Chapter 49

609 31 3
                                    

Getting ready

Third person

"Naloko na nila tayo noon. Hindi na tayo magpapaloko ulit." Madiing wika ng tumatayong pinuno sa kanilang samahan. Lahat sila'y sumang-ayon sa sinabi nito.

Nagpupulong sila sa isang tagong lugar sa baranggay. Nasa gitna ito ng gubat na hindi pa nagagalaw ng mga dayong nagmimina dito.

"Hindi nila basta-basta pwedeng angkinin ang lugar na kinalakihan natin. Dito tayo nabuhay at dito rin tayo mamamatay!" Dagdag pa niya na lalong nagpaliyab sa damdamin ng kanyang mga kasama. Masyado silang marami para sa lugar na pinagpupulungan nila. Nasa mahigit limampu ang mga ito, limampung residente ng baranggay na handang isugal ang buhay para dito. "Kung kailangang gamitan ng dahas, gagawin natin!" Pahabol pa nito.

"Paano natin sila lalabanan?" Tanong ng isang kasapi. "Balita ko may mga armas ang mga dayo at hindi lang basta armas, kung hindi mga baril, at bolo lang ang meron tayo." Matapos itong sabihin ng lalaki, nabahala ang lahat maliban sa pinuno.

"Pedring." Sabi ng pinuno at tumango. Tumango rin ang tinawag niya at nagkaintindihan na sa isang tinginan. May kinuha siyang malaking bag sa sulok at ibinagsak sa lamesang pinalilibutan nila. Nagulat ang lahat nang buksan ni Pedring ang bag. Naglalaman ito ng mga baril, isang armas na pwede nilang pangdepensa at pangtaboy sa mga naninira ng kanilang baranggay.

"May problema pa ba tayo? 'Wag kayong mag-alala tuturuan ko kayong gumamit niyan." Dagdag ng pinuno. Ngiti sa iba at tawa sa iilan ang naging sagot nila. Satisfied sila sa nakikita. Mababanaagan sila ng pag-asa, na ito lang ang tanging paraan para sa kanila.

Sa gitna ng katuwaan ng lahat, may isa sa kanila ang nagtanong sa pinuno. "Saan ho galing ang mga ito?" Nasa mukha nito ang takot at pag-aalala. Naisip niya ang pamilya niyang pwedeng madamay kung sakaling magkakaroon ng engkwentro sa pagitan ng kanilang samahan at ng tinatawag nilang mga dayo, at nakita ito ng pinuno.

"Hindi mo na kailangan pang malaman. Ang mahalaga, may magagamit na tayo. Hindi na nila tayo matatakot."

"Tama! Tama!" Sabay-sabay na sabi ng lahat maliban sa nagreklamo. Nagdadalawang-isip na ito kung tama bang sumama siya dito, iniisip pa lang niya ang gulong mangyayari, umaatras na ang kanyang sikmura.

Tumagal ng mahigit isang oras ang pagpupulong. Naghabilin pa ang pinuno sa mga kasama niya bago tuluyang tapusin ang pag-uusap ng samahan.

Dahan-dahang lumalabas sa maliit na lagusan ang mga kasapi. Masayang pinaguusapan ng lahat ang narinig nilang balita habang umaalis sa lugar maliban sa isa.

"Samuel. Pumarito ka muna." Ang pinuno.

Hindi nito maitago ang kabang nararamdaman, ngunit gayon pa man lumapit pa rin siya sa pinuno. "Ano po 'yon?"

Nang tuluyang makalapit ay inakbayan siya nito, naramdaman niya na ang akbay ng pinuno ay mas nasa lugar ng pagbabanta sa halip na pagkakaibigan.

"Hindi mo naman siguro binabalak umatras, hindi ba?" Malumanay ngunit may laman nitong tanong.

"W-w-wala po. Tsaka kung meron man, hindi niyo naman pahihintulutan." Sagot ni Samuel.

"Buti alam mo. Walang pwedeng bumitaw sa samahan kahit pa dumating ang panahong magapi natin ang mga dayong 'yan." Sabi ng pinuno at tinapik siya ng dalawang beses sa balikat. "Ikamusta mo ako sa asawa mo at sa dalawa mong anak." At ngumiti pa ito. Alam niya na hindi talaga pangagamusta ang gusto ng pinuno. Isang pagbabanta.

Pagkatapos nilang mag-usap ay naglakad papalayo si Samuel bitbit ang pangamba hindi lang para sa kanya maging sa kanyang pamilya.

Pabilis nang pabilis ang lakad nito papalayo sa lugar hanggang sa naging takbo. Buo na ang desisyon niya, kahit alam niyang delikado, hindi niya gustong madamay ang pamilya nito sa mga mangyayari sa lugar. Ilang sandali pa ng pagtakbo ay nakita na niya sa wakas ang munting bahay na gawa sa kahoy kagaya ng sa karamihan at malakas na binuksan ang pinto dahilan para magulat ang asawa nitong abala sa paglilinis ng bahay. Ang mga anak naman nitong ilang taon lang ang pagitan sa isa't-isa ay mahimbing na natutulog.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon