Chapter 65

521 35 5
                                    

Drop the client

"No." Ang sinabi ko matapos buksan ang pinto ng office niya.

"Sorry?" Nakatingin lang ito sa mga papel na binabasa niya.

"Sabi ko, no. Ayokong maging parte ng itatayo niyong luxurious jewelry shop." Desidido kong sagot.

Pauwi na ako pero dumaan muna sa opisina niya para sabihin ang gusto ko, na hindi ko nagawa kanina dahil masyadong maamo ang mukha ni Lara para tanggihan siya.

Masyado siyang mabait para makitang malungkot. Kaya doon ko na lang sa fiancé niya sasabihin.

"I don't think you understand. I am your boss and you'll do as I told." Nakatingin na siya ngayon sa akin. Sinubukan kong makipagtitigan pero ako rin ang unang kumalas.

"Paano kung ayoko?"

"Then you're fired." Madiin nitong sagot at bumalik ulit sa ginagawa. Mukhang hindi siya interesadong makausap ako.

"Okay so let's compromise, I'll be part of the project but I won't be the head. So para hin---"

"No!" Sigaw niya. "Sino ka ba sa tingin mo't akala mo pwede kang magrequest sa akin? You will lead. Just like what Lara said. Tapos." Yumuko na lang ako at nag-bow nang kaunti bago lumabas ng opisina niya.

I thought we made some progress. I wasn't expecting anything but a little bit of kindness after our talk would do.

But Luke is Luke, after all. Nakita ko na kung paano niya tratuhin ang mga nagtatrabaho sa kanya.

Binuksan ko ang elevator at pumasok doon.

"Empleyado na nga lang ang tingin sa'yo, Belle!" Pagkausap sa sarili at pinindot ang close button.

Habang bumababa, inaalala ko ang mga sinabi niya sa'kin simula noong pumunta siya rito at bulabugin ako.

Then I just realized that I was being treated poorly. And the worst part is I gladly accepted it because there's a little voice inside my head saying na baka mayroon pa. Baka nandoon pa ako.

And it hit me, he'll never gonna treat me like he did before. Kaya sa paglabas ko sa gusaling 'to. Isang relasyon na lang ang mamamagitan sa amin. Professional relationship.

***

Maganda naman ang panahon ngayon, malakas ang sinag ng araw at mukhang good mood ang mga tao sa agency.

Dalawang linggo ko ng pinapangalagaan ang professional relationship namin ni Luke habang tinatrabaho ang campaign ads ng Helen cosmetics. My ideas already came in to life with the help of my team at sana marami pang trabahong dumating para matabunan ang thoughts ko tungkol kay Luke.

Maingay pa ang buong paligid kaya ibig sabihin ay wala pa si Luke at ang napakabait na fiancé ng boss ko at hindi naman sa pagiging bitter pero hindi na ako bumibili ng kape niya.

Chineck ko ang reach ng ads sa social media maging ang response ng mga potential customer nang may nilapag si Matthew sa harap ko. "Coffee? Nakalimutan mo atang bumili kaya ako na lang." Pang-aasar niya. Alam niyang simula nung nalaman kong si Lara pala ang may-ari ayoko ng bumili sa coffee shop na 'yon. Perfect niya kasi masyado. 

Nginitian ko siya nang masama kaya bumalik ito sa table nito. Sinusubukan talaga ako nitong si Matthew e.

Ang aroma ng kapeng nasa harap ko'y nang-aakit. Sobrang bango nito. Amoy relationship na first month pa lang. Clingy, sweet, at masarap.

Binuksan ko ang takip at humigop nang kaunti. "Damn it!" Ang sarap!

Tumingin ako sa pwesto ni Matthew at pinapanood pala ako nito habang nakangiti. Itinaas ko ang kape at nagpasalamat sa kanya.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon