The engagement
"Nakakainis talaga 'yang Luke Beaun na 'yan!" Sumbong ko kay Antoinette. Dumalaw ako sa kanila at ilang araw pa lang, pudpod na ang nail polish na nilagay niya noong huli kong punta. Mahirap talaga maging housewife.
"Wait, wait, wait! So ang sinasabi mo kanina na si Luke... si Luke na ex mo ang bago mong boss?!" Pangatlong beses na niyang tanong.
"Oo nga! At sobrang yabang, masama ang ugali, antipatiko at gwapo... sinabi ko bang gwapo?"
"Ahhhhh! Kinikilig ako! Ang lakas maka-teleserye. Alam mo tadhana na ang naglalapit sa inyo."
"Tadhana ka diyan. Kasakiman kamo! Lahat ata ng thriving company gusto niyang bilhin." Ito rin kasing si ma'am Santos, pumayag na ibenta ang advertising agency niya. Saan ba niya kakailanganin ang pera? "At tsaka hindi na tayo bata para maniwala pa sa tadhana na 'yan."
"Bakit naman galit na galit ka diyan?" Tanong niya sa akin.
"Siya kasi 'tong may lakas ng loob magmaldito sa akin, e siya naman 'tong nanloko!"
"Ano namang ginagawa mo?"
"Wala." Mahina kong sagot dahil nahihiya rin ako na wala akong magawa sa tuwing minamaliit niya ako.
"Hindi ganyan ang kilala kong Belle! Nasaan na ang palaban kong best friend?!" I'm afraid he's gone.
"Hindi naman kasi ganoon kadali yun. Kung ako lang sasampalin ko ang napaka perfect niyang mukha. Pero kasi boss ko siya, ano ba?"
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Antoinette kung nasaan kami at iniluwa si Francis na may dala-dalang pagkain.
"Good afternoon! Para sa amin ba 'yan?" Bumangon ako sa kama para makipagbeso kay Francis. Ayoko sa kanya dati dahil basagulero siya and all pero nakita ko ang pagbabago nito at kung paano niya alagaan si Antoinette kaya kinalaunan ay nakita ko na rin ang mga nakita ni Antoinette sa kanya.
"Syempre! Hindi mo naman sinabing bibisita ka sana naghanda ako ng mas maraming pagkain." Sagot niya at inabot ang hawak na mangkok na puno ng samu't-saring prutas na hugis cubes.
Dahan-dahan naman siyang lumapit sa nakahigang si Antoinette na may malanding tingin kay Francis. And I'm assuming na ganoon din kalagkit ang tingin sa kanya ng lalaki. Nang maglapit ay naghalikan ang dalawa sa harap ko.
"Guys nandito pa ako! Respeto!" Sigaw ko sa kanila. Babastos ng mga 'to sa harap ko pa talaga. Tumigil sila pero nakatitig pa rin ang dalawa sa isa't-isa. "O siya, mauuna na ako. Papasok pa ako. Dadaan muna ako sa bagong coffee shop diyan malapit sa trabaho ko."
"Hindi ba masyado ng late para magkape?" Tanong ni Antoinette.
"Walang pinipiling oras ang pagkakape kaya manahimik ka diyan. Bye na! Baka ma-late pa ako at para walang sagabal sa kung ano man 'yang gagawin niyo."
Niyakap ko sila at tsaka lumabas. Buti na lang at hindi maaga ang pasok ko ngayon. Binigyan ako ni ma'am ng reward which is allowing me na tanghali na pumasok dahil nga dalawang proposal na ang na-approved sa akin. Nakiusap pa siya kay Luke para lang doon. Paepal talaga 'yon buti pumayag.
Kagaya nga ng sinabi ko kanina, dumaan muna ako sa coffee shop.
Binuksan ko ang pinto at tumunog ang maliit na bell sa taas ng pinto. Mabilis akong naglakad papuntang counter. Mabuti na lang at walang masyadong nakapila kapag ganitong oras.
"Good afternoon! What can I do for you?" Tanong ng barista na may pangalang Russ ayon sa kanyang name tag.
"Good afternoon. Can I have..."
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Teen FictionWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...