Chapter 69

574 35 1
                                    

Church

We almost had sex. And we did it in his office. In working hours.

Papunta na kami doon pero biglang may pumasok sa isip ko.

"What's wrong?" Tanong niya nang tumigil ako sa pagbukas ng zipper ng slacks niya.

'Kabit na ba ako?' I asked myself.

Oo, sobrang hot niya ngayong tingnan sa suot niyang polo na nakabukas lahat ang butones. Nakakatukso talaga ang katawan niyang pinagpapawisan na kahit malakas ang aircon dito sa office. Pero tama ba 'to na nakapatong ako sa kanya habang nakaupo siya sa swiveling chair? Almost naked? Knowing na may girlfriend siya?

Ikakasal na siya!

Umalis ako sa ibabaw niya at nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Luke. Sinara ko ang mga butones sa polo ko at inayos ang kwelyo nito.

"This is wrong. Hindi dapat natin ginagawa 'to." Sabi ko at inayos ang nagulong buhok.

Ilang segundo siyang hindi umimik bago sabihing, "Yeah. You're right."

Nang masiguro kong maayos na ang itsura ko, lumabas ako sa office niya nang hindi nagpapaalam.

"Ano sinabi niya? Bakit ang tagal niyo dun?" Sabi ni Matthew nang makarating ako sa table ko.

"Kagaya lang dati. Sa jewelry line niya." Nakita kong hindi kumbinsido si Matthew sa sagot ko. Pero hindi ko na lang siya binigyang pansin.

Maya-maya nakita ko si Luke na lumabas sa office niya at saktong pagdating ni Lara. Ngiting-ngiti itong bumati kay Luke na lagi niyang ginagawa bago siya halikan sa pisngi. 

"Oh, baka matunaw 'yan." Ani Matthew.

Inilipat ko ang tingin sa computer at saka sumagot. "Magtrabaho ka nga dun! Hindi ka pinapasweldo para makipagchismisan."

Natawa naman si Matthew sa sinabi ko. "Opo boss. Babalik na ho." Wika niya nang taas kamay.

Ako nama'y minonitor sa computer ang audience at response ng mga tao sa ads ng previous clients namin. Mukhang maganda ang pagtanggap ng mga tao dito.

Mabilis na tumakbo ang oras at gabi na. Umalis kaagad ako sa building dahil hindi na ako komportable sa lugar na 'to. This place makes me feel like I'm a whore.

Nagpaalam ako sa guard at sinuklian naman niya 'to ng isang ngiti.

"Belle! Sandali, antayin mo nga ako." Sigaw ni Matthew. Huminto ako sa paglalakad para sundin siya. "Bakit ba nagmamadali ka?" Tanong niya nang mahabol ako.

Hindi ako sumagot. Ayoko namang sabihin sa kanya na muntikan ng may mangyari sa amin ni Luke sa lugar na 'yan habang alam kong nakatali na siya sa iba.

"Feel free to tell whenever you're ready." Nakangiti niyang sabi. Pero alam kong sinasaktan ko siya kapag naglilihim ako sa kanya.

Sabay naming nilakad ang daan papalayo sa agency nang may sasakyang huminto sa harap namin.

Bumukas ang bintana nito at hindi na ako nagulat na siya ang nagmamaneho dahil mamahalin ang sasakyang 'to.

"Let's go."

Nagkatinginan kami ni Matthew at pareho kaming naguluhan sa sinabi niya.

"I said, come here. Ako ang susundo sa'yo." Madiin na sabi ni Luke.

"Just like when we were high school." Bulong ni Matthew. Nakapamulsa na ito ngayon. Halatang inip. Inaantay ang sagot ko.

"Ah-thank you sir. But I'm with him already." Pinagpatuloy na namin ang paglalakad.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon