Difference
"Ahhh!" Narinig kong sigaw ni Luke.
Tumayo na ako sa pagkakaupo at tinigil ang pagtingin ng magazine na siya ang cover dahil sa pagkagising nito.
Nakita ko siyang minamasahe ang ulo at halatang may hang over pa sa kahangalang ginawa niya.
Inom-inom hindi naman pala kaya.
"Hala sige! Inom pa!" Gigil kong sabi.
'Wag niya akong inaano dahil hindi ako nakapasok dahil sa kagagawan niya.
"Ang sweet naman ng good morning mo. Arggh." Wika niya habang patuloy paring minamasahe ang ulo. Sumakit na naman ang ulo niya at napapikit sa naramdaman.
Naawa naman ako sa kalagayan niya. Buti na lang talaga girl scout ako. Nako! Gumawa ako ng smoothie na pampatanggal hang over.
"Sandali. Steady ka lang diyan. May kukunin lang ako."
Umalis muna ako sa kwarto niya at pumunta sa sala ng condo nito at kinuha ang smoothie na fresh pa sa pagkakagawa sa blender at nilagay sa isang babasaging baso.
Bumalik na ako at binigay na sa kanya "Oh! Sa susunod kasi 'wag ng iinon ng bongga."
"Nandyan ka naman e." Tugon nito. Aba! So parang ako pa talaga ang nagudyok sa kanya na uminom ng pagkarami-rami a?
"Oo at buti na lang wala kang ibang babaeng binanggit nung lasing ka dahil kung nagawa mo yun ay ewan ko na lang."
"You're the only thing that's in my mind. That's why you have nothing to worry about." Mukha namang okay na siya dahil in-english ako e.
Pinapanood ko lang siyang ubusin ang smoothie na may honey. Sabi daw kasi ayun ang best pampatanggal ng hang over. Nakikita ko ang adam's apple nitong nagtaas-baba ng lunukin niya ang smoothie. Hot talaga ng kumag kahit kailan.
"Wait. Paano tayo nakapunta dito? Nag-drive ka?!" Tanong niya.
At kwinento ko sa kanya, detailed by detailed...
...muntik ko lang naman maisuko ang Bataan kay Luke ng hindi pa nagiging kami. Buti na lang rin at kahit papaano ay nakatulog siya. Nag-iisip na ako kung paano kami makakauwi nitong si Luke. Ayoko namang iwan siya kanila James dahil walang mag-aasikaso sa kanya dahil lasing din yung mga yun.
Chinat ko si Archie at sinabing sunduin kami sa sinabi kong address ng lugar.
At buti na lang may kotse rin siya kaya hindi siya masyadong natagalan.
"Anong nangyari diyan?" Tanong ni Archie.
"Lasing. Uminom. Hindi kinaya. Kaya ayan! Bagsak!" Napatango na lang si Archie at tinulungan akong buhatin si Luke palabas ng kotse niya at papunta naman sa kotse ni Archie.
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Teen FictionWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...