The Girl
*24 missed calls from Mi Amoré*
*Hey, are you alright? Pick up the phone*
*Is there something wrong, please tell me.*
It's already 11pm at ilang oras na niya akong tinatadtad ng calls and texts. Usually, this kind of gesture ang nagpapakilig sa akin pero hindi ngayon, ngayong alam kong kahit ganyan siya ka-sweet nagagawa pa rin niyang magloko. Gusto kong magreply pero alam kong hindi nun mapapagaan ang loob ko at masasagot ang mga tanong.
I don't think I can play it cool, na parang wala akong nakita. Sa bawat segundong wala akong ginagawa, nilalamon ako ng mga imahe nilang dalawa dahilan para kainin ako ng insecurities. Diyos ko, ano ba namang laban ko dun?
Una, dahil sa anger issues niya nagawa niya akong saktan physically and now this... it breaks me emotionally knowing goddamn well that there's better than me and he already saw it.
Umalis ako sa chatbox namin at tumungo sa nagsend ng pictures kahit ikakayurak yun ng confidence ko. Pinindot ko ito at zinoom, that tight dress, kahit ayokong aminin ang ganda! Pangarap ko ring magsuot ng ganyan kaso I don't have the body to serve it well but she does, hubog palang ng katawan niya walang-wala na ako. That's what men want, that's what he wants.
Bakit ko ba sinasaktan pa lalo ang ego ko sa pagtingin-tingin ng mga pictures na yun?
Pinatay ko na ang phone baka kung ano pang scenario ang mabuo ng isip ko.May mga readings pa ako at paper works na gagawin at mas magandang ang mga iyon ang pagtuunan ko ng pansin.
Huminga muna ako ng malalim. "Mamaya ulit. Mag-aral ka muna." Bulong ko sa sarili at tumayo mula sa pagkakahiga para gawin ang mga requirements sa school.
Hindi naman pwedeng mawawalan na ako ng jowa, babagsak pa ako.
***
"Anak nandito ang best friend mo! Sabay daw kayong papasok!" Ha? Tama ba ang narinig ko? Himala atang naisipan ni bakla na magsabay kami at pumunta pa rito sa bahay. Huling beses niyang ginawa to, nagpatulong sa project.
Buti na lang at nakabihis na ako at hindi na siya mag-aantay nang matagal. Nagmadali akong bumaba at kagaya nga ng sabi ni mama, nandito siya.
"Oh, bat naisipan mong magsabay tayo ngayon?" Kasalukuyan na naming binabagtas ang daan sa sakayan ng jeep. Maganda ang panahon ngayon, hindi mainit sa balat ang sinag ng araw na tumatama sa mga balat namin habang naglalakad at maaliwalas din ang paligid. Buti pa ang paligid...
"Concern lang ako sa'yo sis sa nalaman mo kahapon. Ano? Okay ka lang ba? Mukha kang bilasang isda."
"Syempre hindi! Ikaw kaya maka-experience nun." Wala kong ganang sagot. Kung hindi ko lang best friend to, nakonyatan ko na 'to. Anong klase ba namang tanong yan? At ikumpara ba naman ako sa bilasang isda sa mga panahong mababa ang self esteem ko?! Ay nako talaga nga naman.
"Lah, nagtanong lang naman Belle, taray mo agad diyan." Bumaba ang energy ni Antoinette pagkasabi nun.
"Gaga! Ito naman, di nakakaganda yang drama mo." Sabi ko na lang at hindi na lang sasabihin sa kanya kung gaano kababa ang self confidence ko ngayon dahil sa comparison niya. "Siya nga pala thank you sa pagsisigurong okay lang talaga ako. Na-appreciate ko." Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kanya.
"Oh, sino ngayong madrama diyan?" Binitawan ko ang pagkakahawak sa kamay niya at pinanliitan siya ng mata. Minsan na nga lang ako maglambing babarahin pa.
BINABASA MO ANG
My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *Completed
Teen FictionWhen a person got the love he thought he couldn't get, will he hold long to it? John Belle Venille, an environmentalist, will meet the person that might change his life. Makuha kaya niya ang pagmamahal na mailap sa iba? Ang pagiging environmentali...