Belle
Juice and Sandwiches
"Laging pakatatandaan, ihiwalay ang bulok sa mga di-nabubulok." Pagbigkas ni Luke sa script na pinakabisado ko sa kanya at kumindat pa! Hoy! Wala sa script na kumindat ka imbento ka diyan.
"Cut! Okay na yan. Pahinga ka muna brad." Sabi ni Arthur. Siya kasi ang director namin at syempre ako, gandahin na lang na nakaupo sa gilid. Aba? Ano? Ako na nag suggest, ako na naghanap ng ambassador pati ba naman sa shooting ako pa rin? Baka pektusan ko na sila isa-isa.
"Ayos ba?" Tanong ni Luke sa akin matapos niyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ko.
"Syempre ayos yun! Ikaw ba naman kumindat kahit wala sa script e. Very sure na ako na puro mga makakating babae at sangkabaklaan ang magla-like ng video kaya ayos lang!" Sarkastiko kong sagot. At binigyan siya ng tubig na inabot naman niya.
"You sounded like a jealous girlfriend. Kasama sa script yun babe don't worry, and swear! The script is so bad yung mga choice of words? Ang pangit talaga."
Binatukan ko nga siya. Aba!
"Hoy! Ako ang gumawa ng script at walang kindat dun, 'wag kang imbento, tsaka maganda kaya yung script duh, at pwede ba 'wag mo akong matawag-tawag na babe?" Buti sana kung manliligaw e. Alam ng assuming ako ng taon kaloka 'to.
Nagulat siya ng malaman niyang ako ang gumawa ng script.
"Nah. Just joking, the script was beautifully done." Ayan ganyan dapat.
Pinaghirapan ko kaya ang paggawa ng script. Mga 12 hrs. kong pinagisipan ang "Laging pakatatandaan, ihiwalay ang mga bulok sa di-nabubulok. Grabe! Ilang brain cells ko ang nagamit at namatay para lang makaisip ng ganun kagandang line. Kaya wag niya akong inaano diyan napagod ang amygdala ko kakaisip.
"Hi Luke. Kumain ka na ba? Ito o sandwich baka kasi magutom ka." Sabi ni Ellisse sa malanding tono.
Mas nakakagutom kaya ang gawain ng iba naming kasamahan. Mas deserve nila ang sandwich na yan. Nako! President ha, mga galawan mo.
Kinuha 'yun ni Luke at nginitian si Ellisse, at ang babae naman parang nakidlatan dahil halos mangisay na siya sa harapan ni Luke.
"Beke kese getem ke ne nyeyeye. Arte! Pabebe akala mo ang ganda." Bulong ko. Sarap bigwasan ng mga ganyan e 'no?
"You're so cute." Sabi ni Luke ng marinig akong ginagaya ang tono ng napakahusay, talented at huwarang presidente. Pwe!
"Ah Luke baka kasi thirsty ka. Ito oh, juice I'm the one who gumawa niyan I knew kasing ikaw ang ambassador namin." Sabi ni Liza at inipit pa ang buhok nito sa tainga with kagat labi. Uy! Kung makita mo lang fes mo swear mandidiri ka rin. Tigilan mo yan fren.
"Uhmmm. It's good." Tumango-tango pa siya habang pinupuri ang gawa ni Liza. Si Liza para namang may sakit. Hindi lang pala conyo to, epileptic din.
"Luh kaya ko rin namang gumawa niyan." Bulong ko na naman.
Tinignan ko si Luke at ngiting ngiti. Nakakagat pa siya sa labi niya at hawak hawak pa niya ito.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?!" Gustong-gusto siguro nito yung atensyong binibigay sa kanya.
At akala ko naman tapos na ang kaharutan ng mga kababaihan kay Luke pero may humabol pa nakakaloka na talaga.
"Ah, Luke pawis na pawis ka o. Grabee! Huwag mong pabayaan ang sarili mo, 'di porket gwapo ka hahayaan mo na lang 'tong mga pawis na 'to." Pahabol ng ever maharot, hindi magbabago *drum rolls* Mica!!
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Fiksi RemajaWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...