He came
Sino kaya ang iiwan at sino naman ang isasama ko sa inyo?
Medyo mahirap na desisyon 'to dahil isa na lang ang kailangan ko pero dalawa silang nagpupumilit na sumama.
So sino nga ba talaga ang pipiliin ko?
Itong black na t-shirt o itong violet?
Hays, kung pwede lang na kayo ang isama ko pareho, pero kasi tatlong araw lang naman ako dun. Ang eksaherada ko naman ata kung lahat ng nasa drawer ko ay isasama ko papuntang Camarines Norte.
Tinawagan ko si Archie kahapon at sinabing this is the right time para gamitin na ang mahiwagang pabor na binigay niya sa akin. Kaya pala may feeling ako na hindi dapat puchu-puchu na favor ang hingiin ko dahil ito naman pala ang tutulong sa akin para makapunta sa lugar kung saan ako dapat pumunta.
Since wala naman akong gagawin dito sa bahay at wala rin akong perang pwedeng ipanggastos sa mall, ginamit ko na ang opportunity na ito para magawa ang iba ko pang duties.
And when I say duties, ito ay bilang isang environmentalist.
Ito na ang tamang pagkakataon para gawin ang literary work ko patungkol sa pagkawasak ng isang lugar sa Camarines Norte dahil sa illegal mining.
Of course, may syesta time ako at hindi puro trabaho lang. Susulitin ko na bilang bakasyon. Maganda na rin 'to para mabawasan ang mga iniisip ko dito sa amin.
Si Alessia, Si Archie at si Luke. Gusto ko munang iwan kung ano man ang issues ko sa kanila.
Actually matagal ko ng gustong gawin 'to, yung magtravel. Pero kasi may mga bagay na nagiging cause ng pagkaantala e.
Una, wala akong pera at pangalawa, wala talaga akong pera. Saklap 'no?
Matapos kong piliin ang black na t-shirt para isama sa paglalakbay ko, pumunta na ako ng banyo at mabilis na naligo.
"Ma! Alis na ako ma." Paalam ko sa kanya matapos kong maligo at magbihis.
"John Belle ha! Yung mga sinabi ko kagabi, wag mong kakalimutan. 'Wag maghaharot doon. 'Wag masyadong maingay." Payo ni mama.
"Mama naman, paano ako makapag-iingay kung ako lang mag-isa at saka para sa org ang pupuntahan ko roon hindi para magharot. Mama talaga."
"Oh, siya. Umalis ka na at baka gabihin ka pa sa byahe."
"Bye ma!" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
Nako ma! Gagabihin talaga ako sa byahe dahil medyo malayo ang Camarines Norte.
Super excited ako. Iisipin ko pa lang na mag-isa akong magta-travel at aalis muna sa magulong mundo, relaxing na.
Kailangan ko talaga 'to hindi lang para ma-feature ko ang lugar na sinasabi ni Ellisse pero para na rin mag-unwind. Gusto ko munang makalimot sa mga ideyang nagmumulto sa akin ngayon.
Medyo nahirapan pa akong buksan ang pinto dahil marami nga akong bitbit but I still manage.
Pero ang hindi ko na-manage ay ang mabilis na tibok ng puso ko ng makita siya sa harap ng bahay namin.
Naabutan ko pa siyang nagpa-practice ng sasabihin niya habang may hawak na bulaklak at may isang sakong bigas sa tabi nito.
Ang tagal na rin pala nung huli kaming nagkita.
Magsisinungaling pa ba ako? Syempre namiss ko siya at syempre masaya ako na nagbalik ulit siya.
Pero meron ding parte ng utak ko na nagsasabing magalit ako sa kanya. Hello? Hindi sinasagot ng lalaking yan ang mga tawag at texts ko.
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Teen FictionWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...