CHAPTER THIRTY-FIVE

9.8K 454 24
                                    

Paakyat ako ng library nang mapansin kong parang may bumubuntot sa akin. Paglingon ko, nakita ko iyong nerd---ay si Moses San Diego pala. Inayos-ayos niya ang pagkakapatong ng salamin sa ilong at nagkunwaring busy doon nang lumingon ako.

"Hi there!" bati ko sa kanya at nginitian ko.

Nagulat siya. Lumingon pa ito sa likuran at umikot-ikot. Parang may hinahanap. Inisip siguro na may iba akong binabati. Nang masigurong siya lang ang tao roon, tinuro nya ang bandang dibdib. Siya raw ba ang binabati ko?

"Yes. You. Wala akong third eye."

Nakita kong gumapang ang kulay pula mula sa kanyang maputing leeg hanggang sa mukha. Napangiti ako nang lihim.

"Sinusundan mo ba ako?" prangka kong tanong sa kanya. Hindi siya umamin. May kukunin din daw siya sa library kung kaya nandoon siya nang mga oras na iyon. Timing naman na lumitaw sa pintuan ng silid-aklatan namin si Matias, ang kapatid niya. Pagkakita sa kanya, sumigaw ito.

"Bro!" At masaya nitong niyakap ang nakababatang kapatid. Matagal na silang naghaharutan nang mapansin ako ni Matias. He apologized for not seeing me right away. He even kissed my hand lightly, then bowed in front of me. Ang kengkoy niya. Natawa ako. Si Moses nama'y pasulyap-sulyap sa akin. May binulong sa kanya ang kapatid at kimi siyang ngumiti. Nilingon naman ako ng kuya niya at nginitian din. Kumaway pa ito bago nito hinatak papasok ng library ang nakababatang kapatid.

"What was that?" tanong ni Candy. Bigla na lang itong lumitaw out of nowhere at tinapik ang balikat ko. Namimilog ang maliliit niyang mga mata.

"Ang alin?" tanong ko.

"Matias kissing your hand!"

Nag-init ang mukha ko nang maalala iyon. Hindi ko crush si Matias pero iyong ginawa niyang iyon ay nagpa-blush sa akin. Parang---parang nagustuhan ko! Dapat nagalit ako dahil ang presko niya, pero hindi. Kinilig pa ako nang slight..

"Oh no! Someone surely got mad!" sabi pa ni Candy.

Nang sundan ko ang tingin niya nakita ko si Bea na nakahalukipkip sa hindi kalayuan. Ang sama ng tingin niya sa akin. Kinabahan ako.

**********

Hindi ko alam kung paano ko nakayanan maglakad papunta sa naghihintay na sasakyan ni Moses. Nanghihina kasi ang mga tuhod ko. Ang daming alaalang dumadaloy sa aking isipan. Sumakit ang ulo ko sa pagpoproseso ng lahat ng iyon. Half of me was in denial kasi. Hindi ko matanggap na magagawa sa akin ni Bea ang naisip kong ginawa niya. All along ay naging tapat naman ako sa kanya. Wala akong maalala na tinraidor ko siya.

When I thought of the word "traidor" may naalala ako sa aming kamusmusan. Ang eksena sa library. Pero ang tagal na no'n! At naipaliwanag ko naman sa kanya na hindi ko feel si Matias. Oo, guwapo siya at karinyoso, subalit hindi ko siya crush. Iyon pa rin ba ang pinagsisintir niya? Ang dahilan ng lahat? Ang labo mo talaga, Bea!

"Here," sabi sa akin ni Moses at inabot niya ang isang box ng tissue. Kinuha ko ito at agad-agad na pinampunas sa basang-basa ng luha kong pisngi. He didn't say anything. He didn't move either. Nakaupo lang siya sa harapan ng manibela. Deretso ang tingin niya sa kanyang harapan. Saka lang niya pinaandar ang sasakyan nang tumigil na ako sa kakangawa at kakasinghot.

We drove in silence. Mayamaya pa, tumigil ang sasakyan sa harapan ng isang building. Napanganga ako sa nakasulat na pangalan. The Renaissance. Dito ang pinakamahal na condo unit sa buong New York. May naramdaman akong lungkot nang mapagtanto kong hindi ko na kayang kumuha ng unit doon. Parang kailan lang, kayang-kaya kong mag-isyu ng tseke para bumili ng isa sa mga luxury residences kagaya ng nasa The Renaissance. Ngayon, sobrang walang-wala na ako. Ni hindi ko magamit ang natapos na kurso dahil kahit saan ako mag-apply ng trabaho, palaging nauungkat ang ginawa ko diumanong kapalpakan sa dati naming kompanya kung saan na-compromise ko raw ang private details ng ilan naming kliyente dahilan para ma-hack ang kanilang online bank accounts at manakawan sila ng milyon-milyong dolyar. Kung dati-rati kakambal ng pangalang Bianchi ang karangyaan at integridad, ngayo'y kabaliktaran na. People in the business world frown everytime they hear my name. Iyan ang hindi ko pa nakasanayan sa ngayon. Tapos, heto. I have to deal with my best friends' betrayal. Sina Candy at Bea ang pinakahuling mga nilalang na inisip kong maglalagay sa akin sa kapahamakan. They've always had my back. Bakit gano'n? Ano ang kasalanan ko sa kanila?

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon