A/N: Started July 9, 2018
**********
"But you're married to a Filipina!" katwiran ko sa ngarag na boses. Nakita kong umigting ang bagang ni Papa at napakuyom ang kanyang mga palad. Napalunok ako nang sunud-sunod. Hindi ko yata mapapanindigan ang pagtatapang-tapangan. Makita ko palang ang ganoong ekspresyon sa kanyang mukha, nanginginig na ang aking kalamnan.
"Your mother is different. One Filipino in this house is enough," mariing sagot ng aking ama. Mahina lamang ang kanyang tinig, subalit sapat iyon para tumimo sa isipan ko ang kaseryosohan ng kanyang sinabi. Hindi ako nakapagsalita.
"Francesco!" tawag niya sa kanyang magiting na alagad.
"Si signore?" sagot nito agad.
Minanduan ito ni Papa na papuntahin sa amin ora mismo si Stefano kasama ang kanyang mga magulang. Pag-uusapan na raw nila ang araw ng aming kasal. Napahumindig ako. No! Hindi maaari!
Napamulagat naman si Mama sa kanyang narinig at natigilan sa paghiwa ng sirloin steak sa kanyang plato. Kaagad siyang napainom ng tubig. Alam kong alam niya na kinamumuhian ko si Stefano. Hindi kami maaaring magpakasal ng hayop na iyon. Tiyak magkakagulo ang lahat kapag nalaman nitong buntis ako sa ibang lalaki.
"Mio caro (my darling)," sabat ng mama ko sa malumanay na wika. Banayad niyang hinaplos-haplos ang kamay ni Papa na nakapatong sa ibabaw ng dining table. "Isn't it about time to let Helena decide for herself? She has been a good daughter to us all these years. This is the only thing she has ever asked us to give her."
"No! I will not allow one of my daughters to marry a pauper! Never! Especially NOT to a Filipino dirt-poor guy!" dumagundong ang boses ni Papa sa buong dining hall ng aming mansyon. Kapwa kami pinanginigan ni Mama. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.
Sasagot pa sana ang mama ko nang makarinig kami ng malakas na ugong ng lumalanding na helicopter. Napalingon si Papa sa paparating na pinuno ng kanyang security personnel. May bisita raw kami. Importanteng mga tao. Papapasukin daw ba nila ang mga ito sa mansyon?
"Ovviamente! (Of course!)" nakangiting sagot agad ni Papa.
Nagkatinginan kami ni Mama.
"Freshen up. I'm sure it's Stefano and his family. I want you to look your best when they come in," mando ng ama ko sa akin.
Katapusan na ng mundo ko!
Tumayo ako at tatakbo na sana paakyat sa kuwarto para doon magkulong nang biglang lumitaw ang sinasabing bisita ng pamilya.
"Mon!" naibulalas ko. Biglang gumaan ang aking pakiramdam. Umaliwalas din ang buong paligid. Susugurin ko sana siya ng mahigpit na yakap at mainit na halik nang maalala na nasa paligid lang si Papa. Ngumiti sa akin ni Mon bago niya hinarap nang buong tapang ang aming padre de pamilya.
"Buongiorno, signore (Good day, sir)," magalang niyang bati.
Nanginig ako nang makita ang reaksiyon ni Papa. Ako ang natatakot para kay Mon. Siguradong ipapahiya na naman ito ng ama ko--- ipapamukha rito kung gaano kalayo ang agwat ng aming pamumuhay.
"As you have told me the other day, sir, I can only come back here if I brought with me, my father so---," lumingon si Mon sa lalaking kabuntot niya at nang nasa harap na ito ng aking ama, taas-noo niya itong pinakilala, "here he is---my dad."
Ama niya ang lalaking ito? Sa suot nitong Vanquish II suit, hindi masasabi ninuman na ama ito ng isang hamak na janitor lamang.
Shit, Mon! Maawa ka! Huwag mo nang dagdagan pa ang kasalanan nating dalawa! Stop this charade!
"Magnus? Magnus San Diego!" gulat na gulat namang sambit ni Mama nang mabistahang mabuti ang may edad na mamang kasama ni Mon. Kapwa kami napatingin ni Papa sa kanya. Parehong takang-taka.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...