CHAPTER TWENTY-FOUR

10.6K 586 54
                                    

"Moses! Ano ka ba namang bata ka, ha?" tungayaw ni Yaya Metring. Hinila niya agad ako palayo sa bakal na gate ng eskwelahan at nagsimula nang maglitanya tungkol sa panganib na maaaring idulot ng pakikipag-usap ko sa hindi ko kakilala. Lilingon-lingon naman ako sa babaeng naiwan ko roon. Kahit saang anggulo ko tingnan hindi siya mukhang masamang tao. Ano ba naman ang pinagsasabi ni Yaya?

"Saan mo na naman nahagilap ang alaga mo, Metring?" tanong ni Mang Andres, ang driver namin at tumungga ito ng isang bote ng kulay itim na softdrinks.

"Saan pa? Eh di doon na naman sa gate sa likuran. Sabihan mo nga iyang kaibigan mong gwardiya. Nawiwili na sa kamamanyak ng mga haliparot na koledys gurrs hindi niya nababantayan ang geyt sa likuran! Bwisit iyan, ha? Pag ako mainis diyan isusumbong ko iyan sa presedente nitong iskul!"

"Why are you so mad, Yaya? She's not doing anything to me naman!"

"Not doweng eneteng? Sa ngayon, oo! Malay mo? Isa pala siyang sugo ng kung sinu-sinong halang ang kaluluwa at kidnapin ka niya? Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa akin sa oras na nadukot ka ng mga iyon? Babalatan ako ng buhay ng ama mo at ipapakain sa buwaya!"

"What? You're exaggerating, Yaya!"

Humulagpos ako sa pagkakahawak niya at nauna na sa kanya sa pagpasok sa loob ng naghihintay naming sasakyan. Tulog sina Matias at Morris nang datnan ko sa loob. Tiningnan ko ang wristwatch ko. Oh my! Did I make them wait that long? Maingat akong tumabi kay Morris at kinabit na ang seatbelt.

**********

"Oh moses! I'm so sorry, baby! I'm so sorry, little one!"

Napanganga ako sa narinig na sinabi ng mama ni Helena. Bakit niya ako tinawag na 'baby' at saka 'little one'? Maging si Dad ay mukhang nagulat din. Does she know us?

Hindi ko alam kung paano mag-react sa biglaang pagsugod niya sa mga bisig ko. Should I hug her, too? Should I ignore her? Itutulak ko ba? Pero nanaig ang kagandahang-asal kaya bahagya ko siyang niyakap din at tinapik-tapik pa sa likuran.

"I am soooo happy to see you again, baby Moses. It's been a long time!"

Bago ko pa masagot ang katanungan kung sino siya sa buhay namin ay nailayo na siya sa akin ni Mr. Bianchi. Naniningkit ang mga mata ng Italyano. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Dad, sa mommy ni Helena, at sa akin. He looked suspicious na hindi maintindihan. Ako naman ay kinabahan. Dumadagundong ang puso ko. Mayroon bang revelation na magaganap? Huwag niyang sabihin na---Oh, God, no! Parang gustong mag-collapse ng puso ko. Hindi ko kayang tanggapin ang namumuong hinala sa aking isipan. I thought about Mom, my beautiful mother. Ang pinanghahawakan ko na lang ay ang komento ng mga taong nakakakilala sa amin simula't sapol. Sa lahat sa aming magkakapatid daw ako ang mas hawig sa mommy namin.

"Do we know you?" tanong ni Dad kay Mrs. Bianchi. He looked a bit puzzled, too. But he was the most composed among us.

"Sir Magnus---I mean Magnus---I am Nurse Rosie," tila nahihiyang pagpapakilala ni Mrs. Bianchi kay Dad. She looked at me again with gentleness in her eyes. At tumulo ang kanyang luha.

Nurse Rosie. Saan ko nga ba narinig iyan noon? It sounds familiar.

Saglit na pinangunutan ng noo si Dad. Tila may inaalala ito sa mga katagang iyon. Mayamaya pa, nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Inunat pa niya ang kanang kamay para makipag-daupang palad kay Mrs. Bianchi.

"It's good to see you again, Rosie. It seemed like you have made something for yourself now. Ikinagagalak kong malaman na nasa mabuti ka nang kalagayan ngayon."

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon