Chapter 60

603 34 1
                                    

The letter

Maganda ang gabi ngayon. Matingkad ang mga bituin nang makita ko sila, bilog rin ang buwan, at kahit ganitong oras ay matao pa rin ang syudad. Maingay, buhay na buhay. Kung titingnan, aerial view, napakaganda, walang duda. Pero kung iisa-isahin ang bawat tao sa gitna ng maingay na syudad, magbabago ang pananaw mo. Isa ako sa mga tao na 'yon.

Hindi ko kayang i-enjoy ang pagkain sa lamesa maging si Luke na kaharap ko ngayon. But at least I have to pretend. Fake it until you make it, ika nga nila.

"Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Tanong ni Luke sa akin.

"Ah-no! This is... this is good. Sarap." Pagsisinungaling ko.

"Hindi pa bawas ang pagkain mo Belle." Tiningnan ko ang plato ko at kinumpara sa kanya na paubos na. Kaloka, kanina pa ata ako tulala.

"A-ano kasi, ahm... pumunta na ako dito dati. Oo, tama." Sabi ko at ginawa na ang unang subo.

Alam kong alam ni Luke na may bumabagabag sa akin, pero hinayaan na lang niya ito at iniba ang usapan.

"Ang saya ko ngayon... na kasama kita." Nahihiya niyang sabi.

Ngumiti naman ako. "Lagi naman tayong magkasama sa trabaho."

"Kaya nga lagi akong masaya e."

Alam ko kung saan patungo ang usapan na 'to. Pero hindi pa ako handa. Ayoko pa.

"Luke..."

"Belle, makinig ka muna bago mo na naman i-down ang offer ko. Alam kong limang taon ka ng naririndi sa pangungulit ko sa'yo at alam mo naman ang tingin ko sa'yo 'di ba? Na higit pa sa kaibigan."

"Hindi pa ako handa, Luke. Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa. Natatakot pa rin ako."

"Hindi kita pine-pressure Belle at alam mong mahal kita pero tao rin ako, hindi ko kayang mag-antay habang-buhay." At hinawakan niya ang kamay ko.

Naiintindihan ko siya. I never said that I'll meet him at the end. Nakakapagod nga namang mag-antay lalo pa't kung hindi naman ito nagpapa-antay.

"I understand. Kaya nga 'di  ba, tama na. Maghanap ka na ng iba Luke. Sa  ganyang itsura, kahit sino magkakandarapa." Kahit nga sa opisina namin, ang daming nagkakagusto sa kanya.

"Bakit ikaw?" Sabi niya at ngumiti. "Bakit ikaw hindi nagkandarapa sa akin?"

"Alam mo... ikain na lang natin 'to. Oh ayan, masarap yan." Sabi ko sa kanya at nilagay sa pinggan niya ang ilan na nasa plato ko.

Pinanood ko lang siyang pilit na ngumiti at kinain ang binigay ko. I'm sorry Luke. Sana kaya na lang kitang mahalin para madali na lang ang lahat ng 'to. Sinubukan ko naman kaso hindi talaga e.

"T-tara na Belle. Umalis na tayo." Biglang sabi ni Luke. Parang nakakita ng multo ang itsura nito.

"B-bakit? Nagalit ka ba sa sinabi ko sa'yo? Sorry..."

"Hindi 'yun. Basta, t-tara na." Wika pa niya ngunit hindi ito nakatingin sa akin bagkus ay sa bandang likuran ko. Lilingon na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko. "Let's go." Dagdag pa niya. Agad itong tumayo.

Kahit na nalilito sa mga nangyayari. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. Hindi ko nakita ang likuran ko pero mas lumakas ang mga boses na nanggagaling doon. Para silang may pinag-uusapan. "Sandali Luke, hindi pa tayo bayad." Pahabol ko.

"My family owned this place." Ang sabi na lang niya.

Bakit siya biglang nagmamadali? Anong meron? At totoo bang sila ang may-ari ng fine dining restaurant na 'to?

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon