para pigilan siya. Isa pa gusto ko naman.

Napansin kong hindi ito ang rutang madalas niyang dinadaanan kapag pupunta sa bahay niya. Oo nga't may tiwala ako sa kanya pero hindi ko pa rin maiwasang magtanong.

"Ibang way ata 'tong dinadaanan natin." Pagpapaalala ko sa kanya, just in case na hindi niya alam.

"This is the right way. Trust me." Wika niya. Tumingin siya sa akin at hinalikan ulit ang kamay ko.

Kagaya ng sinabi niya, pinagkatiwalaan ko na lang siya at hinayaang magpatakbo ng sasakyan. Ilang sandali pa ay nandito na kami sa isang gate ng subdivision. Binuksan niya ang bintana sa guard house at mabilis siyang pinapasok.

Paglagpas namin sa gate, unang tumambad sa akin ang malaking bahay este masyon na kulay yellow gold na pinaiilaw ng mga bumbilya sa loob at labas ng mansyon. Pero hindi ito ang bahay ni Luke dahil dinaanan lang namin ito.

Sumunod kong nakita ang isa pang bahay na parehas lang rin ang laki at kaelgante rin nito. Napansin kong malalaki ang agwat ng mga bahay sa isa't-isa.

Habang patuloy na umaandar ang kotse ni Luke mas marami kaming bahay na nadadaanan na talaga namang kay lalaki at mukhang matitibay.

Pagkatapos madaanan ang ilang bahay, lumiko siya pakanan at dalawang  bahay mula roon pinasok ni Luke ang sasakyan sa isang malaking paradahan sa loob ng isang malaking gate na kusang bumubukas.

Hindi ako makapagsalita dahil pinagmamasdan ko lang ang parte ng bahay na natatanaw ko rito sa loob ng kotse.

"We're here." Wika niya.

Literal na nagwawala na ako sa loob ko dahil sobrang ganda nito kahit sa labas pa lang!

"A-akala ko ba bahay mo?" Nagtataka kong tanong dahil ang alam kong bahay niya ay ang condo na madalas kong pinupuntahan noon.

Ngumiti siya. "Oo nga. Ito nga ang bahay ko... natin."

Nakita niyang nakakunot ang noo ko. Ni isang bahagi ng bahay na 'to wala akong naiambag, kaya paanong 'natin'?

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon