Runnin
I left him again, but this time, expectedly, he didn't stop me.
Sobrang labo na ng dinadaanan ko, hinaharangan ng mga luha ang mga mata ko.
Hindi ko kaya 'tong mag-isa. Kailangan ko ng kaibigan. Tinawagan ko si Antoinette ngunit pinatayan lang ako nito.
Mabilis akong bumalik sa kwarto, inaasahang nandoon si Matthew para sabihin lahat sa kanya ang nangyari. Ngunit pagbukas ko ng pinto, walang tao. Binuksan ko ang ilaw at nakita ang nakabukas na drawers, wala na rin ang mga gamit niya.
Kinuha ko ulit ang phone at tinawagan siya. Subalit kagaya lang rin ni Antoinette, walang sumagot.
"Putang ina!" I said, out of frustation and anger.
Sa pangalawang pagkakataon, napaupo na naman ako sa sahig, mag-isa at walang kasama.
Ito na dapat yung puntong susuko na ako at ipapaubaya na lang si Luke kay Lara pero hindi 'yun ang nararamdaman ko. Gusto ko pang lumaban. Ngayon lang ako nagkaroon, kaya hindi pwedeng ako ang mawalan dito.
Iniwan na nila akong lahat, hindi dapat kasama si Luke sa mga 'yon.
I thought I already know pain, experienced it, got through it, but everytime I'm with Luke, It's like those are new feelings to me.
I've learned the intensity of agony because of Luke but I still love him. I'm still willing to give my heart knowing damn well he'll give it back to me, shattered and broken.
And the only person to blame is me.
Hindi ko namalayan ang sariling humiga sa sahig at doon umiyak nang umiyak, at ilang sandali nabalot na ng kadiliman ang paligid nang ako'y pumikit.
***
Tanghali na ako nagising. Mahaba ang naging tulog ko pero nanghihina pa rin ako. Walang haba ng tulog ang makakapawi ng pagod na nararamdaman ko.
Naghilamos kaagad ako, nagsipilyo at nagpalit ng damit. Pupuntahan ko si Lara. Sasabihin ko na sa kanya. Kagabi ko pa dapat 'to gagawin ngunit nakatulog ako at dahil ayoko nang magsayang pa ng oras, ngayon ang pinaka magandang panahon para sabihin sa kanya.
Nang matapos, mabilis akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kwarto nila.
Wala akong dala kahit na ano maliban sa pagkakaroon ng sigasig na umamin sa kanya. Habang naglalakad, dama ko ang bigat ng mga paa sa tuwing tatapak sa sahig.
There's always an hesitation but my sole need to end this phase for my sanity is greater than that. So I'm pursuing this.
Nasa tapat na ako ng pinto niya... nila. Huminga muna ako nang malalim at saka kumatok.
Tatlong beses ko 'yon ginawa ngunit walang sumagot.
Kumatok ulit ako, mas malakas na't sunod-sunod.
Muli, wala na namang sumagot.
"Shit!" Sigaw ko pagkatapos hampasin nang malakas ang pinto. Sinandal ko pa ang noo dito at napapikit.
Nasaan sila?
"Looking for someone?" Narinig ko mula sa aking kaliwa.
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Teen FictionWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...