Chapter 18

1.3K 56 5
                                    

Taboo

Naunsiyami ang mahimbing kong tulog ng dahil sa mga ingay na bumabalot sa bus.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at ina-adjust ito dahil sa linawag na nanggagaling sa sikat ng araw.

When my eyes finally adjusted from the light, nakita ko ang mga taong aligaga at nagmamadaling kunin ang kanilang mga gamit sa compartment sa taas ng bus.

Same old routine.

Laging nangyayari ito, yung akala mo ano mang oras sasabog na ang bus dahil madaling-madali silang lahat sa pagkuha ng mga gamit para makaalis na. I mean, hindi ko naman sila masisisi. Baka siguro excited lang silang makita yung mga mahal nila sa buhay. Ang OA lang kasi.

Pero naloka ako ng makita ko ang sarili na nakahiga sa dibdib ni Luke habang akap-akap siya. Inangat ko ang ulo ko para makita siya at ngiting-ngiti naman ang demonyo.

Hoy! Ang gwapo mo. Letse ka.

"Good morning Belle." Bati ni Luke sa akin.

"Good morning." Medyo awkward kong bati at umalis na sa pagkakaakap sa kanya.

"Did you sleep well? " May halong pang-aasar sa tanong niya.

Feeling naman niya nag-enjoy ako sa pagtulog ko dahil nakayakap ako sa kanya. Hindi kaya, slight lang.

"Ah-eh, h-hindi! Parang kulang nga ako sa tulog e. Hindi ko siya na-enjoy actually." Pagsisinungaling ko.

Kapag sinabi ko naman kasi ang totoo, aasarin lang niya ako ng aasarin. Kaya wag na lang.

"Hmmm, that is why your hugs were so tight." He said in a sarcastic way.

"Malay ko ba? Tulog nga ako diba?"

"Okay rin pala dito sa bus no? Kahit masakit sa pwet may libreng yakap." He told me then winked.

Like he always does.

Hinampas ko na lang siya ng bag dahil wala na akong masabi kahit gusto kong i-defend ang sarili ko.

Habang inaantay ang ilan sa mga pasahero na bumaba ay kinukulit pa rin ako ni Luke kung na-enjoy ko ba daw ang yakap ko sa kanya.

I keep on saying no. Pero mapilit talaga siya.

"Hindi nga sabi!"

"Hala ang kulit sabing hindi."

"Hindi nga swear!"

"Oo na!" Sigaw ko.

Nagulat siya. So was I.

After so many questions. Finally narinig na rin niya ang gusto niyang marinig.

Kainis kang bunganga ka. Bakit hindi ka maawat?

"W-what?" Sabi nito na parang matatawa.

Ayan! Ayan ang main reason kung bakit ayokong sabihing mamamatay na ako sa kilig kapag may ginagawa siya, it just feeds his ego.

Lakas talaga.

Siguro dahil sa adrenaline na naidulot ng kaba ko, I found some words to changed the topic.

"A-no, tara na oh! Tignan mo nakaalis na yung nasa harap natin." Sabi ko at mabilis na lumabas.

Pero dahil siya ang malapit sa aisle ay madadaanan ko siya.

He grabbed my waist and made me sit on his lap.

"What did you say?" Pag-uulit niya.

Ano ba yan, hindi effective.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon