Para sa wala
"John Belle Venille?!" Pagtawag ni Mrs. Borromeo sa akin.
Tumayo ako. "Y-yes po?" Tanong ko. Bakit ganyan naman siya kung makatawag? Galit ba siya? Kakapasok ko pa lang oh. Pwede bang 'wag muna siya magalit sa akin?
Nakita ko mula sa peripheral vision si Antoinette at Matthew. Parang sila pa ang mas kinakabahan kesa sa akin.
"Where's your project?" Ano daw?! Tama ba ang narinig ko? Project? Bakit hindi ko alam na may proyekto palang ipapasa?
"M-meron po ba?" Pa-sweet kong tanong. Hoping that it will lessen her anger.
"You didn't know?" Tumango ako at yumuko. Nakatingin sa aking sapatos habang nilalaro ang aking mga kamay. Para naman kahit papaano, mabawasan nito ang kabang nararamdaman ko dahil sa pinapakitang ugali ni ma'am.
Mabait ang Physical Science teacher namin. Ayaw lang talaga niya sa mga estudyante na hindi gumagawa ng mga pinapagawa niya. Which clearly, ako yun.
"Wala kang maipapasa? Then leave! Ayoko ng estudyanteng tamad sa klase ko!" Bunghalit niya sa akin.
Tinignan ko ang mga kaklase ko at nakikita ko sa mga mukha nila ang awa at hiya. "I said leave!" Nagulat ako sa sigaw niya at nanginging na umalis dala-dala ang bag.
Lumabas ako ng classroom kagaya ng sinabi niya sa akin. Naglakad-lakad at naghanap ng mapupuntahan. Dinala ako ng mga paa ko sa mahabang upuan na pinagtatambayan ng mga estudyante sa loob lang din ng building namin. Dito ko na lang gugulin ang natitirang oras para sa next subject.
Gusto ko sanang mainis kay ma'am kaso 'wag na pala. Partly, may kasalanan din ako kung bakit hindi ko napasa yung pinapagawa niya. Obligasyon naman niya akong pagsabihan and besides hindi niya pa siguro alam na na-suspend ako kaya ganyan siya kung magalit. Ito kasing si Antoinette! Hindi talaga maaasahan sa mga academic chenes. Bwisit, ayan tuloy napahiya ang lola niyo kahit kakapasok pa lang. I was expecting na magiging engrande ang comeback ko pero ito, nasupalpal ni ma'am. Mahirap talaga kapag nagalit ang mababait na teacher, mas nakakatakot.
Huminga ng malalim, dinuduyan ang paa sa hangin habang pinapanood ang mga taong naglalakad sa harap ko. Ito ang ginagawa kong pamatay oras sa nalalabi pang minuto. Mula rito, makikita mo ang ilog na nagiging dahilan ng minsanang kabahuan ng school. Hindi ko tuloy maiwasang sariwain ang mga panahong nagdaan. Somehow, I miss this place, kahit isang linggo lang akong nawala. May sentimentality ang bawat lugar sa school na 'to. Sa bawat sulok nito, nakagawa na kami nina Archie at Antoinette ng memories. Punong-puno ng magkahalong saya, tuwa at nakakalungkot na ala-ala ang paaralang ito. Kahit medyo mabaho dito, minsan, naging masaya at nag-enjoy naman ako.
Dahil wala akong magawa, binibilang ko amg mga taong dumadaan sa harap ko. Mga sampu na ang dumadaan. Marahil ay may klase ang karamihan sa gusaling ito.
Pero kahit anong libang ko sa sarili ko, hindi pa rin maalis sa isip ko ang huling sinabi ng tindera bago ko siya tarayan at layasan. Ano ba talagang problema nila kay tatay Selyo at ganyan sila sa kanya?
"Pinatay niya ang sarili niyang asawa"
E kung siya kaya ang patayin ko ngayon. 'Wag niya akong inaano at baka hindi ko siya matantya.Nilingon ko lang siya, tinarayan at umalis. Baka may sabihin na naman siyang magpapantig ng tainga ko.
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Teen FictionWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...