Chapter 15

1.2K 64 46
                                    

Bravery

It's been two weeks pero hindi pa rin nagpaparamdam si Luke sa akin. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko namimiss ang pagiging clingy niya at kakulitan niya.

Syempre hinahanap-hanap ko 'no! Tinatanong pa ba yan?

Ang galing talaga magpamiss ng demonyo.

Nagpaload ako para sa kanya. Alam ba niya yun? Pero hindi niya sinasagot ang ang mga tawag ko ni texts. Galing!

"As I was saying, the household buys and the firms sell..." Nagtuturo pala si Ms. Castro. Yung nagasikaso sa amin sa enrollment. Yung G na G sa amin. Oo siya yun.

Teacher namin siya sa economics at ang saya lang dahil kung sa amin ni Antoinette galit na galit siya, siya namang pagkawili niya kay Matthew.

"Hoy Belle. Hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung bakit ka um-absent ng nakaraan." Dalawang linggo na niyang tinatanong sa akin. Ayaw ko namang sabihin ang dahilan. Paano ko naman ipapaliwanag ang nangyari sa akin? Sabibihin ko na muntikan ko ng maibigay ang virginity ko kay Luke na kapangalan niya at nagpalipas ako ng gabi sa condo nito kaya di ako nakapasok. Ganern? Hindi naman kami ganoon kaclose para sabihin sa kanya yun.

It's better to keep my mouth shut.

"Sumakit kasi ulo ko nun."

"Weh? Ganyang mukha, sumasakit ulo? Hindi ako naniniwala."

"Oh edi wag kang maniwala." Tanong-tanong siya hindi naman niya paniniwalaan.

Kanina pa nagsasalita si Ms. Castro pero hindi ko talaga maintindihan ang subject niya kahit anong pilit ko. Lahat ng brain cells ko pinakiusapan ko na. Pero wala pa rin talaga.

Isa siguro sa dahilan kung bakit ayaw sa amin ni ma'am ay dahil nga sa kabobohang taglay namin ni Antoinette.

"Pst. Tonette, naiintindihan mo si ma'am?" Tanong ko sa kanya habang nagsusulat siya.

"Hindi nga sis e. Mas mahirap pa kayang intindihin si Ms. Castro kesa sa boyfriend ko."

Nagtawanan naman kami ng mahina ni Antoinette. Kaloka.

"Eh ano yang sinusulat mo?"

I was expecting na notes ang makikita ko pero pangalan pala ni Francis sa likod ng notebook niya na may iba't-ibang font ang nakita ko. Iba talaga 'to.

Sabi ni ma'am magpapatest daw siya patungkol dito. Paano yan? Hindi namin alam mga pinagsasasabi niya.

Ayaw ko namang bumagsak. Graduating na ako at lilipad na patungong college. Gusto ko malinis ang mga grades ko at walang palakol.

Kaya lalakasan ko na ang loob kong magtanong. Lumunok muna ako at saka nagtaas ng kamay.

"Ah ma'am! Pwede po bang paulit? Hindi po kasi namin na-gets."

"As expected, Venille. Kahit ilang beses kong ulitin, hindi mo pa rin maiintindihan yan. Sasayangin mo lang ang laway ko!" Napaka-judgemental naman ng teacher na 'to.

"Ay grabe siya o."

'Wag na siyang magtaka kung bakit may mga estudyante na nahihiyang magtaas ng kamay. Hindi ba niya alam na it takes courage para magtanong tapos gaganunin niya lang. Kaya hindi ko rin masisisi ang mga estudyanteng nahihiyang magtanong kahit hindi nakuha ang lesson dahil instead of learning ang nakuha nila; humiliation ang abot.

Pinagpatuloy na ni ma'am ang pagtuturo at may sinulat na kung ano mang linya sa blackboard. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit galit sa amin si ma'am.

Kaya nga nag-aaral para matuto, hindi siguro na-orient si Ms. Castro dun.

Hindi na ako nakinig. Para saan pa? Hindi ko naman naintidihan yung nauna niyang tinuro paano pa kaya yang mga pinagsusulat niya diyan sa blackboard.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon